Chapter 5

1.5K 83 47
                                    


-

"Waahhhh! O to the M to the G! Sino kaya ang mystery man ng freshmen students?!"

It's not a man. A woman. And it's me.

Napapikit ako ng isigaw 'yon ni Jacob. Andito kami ngayon sa gymnasium dahil ngayon ang araw ng parade. Ang sabi ni Miss Schott ay sumama daw muna ako sa parade bago ako pumunta sa theatre hall para ayusan at 'don din gaganapin ang event. Abot langit ang kaba ko ngayon palang. Usap usapan kasi ang apat na representative at kahit ako ay hindi ko kilala ang tatlo ko pang kasama.

Feeling ko impromptu ang mangyayare mamaya dahil wala kaming kapractice practice. Mas lalo akong napepressure sa dami ng tao. Kada madadaanan namin ay puro representatives ang pinaguusapan nila.

Iris spokes, "Sino sa tingin niyo rep natin?"

Nakatayo kami ngayon sa gymnasium kasama ang classmates namin sa homeroom. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil puro ang daldalan kaliwa't kana.

Rose responded, "Feeling ko si Dracula."

Napatingin ako sakanila dahil sa usapan nila, "Sinong Dracula?" Tanong ko.

Tumawa ang apat 'saka sumagot si Rose, "Yung tinaguriang queen bee ng freshmen students. Her name was Samantha De Vera, kinatatakutan ng lahat kahit mga higher level pa dahil sa burdagol niyang boyfriend."

Sumang-ayon naman ang apat, "Gwapo sana e kaso napakayabang." Sabay ni Rose.

Jacob joined, "Gwapo kasi crush mo."

Tinaasan siya ng middle finger ni Rose, "Gago, dati 'yon nung wala pa akong taste."

"Purkit natikman na si Rein nagkataste na." Asar sakanya ni Jacob kaya natawa ang tatlo.

Agad na namula ang mukha ni Rose, "Hoy! Virgin pa ako 'no!" Depensa ng huli.

Tinusok tusok ni Lexi ang tagiliran niya kaya napaigta siya, "Finger licking good ba, Ros?"

She hissed, "Mga gago!"

Nagtawanan lang ang apat at hindi na ako nakisali dahil sobra ng pula ni Rose. Hindi ko matake ang asaran nila mga walang filter ang bunganga.

Napataas ang kilay ko ng tumingin sila sakin, "Why so tahimik, Lia?" Taas kilay na tanong ni Jacob.

Iris spokes, "Hindi ka pa nasanay kay Lia. Pinaglihi ata sa pepe 'yan."

"Bastos!" Sigaw ng apat sakanya

"Mga green kayo! Pipe kasi 'yon namali lang ng bigkas." Katwiran ni Iris sabay irap sa apat 'saka bumaling sakin, "Lia, magsalita ka nga parang mamamatay ang apat na 'to pag 'di narinig boses mo."

Ngumisi lang ako bago umiling, "What?"

Rose spokes, "Wag ka nalang pala magsalita, Lia. Hindi rin tayo magkakaintindihan."

Nagkibit balikat nalang ako bago tumingin sa stage, "Sino na nga hula niyo!?" Sigaw na tanong ni Jacob.

"Samantha nga!"

"Ikaw bakla ka!"

"Si Riego ang akin."

"Ako talaga 'yon."

Napailing nalang ako sa kakulitan nila. Bahagya akong dinunggo ni Jacob kaya napatingin ako sakanila, "Ikaw, Lia?"

I slightly frowned, "Samantha."

Wala naman kasi akong ganong kilala dito tsaka kilala ko naman kung sino. Nagtatalo pa sila hindi nila alam nasa harap na nila ang tamang sagot.

Maya maya pa ay nagsalita ulit si Rose, "Grabe ang swerte nung representatives 'no. Kung isa lang ako sa napili baka nagpatarpaulin pa ako."

Ether of Anarchy (Manchester I - ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon