12

342 10 7
                                    

Kath

Saktong pagdating ko sa room ay siya rin pagdating ng Profesor namin. Naupo lang ako sa dulo ni isa walang tumatabi sakin. Two hours din ang class namin kaya medyo matagal-tagal ang pagi-istay ko dito sa kwartong ito.

'Nagugutom na ko.' himutok ng utak ko.

Nangapa-ngapa ako saking bulsa nagbabakasakaling may kendi pangsalba ng gutom ko. May nakapa ako at kinuha ko yun.

'Lollipop?'

Ah yung binigay nung bata si Ren, napangiti tuloy ako. Yung gwapo at pilyong bata alam ang pangalan ko.

'Nacurious tuloy ako pano niya nalaman yun.'

Binuksan ko na lang lollipop. Pagkasubo ko ay tumingin na ko sa harap para makinig na. 'Mas maganda na yun kaysa sa kausapin ko pa yung sarili ko, mababaliw lang ako.'

********

"Very Good, Miss Evans. Ikaw ang may pinakamataas ng score sa quiz natin." biro ng prof sa akin.

"I'm not Elementary, SIR." sabi ko sabay irap sa kanya.

"I know. I'm just kidding." natatawang saad ni prof habang hinaayos niya ang mga gamit niya. "Okay, Class dismiss." Sabi niya at lumabas na ng room. Nagsilabasan na ang lahat samantalang ako naiwan at inaayos ang mga gamit.

Nagbabalak ako pumunta ng rooftop. Mamaya pa naman ang klase ko. Siguro pupunta muna ako Canteen para bumili ng pagkain.

"Miss Kath." napahinto ako na may tumawag sakin. Nilingon ko naman ito at nakita ko yung babaeng mukha kanina pa ko hinahabol. Tingin ko mukha 1st year college pa lang.

"May nagpapabigay po kasi nito sa inyo." napakunot noo ako sa sinabi ng babae. Inabot niya sakin ang isang paper bag. Kinuha ko naman ito at sinilip kung ano laman. 'Dalawang baunan na may lamang pagkain.'

Tiningnan ko yung babae nag-abot sakin neto. "Kanino galing ito?"

Napakamot naman ng ulo yung babae. "Di ko po kilala eh. Sabi niya bigay ko daw po ito sa inyo. Sige po alis na po ako." bago ko pa sya mapigilan ay nakatakbo na ito ng malayo.

'Sa Open field na nga lang ako kakain.' sa isip ko at nagpunta na sa open field. Umupo ako sa ilalim ng puno. Tahimik ang lugar. Class hour pa kasi kaya walang masyadong estudyante. Ako lang ata ang may ganito sched. Pinasadya ko talaga na lahat ng break time at lunch time ko yung class hour pang lahat para tahimik.

Pagkababa ko ng mga gamit ko ay kinuha ko agad ang paper bag at nilabas ang dalawang magkapatong na baonan. May napansin ako parang may nakaipit sa pagitan ng dalawang baonan at kinuha ko iyo. Isang pakwadradong papel na maliit.

'Pakabusog ka, Binibini.'

Binibini?

Saka ko naalala ang lalaking naengkwentro ko sa rooftop nung nakaraan taon. Anong kalokohan ang nasa isip niya para dalan ako ng pagkain? Baka mamaya may lason ito.

Umiling iling ako sa naiisip ko. Nilagay ko na lang note sa bag ko. Kinuha ko ang isang baonan. Pagkabukas ko pa lang ay agad kong inamoy.

'Pasta?'

Kukunin ko na sana ang tinidor para magsimula ng kumain ng may naramdaman ako kakaiba sa paligid. Pinakiramdaman ko muna ito ng ilang minuto.

'Psh. Siya na naman.'

Dahan dahan ko iniaangat ang tinidor habang ang mga mata ko.'y nagmamasid sa paligid. Akala mo wala tao pero nasa meron, nasa paligid lang siya. Nang maramdaman ko papalapit niya, bigla ko tinutuk ang tinidor na hawak ko sa may banda kanan ko. Na kinasakto ng pag-upo ng tao inaasahan ko malapit sa kanan ko.

Anonymous EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon