03

9 2 1
                                    

//




Naikwento ko sa mga pinsan ko 'yung nakaraan, hindi ko maalala kung bakit ko naikwento pero naikwento ko sa kanila. Hindi ko alam bakit napunta sa 'yo 'yung topic.





Naikwento nila na sakristan ka raw, totoo ba? Noong una hindi ako naniwala, kapani-paniwala naman sila pero I still doubt it. Hindi ako naniniwala kapag 'di ko nakita, hindi ko inaasahan na makikita kita noong unang linggo na magsimba ako. February 27 noong unang magsimba ako. Totoo ang chismis.




Sakristan ka nga, hindi ko maiwasang ngumuti, hindi ko rin alam kung bakit. Nakatingin nga lang ako sa 'yo buong misa. Nakikinig naman din ako sa lector at sa homily, yoon naman kasi ang pinunta ko sa simbahan. Hindi ko nga lang talaga matanggal tingin ko sa 'yo.




Hindi ko rin alam kung bakit, itinigil ko rin naman. Baka ako maging homily ni father eh.




But Sotana looks good on you :)




Yours truly,

C.


//

Loving Him AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon