Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa, nagsimula na kaming pumunta sa pool at makisaya narin tulad ng iba. Nang makarating na kme ang daming tao, yung iba naliligo at nagkukulitan sa pool, ang ilan naman ay umuupo sa mga upuan sa gilid at meron ding mga nag barbeque sa gilid...
Umupo na kami sa isang sulok kasama yung mga kaibigan ni Kayliegh, may pinuntahan naman si Gavin habang umalis naman sina Jaxon at si Keil at pumunta sila sa loob at pagkabalik nila may dala dala na silang mga inumin alak yata yung iba at meron ding juice na sa tingin ko ay para sa aming mga babae, at hindi nga ako nagkamali dahil inabot nila samin yung juice at sa kanila naman yung alak, nagsimula na silang uminom ganun din kami, nakita ko pang kumuha din ng alak si Amaria at si Kayliegh hindi naman sila umangal dahil siguro alam naman nilang umiinom itong mga to...
Pinapanood ko lang ang mga taong nagkakasiyahan sa pool, parang gusto ko ring sumabay tagal ko na rin kasing hindi nakapagbonding nang ganon kasama mga kaibigan ko, nakatuon lang yung atensiyon ko sa kanila nang bigla akong napatingin sa gilid ko ng may tumabi sa akin, tinignan ko naman iyon at nakita kong si Gavin iyon at may dala dalang basong may laman ng alak, bumaling siya ng tingin sa akin binawi niya naman iyon ka agad at tumingin din sa mga lumiligo sa pool....
Tahimik lang kaming nagmamasid sa aming paligid yung mga kasama naman namin ay nagkukwentuhan at nagtatawanan, habang kaming dalawa ay ni isa ay walang may nagsalita, bumuntong hininga na lang ako at nakita kung napansin iyon ng katabi ko dahil lumingon siya sa akin, nahiya naman ako bigla....ilang segundo pa bago siyang unang nagsalita.
"Have we meet before?" He asked.
Napatingin naman ako sa kaniya at nabigla ako ng magtama yung tingin naming dalawa at bumalik yung ala ala ng magkita kami sa bar...hindi ko kinaya yung tingin niya kaya umiwas ako ng tingin at bahagyang umubo bago sumagot.
"Why?"I asked back
"Nothing, I just have a feeling that we've meet before" seryusong sabi niya. Hindi niya pala na aalala, siguro mas mabuti nga na hindi niya ma alala hindi naman yun big deal.
"You think so?" This time tinignan ko siya habang nagtatanong ako, he stared at me for awhile before he shake his head and not answering.
Pinabayaan ko na lang siya at tinuon ulit sa pool ang tingin ko ganon din siya...mga isang oras o higit pa kme atang naka upo lang doon ng magsimula ng mag ahon yung iba sa tubig at ang marami na rin ang umuwi, ng kami na lang ang natira biglang tumayo sina Jaxon, Keil, at sumunod narin sina Mica, Amaria at Kayliegh...nag dive yung mga lalaki sa pool at ganun din sina Mica, siguro ito yung hinihintay nila na wla ng tao at sila naman yung maliligo, kaya pala hindi sila sumabay kanina sa iba...nilapitan naman ako ni Kayliegh at inaya, nakapang swimming attire na siya at ready ng lumangoy.
"Besh tara na, ligo tayo magbihis kana don"nakangiting sabi niya.
"Kayo na lang siguro besh" sabi ko sa kaniya, hindi naman siya sumang ayon sa desisyon ko at hinila ako papuntang cr malapit dito sa pool at inutusan akong magbihis... Napasimangot na lang ako sa kaniya at walang magawa kundi ang bumihis, paglabas ko nakita kung naghihintay si Kayliegh sa akin ng makita niya akong tapos na ay nagsimula na kaming pumunta kina Mica na ngayon ay nagtatawanan sa pool..
Medyo hindi ako marunong lumangoy kaya kumapit ako ng mahigpit kay Kayliegh ng lumusong na kami sa pool, alam naman niya na hindi ako masyadong marunong at naramdaman niyang natatakot ako kaya hinigpitan niya rin yung kapit sa akin, bumitaw na lang ako ng hindi naman masyadong malalim yung tubig dito sa akin, pinanood ko lang silang magkulitan sa gitna na sa tingin ko ay malalim, nandon narin naman si Kayliegh at sumabay sa kanila...para akong timang dito na pabalik balik lamang sa pwesto ko.

YOU ARE READING
Falling To You
Novela JuvenilDahil sa nangyari kay Daenerys sa kaniyang ex ay grabe yung sakit na dinaranas niya lalong lalo na kung yung mahal mo ay harap harapan kang niloloko. Kaya nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki dahil para sa kaniya mga manloloko ito, kaya hindi na...