Chapter 52

53 7 0
                                    

Chapter 52

Meet the parents

"So, anong plano niyo?" Tanong ko sa kanila. Nasa cafeteria kami ngayon.

"I told him to ignore you for a week. He can't even try it the first day he saw you." Iling ni Ryleigh na nasa harapan ko.

Kanina ay nagulat ito nang makitang magkasama na kami ni King. Umiling ito, hindi makapaniwala na hindi ginawa ni King ang pinayo niya.

"Look, Monique. I never said a proper apology to you yet. I know my words hurt you and King. I was very sensitive back then. I just worry that King will choose your safety over him given the fact that we have a history of a deity sacrificing his life for his human. Knowing King, he would definitely do the same. The reason why I was mad at you back then. Not mad that I hate you so much. It's just that, I despise that you two even met–"

"Ryleigh, ayos na. Tapos na 'yon. Naiintindihan ko." Pagpigil ko sa kaniyang tuloy tuloy na pagsasalita.

Tumitig siya sa akin at maya maya ay bumuntong hininga.

"Among the personification and deities, King is my favorite. Because even though everyone sees him as a piece of shit, he is a brother to me. He helped me so many times. The reason why I swore to myself that I must protect him."

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Wala kasi si King dahil tinawagan siya ni Sehana. Aniya'y may pag-uusapan daw silang importante.

"Which is why I am here, going to protect you again while he is gone."

"Ano ba talagang plano niyo? Sinabi na sa akin ni King na nandito raw 'yong wraith na sumumpa kay Carlynne."

"Oh yeah, right. That wraith. Yes, we are here because that wraith followed you here. We almost caught her in our turf but she slipped away and told us that you will be her next victim instead."

Napalunok ako sa takot. Talaga bang hindi ako tatantanan ng mga wraith na ito? Katatapos ko lang sa tambal sa kagubatan tapos ito nanaman.

"King and Sehana will corner her."

"Kailangan kong tumulong."

"Nah. No need. You can't do something." Ani Ryleigh habang nainom ng binili niyang juice.

"I can be the bait." Sabi ko agad.

Natigil siya sa pag-inom at kunot noo akong tiningnan.

"You can't be serious. King swore you won't be a bait anymore–"

"Well, ako na mismo ang nagsasabi. Aminin mo, 'yon lang ang kaya kong gawin at epektibo kung magiging pain nga ako."

Umiling si Ryleigh. Pero nagside-eye siya sa akin. Alam niya na tama ako sa mga sinasabi ko.

Napatunayan ko na 'yon ng ilang beses na akong napunta sa kamay ng mga wraith. Lahat sila ay distracted talaga kapag kausap nila ako. Maybe I can do something like that again.

Well, noong una ay nadisappoint ako dahil nga ginagamit ako ni King nang hindi ko alam. Kahit sino naman ay magagalit kapag gagamitin ka sa kapahamakan. Kaso ngayon, kung ganiyan na ilang taon na nilang hindi nakikita at napakamasama talaga ng wraith na ito.

Willing na ako. Basta para sa ikabubuti ng lahat.

"Mas madaling matatapos ang misyon niyo rito, hindi ba?"

Mariin na umiling si Ryleigh. "King will kill me."

"Pambawi mo nalang ito sa akin Ryleigh."

Nanlaki ang mga mata niya sa akin at padarag na binagsak ang juice niya.

The Girl Who Found A Mysterious CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon