9

280 11 2
                                    

Kanina pa paikot-ikot si Ryan sa kanyang kwarto, hindi siya mapakali dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita sa kanya o nagpaparamdam man lang sa kanya si Kath. Bigla lang ito nawala sa pagtitipon kagabi, wala siya ideya kung may nangyari ba dito, na sugatan ba? Pilit niya itinatanggi sa isip niya na hindi siya nag-aalala dito pero salungat na salungat naman ang mga kinikilos nito

"Kath... answer the phone." saad ni Ryan na kanina pa palakad-lakad sa kanya kwarto.

"Anak, wag ka nga palakad-lakad nakakahilo ka tingnan." pag-awat sa kanya ng kanyang ina na abala sa pagtutupi ng kanyang mga damit.

"Mom, hindi sumasagot si Kath sa mga tawag ko, di man lang nagtetext nag-aa----" natigilan siya sa pagsasalita, 'bakit ba ako nag-aalala sa kanya?' sa isip-isip ni Ryan.

Napangiti naman ang ina ni Ryan at napailing sa nakikitang niyang reaksyon ng kanyang anak "Kaysa sa maglalalakad ka diyan, bat hindi mo itry na tawagan ang mga kaibigan niya o kaya puntahan mo siya sa kanila na hindi ka mag-alala sa kanya."

Napatigil naman si Ryan sa sinabi ng kanyang ina "Oo nga n---Wait, I'm not worried." pagtatangi ni Ryan, pero sa loob-loob niya ay nag-aalala talaga siya.

"Wag mo ko lokohin, Ryan. Knowing you, hindi ka ganyan sa mga nagustuhan mong babae. Kay Kath ka lang ganyan." saad ng kanyang ina at tumayo na sa kanyang pagkakauupo sa sofa.

"Hala sige! Call her friends o mas mabuting puntahan mo na lang siya." nakangiting dagdag nito at naglakad na patungo sa pinto.

"Mom, hindi ko siya gusto. Magkaibigan lang po kami." Pagtutol ni Ryan sa naunang nasabi ng kanyang ina. Ngunit mahinang hagikgik lamang ang naging tugon nito sa kanya at nagpatuloy sa paglabas ng kwarto.

Napasibangot si Ryan sa inastas ng kanyang ina. Wala siyang nagawa kundi tawagan na lamang ang mga kaibigan ni Kath. Mabuti na lang nakuha niya ang numbero ni Lem.

"Hello."

"Who's this?"

"Ryan..."

"OMG! Ikaw pala Ryan, napatawag ka?"

"Pwede ko bang makausap si Kath? Hindi kasi niya sinasagot yung tawag ko."

"She's not here. Pag ganito okasyon, umuuwi siya sa kanila. Why? Nag-away ba kayo?"

"Hindi. Pwede ko bang makuha na lang yung address na bahay nila?"

"Sure. I'll text you na lang."

"Thanks." Pasasalamat ni Ryan saka niya pinutol ang tawag. Nang matanggap niya ang mensahe mula kay Lem ay agad naman siya umalis para puntahan ang bahay ni Kath.

********

"Fuckshit!" daing ni Lihwa ng mahawakan niya ang kanyang sugat.

Kinuha niya agad ang kanyang cellphone at nag dial.

"Damn! Dai, Find the fucking guy who did this... I swear... I'll kill him"

**********

Nang makarating si Ryan sa bahay ni Kath ay nagdalawang isip na ito kung tutuloy pa ba siya o hindi. Tinatanong tuloy niya ang sarili niya bakit nga ba siya pumunta ditp? Wala naman namamagitan sa kanilang dalawa.

Napasabunot si Ryan sa pagtatalo ng kanyang utak sa kung ano gagawin. Napabuntung hininga na lamang siya at napagdesisyonan na lumakad papunta sa gate at mag-doorbell.

'Andito na ko. Itutuloy ko na.' sa isip ni Ryan.

Mga ilang sandali may narinig na siyang yapak na papalabas patungo sa gate na kinatatayuan niya. Bumukas ang gate at tumabad sa kanya ang isang dalagitang sa tingin niya'y kaedaran ng kapatid niya.

Anonymous EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon