Chapter 2

1.8K 89 94
                                    


-

Maaga akong nagising dahil Lunes na, ibig sabihin ay may pasok na ako. Naginat inat muna ako bago bumangon at tumungo ng closet, kinuha ko ang puting tshirt at pants na inihanda ko na kagabi. Dumeretso ako ng cr para maligo, hindi naman na ako magbreakfast dahil hindi talaga ako nagbreakfast.

Matapos maligo ay mabilis akong nagbihis dahil mag aalas otso na, hinablot ko ang aking phone at booksack 'saka lumabas ng unit. Nagauto lock naman na 'yon kaya 'di ko na chineck.

Pag pasok ko ng elevator ay kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng maramdam itong magvibrate. Nangunot ang noo ko dahil inaasahan kong si Race 'yon dahil siya lang naman ang may alam ng number ko pero unknown number ang bumungad sakin.

I opened the message and it says 'This is Camilla! See you later!'

Sinong Camilla naman 'to. Wala naman akong kikitain lalo na pangalan ay Camilla.

Hindi ko nalang pinansin at lumabas na ng elevator, paglabas ko ng building ay lumakad pa akong sa waiting shed dahil wala namang nadaan na tric sa harap ng building.

Saktong may dumaan na jeep kaya 'don na ako sumakay mas makakamura kasi ako at mapapabilis. Nakarating ako sa university ng humihinga pa, kingina punuan kasi ang jeep kaya nahirapan akong dumistanya, halos higitin ko na hininga ko e.

The university entry astounded me one more time. It seemed as if, despite the fact that this was only the entrance, it already appeared to be luxurious.What's more on the inside, diba? I approached the gate and was hailed by the headmaster, who I reciprocated with a slight smile. I didn't want to offend anyone on my first day.

Nalaman ko rin na hindi lang pala siya basta guard dito, nakakahiya na tinawag ko siya in-address nang maayos 'nong enrollment kaya pala englishero headmaster ng college . S'ya lang ang nakatoka na magwewelcome sa mga enrollees kaya siya ang nandon at wala rin ang guard ng araw na 'yon.

Pero mabait naman si Mr. Elvias sinamahan pa nga ako mag pavalidate ng ID kahit kaya ko naman na, makulet masyado.

Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang mailang dahil pinagtitinginan nila ako, ramdam ko ang mga bulgarang pagtingin nila kaya hindi ako makalakad ng maayos.

Kingina naman ngayon lang ba sila nakakita ng taong naglalakad. Nakayuko lang ako magdamag na naglalakad patungong registrar para kunin ang schedule ko. Nang makuha ay tinignan ko agad at inaral ang sunod sunod.

Btw, I'm taking BSc Aviation na dapat ay BS in Civil Engineering pero change of heart dahil may nakita akong pilot na gwapo sa airport last 3 months. Dapat talaga Business ad kukunin ko pero naisip ko na pwede naman ako mag tayo ng business kahit hindi 'yon ang kunin kong course. So ending I took BSc Aviation.

Lumapit ang gustong makarating ng langit.

"Ms. Einstein!" I jumped at the voice behind me.

Pagtingin ko ay yung babae nung enrollment ang tumawag sakin 'non dahil palapit na siya ngayon habang malawak ang ngiti. Kung eto rin lang ang isasama ko papuntang langit baka ihulog ko pa siya sa ere.

I frowned, "What?" I asked ng makalapit eto sakin sabay angkla ng kamay sa braso ko kaya inalis ko agad 'yon. Pinagtitinginan kasi kami e nasa hallway pa mandin kami.

She giggled, "I told you, I'm gonna find you, Einstein." Napairap nalang ako ng umangkla nanaman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin na ikinalayo niya, "Chill, ako lang 'to, remember Camilla? The gorgeous VP of MSC and your mirror." Nakangiti niyang pakilala abay malamang naalala ko na siya.

"How did you know my number?" I asked instead.

She looked stunned for a sec but smiled like an idiot after, "How did you know it was me?"

Ether of Anarchy (Manchester I - ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon