02

16 2 1
                                    

//



Naalala ko pa nagpunta kaming mag best friend sa inyo no'n dahil birthday mo. Kami lang inaya mo, wala 'yung mga kabarkada mo, hindi ka rin naman gano'n kaclose sa iba pero nakikipag interact ka naman sa kanila.






Ang tanong ni tito sa akin no'n, "Nasan si mama mo?" naalala ko magkabatch pala sila ni mama at magkaibigan pa, barkada gano'n. Habang nakain tayo, tanong lang nang tanong si tito tungkol kay mama.  Isa rin kasi siya sa nakakaalam ng pinagdaanan ni mama. 






Akala nga ni tito ako 'yung crush mo no'n, sabi niya ok lang if ako kase kilala niya family ko gano'n. Syempre nahiya ako at sinabi na 'yung best friend ko crush mo. I don't want her to feel bad kaya I gave her compliments.






Ngayong taon na sinusulat ko ito, hindi na kami friends. Things became complicated and ended our connections. Feeling ko naman nabalitaan mo 'yon kahit hindi ka na interesado.




Yours truly,

C.

//

Loving Him AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon