7

373 33 12
                                    

Kath

Ferrer Mansion

When we finally arrived, kapansin-pansin ang letra nakadikit sa bungad pa lamang ng gate.

FERRER

Pagkapasok namin sa gate makikita mo na agad ang sandamakmak na guard na nakapalibot. Pinagmasdan ko ang mansion masasabi ko talaga na 'wow' may ganito pa lang nag-e-exist na kagandang mansion. Napatingin ako sa aking katabi na tahimik na pinapark ang sasakyan.

Napailing na lang ako. Kaya pala. Ang yabang yabang nito kasi naman may yaman maipagmamalaki.

Nang ihinto niya ang sasakyan saka ko pa lang napansin na napakadami din kotse nakapark. Wala akong kaide-ideya sa kung klase party ang sinamahan ko, bahala na nga.

Tumingin naman ko sa kasama ko mukha kasing walang balak bumaba , 'Dapat sinabi niya na hanggang dito lang pala kami sa kotse di na sana ako nagpatorture sa mga kaibigan ko para lang maging tao.

"Seriously? Magtitigan na lang na tayo dito. Wala ba tayong balak bumaba. Sabihin mo lang huhubarin ko tong suot katingkati na ko--"

"Gorgeous." I know, hindi na kailangan ulitin.

Tiningnan ko ang suot niya, infairness bagay sa kanya ang gwap-- Kfine gwapo na sya.

"I know, no need to say it again . Y-you, you look good, too." nahihiyang puna ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Kahit ganito ako marunong din ako mahiya.

Tumawa naman ito ng mahina.

Nauna na siyang bumababa para pagbuksan ako ng pinto. Sinapian ata ito ng masamang espiritu at nagawang pagbuksan ako ng pinto.

"Lets go?" sabi nito at inarko ang braso nito sa akin.

Kinapitan ko naman 'to at tumungo kami sa entranda ng pagtitipon. Bumungad sa amin ang sandamakmak na tao. Napatingin ang mga ito sa amin, sa akin.

Napatago ako sa likod ni Ryan dahil hindi ako sanay sa ganito party, lalo na't lahat ng tao sa party na ito na sa akin ang atensyon. Mas lalo hindi ako komportable.

"Andaming tao." I whispered to him. "Pamilya mo ba yan lahat? Di ako sanay sa mga ganito." I added.

Tumawa lamang ito ng mahina. "Not really. Yung iba business partner ni Dad."

"Ano meron?"

"Business gathering." Simple sagot nito. "Lets go." Inaya ako papasok.

Sa bawat nadadaanan naming ay lagi sa akin ang tingin ng mga tao. Sa ayaw man at sa gusto ko pinilit ko silang bigyan ng ngiti baka mamaya isipin nila na masama ang ugali ko. Although na totoo naman. May ngumingiti, may umiirap, parang ayaw nila akong makita.

"Hey, Ryan." Tawag ng isang lalaki kay Ryan. Sa tingin ko hindi nagkakalayo ang edad namin.

Huminto naman kami. "Bro, himala andito ka." Ryan said.

"Wala si dad sa bansa. Ako na pinapunta." Sagot ng lalaki. Napatingin naman ito sa sakin. "Woah, your girl?" makahulugang tanong nito kay Ryan.

Ryan smirked. "My date. She's Kath, my friend." Pagpapakilala niya sakin. "And Kath, this is Dominic, my bestfriend."

"Hi Kath. I'm glad to meet a gorgeous lady here." Bati nito sa akin, sabay lahat ng kamay.

May ngiti ko naman itong tinanggap, "Bolero, but thank you for the compliment. And it was nice to meet you too, Dominic."

"Don't you have date?" singit ni Ryan.

Tumawa naman si Dominic sa sagot nito. "Ako pa ba mawawalan? She's around. Anyway, I need to go. Hahanapin ko muna sya. See you around." Pagpapaalam nito sa amin.

Anonymous EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon