Chapter 33
Suspicion
Kasalukuyan akong nagluluto ng makakain nang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Damon na may dalang dalawang maleta at isang malaking bag. Lumabas mula sa library si Sehana na may hawak hawak na libro.
"Oh, nandito ka na pala."
"Kararating po. Si King?"
Tinalikuran siya ni Sehana at nagtungo sa akin. "Upstairs. Sulking."
Binilisan ko kaagad ang pagluluto ko. Natataranta at kabado dahil alam kong ginagawa ko ito kasi nadisappoint ng husto si King sa naging sagot ko.
Eh kasi naman, sinong hindi? Dalawa lang kami sa ganito kalaking bahay? Hindi pa kami close. Mas maganda talaga na may kasama kami para hindi awkward sa isa't isa.
"Anong niluluto mo?"
"Salmon Soup po. . ."
"Hmm, familiar. At talagang Salmon ah. Paano alam na paborito 'yan ni King?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni sir Sehana. "Uhh... Niluto ko lang 'yong nandoon sa fridge. Puro isda kasi nakikita ko..."
Tumango siya sa sinabi ko. Base nga sa laman ng fridge niya, Salmon ang paborito niyang pagkain. Kung sabagay, pusa siya. Hindi na nakakagulat.
Kakain kaya siya ng cat food?
Bigla kong naalala iyong cat food na nakuha ko sa paglilinis ng apartment ko noong nakaraang buwan.
Nagtataka ako kung paano ko 'yon nakuha dahil aso naman ang alaga ko. Wala naman akong maalala na bumili ako ng cat food. May bawas din 'yon kaya hindi na bago 'yon.
Tinawag ako ni sir Sehana kaya nabalik ako sa reyalidad.
"Alam mo, huwag kang mag-alala doon sa lalaking 'yon. OA 'yon si King, lahat ng reaksyon niya ay purong exaggeration lang."
Akala niya ba nag-aalala ako kay King? Well, oo nag-aalala ako. Pero hindi naman siya ang iniisip ko kanina.
"A-ah..." Nasabi ko nalang.
Pinatay ko na ang stove dahil luto na ang pagkain. Tinanong ko si sir Sehana kung saan ang mga plato ni King at tinuro naman niya sa akin. Tinulungan niya rin ako maghanda sa dining area. Sakto lumapit si Damon sa amin.
"Tapos ka na mag-ayos?" Tanong ni sir Sehana.
"Sa guestroom ako sa tabi ng library. Occupied na kasi 'yong isang kuwarto doon sa taas. Ikaw doon, Miss Catalan, hindi ba?"
"Ah, opo... D-doon po ba dapat kayo? Puwede naman pong sa baba nalang ako-"
"Hindi. Ayos lang. Mas gusto ko rin na malayo kay King. Baka kapag nagpalit tayo ay mapasma nanaman ang utak no'n."
Napakurap ako, hindi ko inasahan ang mga salitang sinabi niya. Talaga ngang may ibang side si King na hindi ko pa nakikita, siguro.
"But don't worry, I will protect you from him if he ever did some funny business to you." Ani Damon sa akin.
"Ey, what are you? Her father? I'm sure she can protect her from him." Ani sir Sehana na kumakain ng tinapay.
Tipid akong ngumiti. Kung sakali man na ganoon ang sitwasyon, susubukan kong protektahan ang sarili ko hangga't kaya ko.
"Call him, Monique. Kamo kakain na. Gutom na rin ako." Ani sir Sehana.
"Ako po?" Tanong ko, saglit na nagulot.
"Ako nalang-" pinutol ni sir Sehana si Damon.
"Tulungan mo ako sa ibang bagay. Sige na Monique, tawagin mo 'yong batang 'yon."
BINABASA MO ANG
The Girl Who Found A Mysterious Cat
FantasyOne day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took good care of it. But something happened. The cat talked... The cat became a guy! -- Fantasy story...