6

336 32 9
                                    

December 24


"Maryosep ka, Kath. Bumalik ka dito. I'm going to curl your hair. Ang tigas ng ulo mo!" nang-gagalaiti sigaw sakin ni Lem habang hinahabol ako.

"Tantanan mo nga ako, Lem. Ayoko nga!" I shouted back to her.

"Mahiya ka naman sa angkan ni Ryan kung mag-mukha kang engot dun." napasibangot naman ako sa sinabi ni Marga.

UGH! Shit ka Ryan. Wala naman ako balak sabihin sa kanila na may pupuntahan ako party pero dahil sa ungas na yon nalaman nila. Sinabi nito sa mga kaibigan ko na ipapakilala ako sa magulang nito.

"Hayaan niyo na kung ano gusto niyang suotin. Mas maganda kung magpantalon na lang siya." Sa unang pagkakataon ngayon lang ako natuwa kay Carl sa papigil sa mga bruha itong.

"No!" sigaw nila Lem and Marga.

"Hayaan mo na lang sila Carl. Minsan lang natin makikita magmukha babae si Kath." komento naman ni Ron.

"Selos ka lang bro." asar naman nila Mark at Amiel na kinataka ko naman.

"Fine. I give up. Just please pakibilisan naman." sabi ko na lang at nagpunta na kay Lem ng matapos na.

"Ang arte mo." sabi ni Lem saka sinimulan kulotin ang buhok ko. Habang si Marga naman ay minimeka-up-an nako. At pati si Ron nakisali na rin na nililinisan ang kuko ko sa kamay at paa.

Seriously?

**

"C'mon come out, Kath. Anong oras na? Andyan na sa baba si Ryan." Sigaw ni Marga sa labas ng kwarto ko.

"No. I changed my mind. Ayoko na pumunta sabihin niyo kay Ryan. Ayoko ng pinasuot niyo sakin. Nangangati ang balat ko." sigaw ko naman sa kanila.

Nakaharap ako ng salamin at tinitingnan ang suot-suot kong dress na binili nila kanina sa mall. Aaminin ko na di ko makilala ang sarili ko ngayon. Nakakagulat na may itinatago pa pala akong gandang katulad nito.

"Isa pa Kath pag di ka lumabas gigibain namin itong pinto ng kwarto mo." galit na sigaw ni Lem.

Tumingin muna ako sa salamin bago ako lumabas...

'Shit. Ang ganda ko.' napangisi na lang ako sa naiisip ko.

Lumabas na ko at nakita ko naman silang lahat sa labas na kwarto ko. Seriously? Talagang inaabangan nila akong lahat?

"OMG! Ang galing ko talaga." hindi makapaniwalang saad ni Lem.

"Dyosang-dyosang bes." nakakanganga wika ni Marga.

"Truly, ang ganda mo girl." masayang sabi ni Ron.

"Pwede ka ba ligawa---Acck , Marga." daing naman ni Amiel. Nang sikuhin siya ni Marga.

Ngumiti lang ako sa kanila. Nadako naman ang tingin ko kay Carl. Tiningnan lang niya ako at walang sinabi.

"Tara na't bumaba may nag-aantay." saad ni Mark saka hinala si Lem at nauna ng bumaba.

Tama ang sabi nila na nasa baba na nga si Ryan. Nung makita niya ako ay agad naman siyang tumayo.

"What can you say about her, Mr.Ferrer?" nakangiting saad ni Ron kay Ryan. Ilang segundo bago makasagot si Ryan.

"Gorgeous." tangi nasabi niya na nakatingin parin sakin. Mapangisi na lang ako, May nasasabi rin pala itong matino. Nagtitili at asar naman ang mga kaibigan ko sakin.

Napailing na lang ako. Pinagpatuloy ko ang pagbaba ko at nakita ko naman siyang papalapit sakin. Bago ko pa man ako makatapak ng floor nilahad naman niya ang kanyang kamay sa harap ko.

"Lets go?" ngiti nito saad. Marunong din pala ito ngumiti na walang halong pang-aasar.

"Oh gosh! Kinikilig ako." napatingin naman ako kay Lem at nakita ko ito yumakap kay Mark. Natatawang umakap na lang pabalik ang boyfriend sa na iingit niya girlfriend.

Tiningnan ko naman siya na nag-aantay na ipatong ko ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Bago man yun. Tiningnan ko muna si Carl, nag-iwas agad ito ng tingin sakin. Nakakapagtaka lang simula ng makilala niya si Ryan di na niya ako pinansin. Di ko maalala kung may pagkakamali ba akong ginawa.

Siguro after na lang nito saka ko sya kakausapin.

Tiningnan ko muna ang mga kaibigan kong ngiting ngiti sa nakikita nila ngayon. I just smile to them saka ko tinanggap ang kamay na nakalahad sa akin.

***********

3rd person

"Nü wáng... Bakit ganyan po ang suot niyo?" nagtatakang tanong ni Gino ng makapasok siya sa Opisina ni Lihwa. Nakita niyang nakasuot ito ng napakaganda damit na lalo nagpagganda sa reyna kahit pa ito'y nakamaskara. Ano pa kaya kung wala itong maskara. Ubod ng ganda sigurado ito.

"May pupuntahan lang ako. Nga pala ano ginagawa dito mo?"

"Nahuli na po isa sa mga pumatay sa Creys. At mukhang isa rin ito sa pumatay sa dalawang estudyante natin dito sa AU." sa sinabi ni Gino ay agad naman napatingin si Lihwa sa kanya.

"Ano ang pangalan niya?" tanong nito kay Gino.

"Ayon po sa nakalap namin. Siya si Jayson Dimalanta, isa sa mga tauhan ng fragon grp. Napag-alaman din namin na isa rin siya sa mga estudyante ng AU kaya pala may nakakapasok na tagalabas dahil sa kanya. Sa ngayon ay hawak siya nila Dai at iba niyo pa kasama sa wēixăn." paliwanag ni Gino.

"Kung Ganoon, maari ka na umalis dito. Pakisabi na lang na pupunta ako dun."

"Masusunod Nü wáng." paalis na sana si Gino ng may maalala si Lihwa.

"Sandali, nasabi sakin ni Ms. Evans na may nakakita daw sa kanyang pagpatay sa limang lalaki. Akala ko ba wala kang nakita ibang estudyante doon bukod kay Ms. Evans. Ako ba'y iyong pinagtataksilan, Gino?" maowtoridad na tanong ni Lihwa.

"Oo nga po , Sasabihi-----"

"Arrgh! Saka na magpaliwanag, may pupuntahan pa pala ako." sabi nito at naunang pa itong lumabas ng opisina.

Naguluhan naman si Gino, dahil sa pagkakaalam niya ay hindi naman magkakilala si Lihwa at Si Kath.

Imposible kaya isa rin si Kathleen Evans sa Creyton?

Anonymous EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon