Chapter 16

134 10 13
                                    

Chapter 16

Performance

"King-"

Nagulat ako nang bigla siyang bumitaw at umatras, dahilan para tuluyan na akong matumba sa sahig. Napangiwi ako sa sakit no'n. Mabuti nalang at naitukod ko kaagad ang mga kamay ko.

"You are not looking at your way! Nakita mo na ngang may tao rito," highblood na sabi ni King.

"Sorry po talaga. Hindi ko po talaga sinasadya. Sorry po!" Yumuko ng paulit ulit iyong babae.

"Tss," tumingala si King. "Look what you did!" Sabay turo sa akin.

Lumingom sa akin ang babae at yumuko. "Sorry po, ate!"

"Fucking clumsy,"

Tumayo ako mula sa sahig at pagsasabihan sana si King sa pagbitaw niya sa akin nang umalis na ito. Sa akin na ngayon humihingi ng pasensya iyong babae pero ang mga mata ko ay na kay King.

Sinipa niya ang isang batong nakita niya sa daan. Malakas iyon kaya lumipad patungong langit iyong bato. Mura rin siya ng mura kaya nangunot ang noo ko.

Mas affected pa siya kaysa sa akin na nabuhusan ng juice?

"Ayos lang. Kasalanan ko rin dahil nasa daan kami."

"Iyong damit niyo po, nabasa ko." Puna nung babae.

Ngumiti ako para hindi siya mas'yadong makonsensya. Hindi naman niya sinasadya. OA lang talaga si King.

"Magpapalit nalang ako. Pasensya na rin sa lalaking iyon."

"M-may extra shirt po ako. Puwede niyo po-"

"Hindi na. Ayos lang talaga." Umiling ako. "Sige, alis na ako."

Iniwan ko na iyong babae at pinuntahan si King na nakatingala sa langit, nakapamaywang, at kagat ang labi sa iritasyon.

"Ang sama ng ugali mo!" Singhal ko.

Bumaba ang tingin niya sa akin. Pansin ko ang namumula niyang pisngi.

"What are you talking-"

"Sinambot sambot mo pa ako, bibitawan mo lang din pala ako!" Iritado kong sabi bago siya nilampasan.

"You were heavy." Sagot niya. Nalaglag ang panga ko. Kailangan pa bang sabihin iyon?!

"And I don't like... like anyone touching me without my permission!" Dagdag niya.

Ang arte!

Sinamaan ko siya ng tingin bago nilingon iyong babae. Mukhang bibili ng bagong tanghalian dahil sa nangyari. Nilingon ko siya at naiinis na inirapan bago umalis.

Sumunod naman siya sa akin. "Saan ka pupunta?"

"Magpapalit ng damit. Mauna ka na sa classroom. Sunod nalang ako. Baka nandoon na rin si ma'am."

"I wil go with you,"

"Hindi na. Mauna ka na roon."

"Alright. Tapos kapag may lumabas na wraiths sa bathroom, of course they will know that you are not with anyone of us." Nahinto ako sa paglalakad.

"Then, you'll get attacked. I'll be in the classroom by that time. You may scream for help but it will be too late,"

Kumuyom ang mga kamao dahil hindi matanggap na maaaring tama nga siya. Lahat ng sinasabi niya ay naiimagine ko. Unti unti akong kinakabahan dahil sa mga iyon.

"Besides, nobody can see wraiths unless special cases like you. Wala namang ibang may kakayahan na makakita sa school ng ganoon bukod sa'yo."

"Tara na nga!"

The Girl Who Found A Mysterious CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon