Chapter 35
Kiss
"What the fuck?" Usal ni King nang makita si Jericho.
Nagtaka ako roon. Lalo na nang makita ko ang disgusto sa mukha niya. Lumalakas tuloy ang suspetya kong tama ang hinala ko tungkol sa kaniya.
Pinili kong hindi sitahin ang reaksyon niya para hindi niya mapansin ang suspetya ko.
"Oh? Jericho dito!" Tawag ni Genna.
Kumaway siya sa amin at nilapitan ako agad. Tumabi siya kay Genna, katapat niya si King na masama ang tingin sa kaniya.
Hindi man lang niya tinago ang disgusto niya sa kaibigan ko.
"Kumusta Monique? Balita ko lumipat ka raw ng trabaho at apartment. Kaya pala hindi na kita nakita kanina nang daanan kita."
"Ayos lang. Pasensya na. Biglaan kasi kaya hindi na ako nakapagsabi. Order ka muna."
"I am not paying for him." Bulalas kaagad nitong si King kaya napalingon kami sa kaniya.
Tumagilid ang ulo ni Jericho, halatang kinekwestiyon ang existence ni King sa lugar na ito. Ngumiti ako na humihingi ng pasensya at tinapik si King sa ilalim ng lamesa.
"Uhh... Who?" Hindi matuloy tuloy ni Jericho na tanong.
"Ah!" Genna clapped. "Alaga ni Monique. Dinala niya kasi walang magbabantay."
"Oo. Pasensya na at dinala ko. Atsaka, anong sinasabi mong pay. Kami ng bahala rito King." Sabi ko nang natatawa para hindi halatang naiinis na ako sa inaakto niya.
"What?" Baling niya sa akin. "I don't let a lady pay for me."
"Mapagsasabihan ako ni sir Hands kapag hindi ka umayos." Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Tumigil ka nga."
Humarap ako kina Genna at Jericho na abalang naghahanap ng mabibili sa menu.
"Tss!"
Nang maka-order na si Jericho at bumalik na ang atensyon niya sa amin.
"Pasensya na ah. Gusto ko sanang ipakilala ang girlfriend ko sa inyo kaso busy siya ngayon sa competition niya e."
"Ano na 'yong competition niya? Ballet? Ballet?"
"Talaga, ballet? Wow. Ang galing ah?" Kumento ko.
Nahihiyang ngumiti si Jericho sa amin. "Oo, magaling na nga... Maganda pa."
"Totoo! Like, sa pic lang namin siya nakita ni Monique pero ang ganda na niya. Paano pa kaya kapag face to face!" Ani Genna.
"You should be thankful to me." Bulong ni King na mukhang ako lang nakarinig dahil abala na sa pagkalikot ng phone ni Jericho si Genna.
Nilingon ko si King na naiinip na. Sakto dumating ang orders namin kaya kaniya kaniya nang kuha. Dahil nagpapanggap akong yaya, inayos ko muna ang pagkain ni King bago ang sa akin.
"Saan ka nga pala nagtratrabaho ngayon Monique? Para naman mabisita ka namin kapag day off." Tanong ni Jericho.
"Ah?" Gulat kong sabi.
Hindi ako nakapag-isip ng alibi!
Sumulyap ako kay King para humingi ng tulong. Nakuha naman niya agad kaya tumikhim siya.
"Do you know the Fauna Empire?" Taas noong sabi ni King
"F-Fauna?!" Gulat na sabi ni Genna bago tumingin sa akin. "Doon nagtratrabaho si Craig!"
"You mean, Fauna Empire–one of the biggest pharmaceutical company for animal welfares?!" Si Jericho naman.
"I am the chairman's grandson." King gave an evil smirk.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Found A Mysterious Cat
FantasyOne day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took good care of it. But something happened. The cat talked... The cat became a guy! -- Fantasy story...