15

60 0 0
                                    

       "I'm her brother." What?

"Brother?" nagtataka ko pa rin tanong. I thought babaeng kapatid lang ang meron si Kath.

"Yeah, I'm glad to finally meet you. Kaw pala ang manliligaw ng kapatid ko. What a coincidence."

"Ha?"

Ngimisi ito sa akin, "Nevermind. I'm with Kath. Nandoon siya sa mga bata nakikipaglaro. Next time na lang tayo mag-usap ng masinsinan." ngumiti lang ako bilang tugon sa sinabi niya. "Sister, punta lang kami sa mga bata." ngumiti lang si Sister. Kahit naguguluhan ako sumunod ako sa kuya ni Kath?

Nakita naman namin sila, oo sila kasama si Kath na nakikipaglaro sa mga bata.

"K." agaw atensyon ni Rick kay Kath.

Napatingin naman sya sa gawi namin at nakita ko ang paglaki ng mga mata niya.

"Kuya... Rya--"

"Kuya Pogi!" sigaw na mga bata at tumakbo papalit sakin. Ngumiti naman ako at yumuko para yakapin sila.

"Ang gwapo mo po talaga, kuya pogi. Kinikilig ako!" namumula pang sabi ni Jhem.

"Ano ba, Jhem! Matanda na si Kuya Pogi. Di kayo bagay." inis naman sigaw ni Paul na masamang ako tinitignan.

Natawa naman ako sa inasal nila. "Enough, kids. May ibang gusto si Kuya Pogi niyo." Singit ng kuya ni Kath sa pag-uusap namin.

Nalungkot naman si Jhem ng sinabi nito at syang naman pag-ngiti ni Paul. "Sino naman po?"

Lihim ako napatingin sa direksyon ni Kath na mukhang kanina pa ako pinapanood. "Si Ate Kath niyo."

Napapikit ako sa naging sagot ngkapatid ni Kath. Ang layo na nararating na kalokohan ko kuno na manliligaw ni Kath. Backfire ata eto sa akin.

Napatingin naman ang mga bata sa direksyon niya. "Si Ate K?" sabay-sabay naman nilang tanong sakin.

Wala ako nagawa kundi ang tumango at tumayo upang lapitan si Kath. No choice ako kundi sakyan ko na, at gawin magmukha totoo talaga.

Nang makalapit na ko kay Kath. Tinitigan ko ang kanya mukha at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Nakita ko naman namula siya kaya medyo natawa ako ng mahina. Inilabas ko ang aking panyo at saka pinunasan ang kanya mukha.

"Ang pawis mo na." lalo naman siyang namula. Humalik ako sa kanyang pisngi, hinapit ko siya sa kanyang bewang at humarap sa kanila. "Ang ganda ni Ate Kath noh?" nakangiting ko saad sa kanila.

Nagsitilian ang mga bata kasama na din Jhem na mukhang natuwa ng malaman niyang si Kath ang babaeng gusto ko.

"O man, itigil mo yan. Paalala lang nanliligaw ka pa lang sa kapatid ko." natatawang komento ng kuya ni Kath kunwari ang sama ng tingin nito sa braso ko nakaakap sa likod ni Kath.

Nginitian ko na lamang siya at saka inalis sa braso sa likod ni Kath. "Okay, Kids. Tayo naman ang maglaro. Mamaya naman kayo makipaglaro kay Ate Kath." tinanguan lang ako ni Rick at hinila ang bata kung saan sila naglalaro kanina.

Nagulat naman ako ng lumapit si Jhem samin. "Hihihi... Kahit crush po kita kuya pogi ibibigay pa rin po kita kay ate Kath. Sabi na nga po bagay po kayo. Ang galing, Ate! Kaw pala ang crush ni kuya pogi."

Ngumiti naman si Kath at yumuko siya para mapantayan si Jhem. "Ikaw talaga, Jhem. Ang dami mong alam." sabi ni Kath at nakita namin si Paul na papalapit samin. "Paul, hilayin mo na 'tong si Jhem. Maglaro na kayo dun kela kuya Rick."

Anonymous EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon