10

271 14 3
                                    

"Ryan..." nagulat ako naman makita ko si Ryan nasa sala ng bahay naming. Ano ginagawa niya dito?



Tiningnan lamang ako nito at parang sinusuri ang buong mukha ko. "A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko dito.



Ngumiti ito at saka tumayo. "I asked Lem your address. Masabang dalawin ka?" pilyong sagot nito.



"Bigla ka nawala kagabi. N-" bigla huminto siya sa pagsasalita. Napapikit ito na para bang natauhan siya sa sasabihin niya sana. "I mean, gusto ko lang malaman kung may nangyari ba sayo dahil sa kaguluhan kagabi."



Bago pa man ako makasagot, naunahan na ko ni Kc. "Meron kuya, meron. Nabaril siya sa may kanan braso. Ang lakas ng loob pa niya umuwi dito kagabi. Ayun sermon ang inabot niya kay Dad. Buti na lang, hindi malala ang tama niya. Nilagnat nga lang, first time mabaril eh."

Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa nakahandusay si KC. Agad naman lumapit sakin si Ryan, na agad ko din naman kinaatras.

"Wag ka lalapit. Okay lang ako." pag-aawat ko sa kanya ng akma niyang hahawakan ang braso ko.

Binalingan ko muli ng tingin si Kc. "Leche ka, ang daldal mo. Kahit kelan ang epal mo." Nang gigil ko sabi dito.

"Tama na yan. Mahiya naman kayo sa bisita." Pag-aawat sa amin ng tatay ko. Dinilaan naman ako ni KC na kinairap ko.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sakin si Ryan. "Tito sorry po sa nangyari kay Kath kagabi." Teka...

"Tito?' takang tanong ko sa kanila.

"Masamang bang tawagin akong tito ng manliligaw mo?" nagulat naman ako sa sinabi ni Dad.

Napatingin naman ako kay Ryan na nasa tabi ko at kinurot ito sa tagiliran niya. "Damn you. Iniinis mo talaga ako." Bulong ko dito na sinuklian niya lamang ako ng ngisi.

"Hindi naman, Dad. Di ba po pinagbabawalan niyo muna ako na ligawan? Sabihin mo lang dad, basted na agad 'to." Pagbibro ko pa sa tatay ko baka makalusot.

"Walang ako sinabi, Kath. Mas gusto ko nga may manliligaw ka." Nanlumo naman ako sa sinagot ng aking ama. Napadaan ang tingin ko sa braso ni Ryan.

"Bat may sugat ka din sa braso?" tanong ko dito.

"Wala 'to nadaplisan lang kanina." Kanina?

Mukhang nagets naman ni Ryan ang expression ng mukha ko kaya pinaliwanag. "May sumugod dito kanina. 4 na lalaki nakamaskara na sa tingin ko sila rin yung mga sumugod kagabi sa mansion."

"Dad, Kc ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ko sa pamilya ko.

"We're okay, Ate.Thanks to Kuya Ryan. Siya ang sumalo ng katana na dapat tatama kay Dad."

"Thank you, hijo." Pagpapasalamat ni Dad at ni Kc kay Ryan.

"Walang anuman po, Tito."ngiting sagot ni Ryan.

"Naglunch ka na ba? Sumabay ka na samin kung hindi pa." pag-aaya ni Dad kay Ryan.

"Sige po." Tanging tugon ni Ryan dito.

Naiwan kami dalawa ni Ryan ng magpaalam si Dad na magluluto ng tanghalian samantang si KC naman ay nagpaalam din na aakyat muna sa kanya kwarto.

Humarap ako kay Ryan. "Thank you."

Ngumiti ako. "Thank you for protecting my family." Sinsero ko pagpapasalamat sa kanya.

Nagulat naman ako ng bigla ako yakapin nito.

"Please next time wag ka bigla bigla nawawala... Nabaliw ako kakaisip sayo kung nasan ka."

***********

3rd Person

"Mahusay, Ren. Bihasang-bihasa ka na sa pag-gamit ng patalim." sabi ng isang lalaki sa batang nag-eensayo ng pag-gamit ng iba't ibang uri ng patalim.

"Siyempre naman po, Kuya. Ang galing niyo po magturo." sagot naman ng batang lalaki. Bawat hagis nito ng patalim ay laging nahahati at tumatama sa mga bagay na target nito.

"Ipagpatuloy mo lang yan. Magkakaganti ka rin sa kanila." sabi ng lalaki na may matagumpay na ngiti sa kanyang labi.

Anonymous EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon