"Gavin, please put Daenerys here, i will call some help." Utos ni Amaria kay Gavin, ginawa niya naman yon, dahan dahang pina upo niya ako sa couch, nakita kung ang mga mukha ng mga kasama ko, nagaalala sila lalong lalo na si Kayliegh...hindi naman ito gaanong kalala kaso nga lang ang sakit.
Na sa ganon kaming sitwasyon ay dumating naman ka agad si Amaria at meron siyang kasamang babae na maganda...lumapit sila sa amin at binati ng mga kasamahan ko yung babae na kasama ni Amaria,lumuhod ito sa harapan ko at kinuha yung paa ko.mga ilang minuto din ang nakalipas ay tapos na siyang masahin yung paa ko, bago siya umalis ay tumingin siya sa akin at may sinabi.
"Wag ka munang maglakad lakad para mas mabilis na gumaling ang paa mo."saad niya.
"Ok po thank you" nakangiti kong sabi. Ngumiti din siya pabalik sakin.ang ganda niya talaga parang may kamukha siya.
"Welcome, and by the way Gavin punta ka muna sa taas may sasabihin sayo si daddy"sabi niya kay Gavin na tinignan lang siya.nag simula ng naglakad palayo yung babae sa amin.
"Bye ate Gab thank you po" pagpapasalamat pa ni Mica sa kaniya at ganon din yung iba.
"Sino yun?"tanong ko sa kanila at bumaling din naman ang kanilang mga tingin sakin.
"Ahh si ate Gab yan short for Gabriella" sabi sakin ni Jaxon.
"Ate ni Gavin"dugtong pa ni Amaria na nakapaglingon sa akin...ate niya yon?!, Tinignan ko si Gavin kaya pala nong makita ko yung babae ay parang may kamukha siya at hindi ko naman na isip agad na kahawig niya si Gavin.
"Oh Gavin akyat kana don tawag ka ng Daddy mo."sabi ni Keil sa kaniya tumango naman siya at lumakad na.ng kami na lang ang natira doon ay nag uusap lang kami at salamat dahil dinadalan din kami ng mga pagkain ng mga maids nila dito. Isang oras lang ang tinagal namin don ng mapagisipan namin ni Kayliegh na umuwi na para makapagpahinga na ako at ganon din siya... Hinatid nila kami hanggang sa labas kung nasaan yung sasakyan ng kaibigan ko, nagpa alam na kami sa kanila at nung bubuksan ko na sana yung pinto ay natigil ako sa tanong ni Gavin sa likuran ko.
"Are you really ok?"parang nakikita ko sa mga mata niya na nag alala siya sa akin, pero hindi ako sure don baka ganyan lang siya dahil sa bahay nila to nangyari. Ngumiti naman ako sa kaniya para sabihing ok lang ako tumitig naman siya sakin dahil don.
"Oo, thank you nga pala kanina ha"nakangiting sagot ko nakatitig lang siya sa akin.hindi naman ako naging komportable dahil sa titig niya.
"Ahmm sige mauuna na kami salamat ulit."sabi ko tumango naman siya
"Take care"sabi pa niya ng isasara ko na yung pintuan ng sasakyan, nginitian ko lang siya..nag wave naman ako kina Mica, Amaria, Keil, at Jaxon ganon din naman sila sa amin.
Ngayon ko lang na realize na ang babait pala nila at ang sarap kasama noong una parang hindi pa ako lalapit sa kahit sino sa kanila pero mabuti na lamang mapilit tong kaibigan ko at ipinakilala ako.
"Ok ka lang ba talaga behsy?" Puno ng pagalalang sabi ni Kayleigh, lumingon naman ako sa kaniya.
"Oo naman beshy malayo to sa bituka kering keri ko to" pagsisigirado ko sa kaniya.
"Talaga lang beshy haa kundi lagot talaga ako kila tito" sabi pa niya, tumawa naman ako dahil don. Protective kasi yung mga magulang at Kapatid ko lalong lalo na pag nasasaktan ako hindi nila gusto yon. Kaya ganiyan na lang yung reaksyion ni Kayleigh kasi alam niya din yun.
"Oo naman beshy..bukas na bukas magaling nato promise" nakangiting saad ko pa.
"Siguradong sigurado ka naman, sana nga beshy ok na yan bukas nag aalala din naman kasi ako sayo e." Sabi niya na nakapagpangiti sa akin...ehhh ang swerte ko naman dito sa beshy ko kaya mahal na mahal ko to e.
YOU ARE READING
Falling To You
Fiksi RemajaDahil sa nangyari kay Daenerys sa kaniyang ex ay grabe yung sakit na dinaranas niya lalong lalo na kung yung mahal mo ay harap harapan kang niloloko. Kaya nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki dahil para sa kaniya mga manloloko ito, kaya hindi na...