Chapter 23

95 10 11
                                    

Chapter 23

Casino

Laglag ang panga ko pagkapasok sa casino dahil unang tapak ko palang, mala-palasyo na ang napasukan ko.

Sobrang laki at lawak ang buong lugar. Maraming nagsusugal sa gitna na hindi ko mapangalanan kasi wala akong alam sa mga iyon. May mga nagsisigawan, maraming nagkukumpulan, may mga waiters na abala sa paghahatid ng mga drinks. Umusog Pa ako dahil may mga sexy na babaeng dumaan sa harapan ko.

Para akong outcast sa kinatatayuan ko. Mabuti nalang at wala namang nakakakilala sa akin dito. Lahat sila ay may kaniya kaniyang ginagawa. Maging si King na akala mo isang hari na nakauwi sa palasyo niya.

Ibinuka niya ang kaniyang dalawang braso at huminga ng malalim. Pagkatapos ay nakangiti siyang tumingin sa sugalan.

"Finally! A life!" Aniya sabay hila sa akin doon sa pinakamalakong kumpulan.

"Hoy! Bakit diyan?" Natataranta kong tanong.

"I want to play. Let's go!"

"Teka! Si Ryleigh!" Lumingon ako sa likuran ngunit wala na si Ryleigh.

Malapit na kami sa kumpulan nang biglang nagbago ang damit ni King. Mula sa uniporme nito na naging black tuxedo, slacks, shiny shoes, at ang kaniyang buhok ay naging brush-up. May kunting nakalagay sa kaniyang noo, dahilan para magmukha siyang sobrang yaman na tao–nilalang.

Malayong malayo sa mukhang spoiled brat na student kanina. Napakurap kurap ako at hindi mapigilang mapahanga. Kaso naalala ko na nagtransform siya sa gitna ng maraming tao. Pagkalingon ko sa paligid, pinitik ni King ang mga daliri niya kaya ang mga nakakita ay nagsiwala ang tingin sa amin.

"Nandoon na si Ryleigh," ani King kaya napalingon ako sa tinuro niya.

Laglag ang panga ko nang makita si Ryleigh na nagbabalasa ng baraha sa pupuntahan naming table. Nagpabalik balik ang tingin ko sa lugar kung saan namin siya huling nakita tapos doon sa pupuntahan namin.

Nagteleport ba siya?! At nakapagpalit ng uniform nila dito? Ang bilis naman!

Binigyan kami ng daan ng mga tao. Halos idikit ko na ang ulo ko sa likod ni King dahil sa hiya. Kaso ang magaling na pusa, hinila pa ako papunta sa gilid niya. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko nang tingnan siya.

"Act normal, human. We don't need to stand out too much."

Umupo si King sa nag-iisang bakante. Nagulat ako nang ipulupot niya ang kaniyang braso sa baywang ko. Napansin ko na lahat ng nakaupo sa table ay may mga yakap ding babae kaya napalingon ako kay King.

Kasama ba ito sa act? Akala ko ba manghuhuli kami ng wraith? Bakit parang iba naman yata ang mission niya ngayong gabi. Gusto niya lang yata talaga magsugal e!

"Alright! Everyone is here. Let's start the game!"

Nagsimula na ang laro. Wala akong naiintindihan sa kahit anong 'yon. Panay lang ang tingin ko sa mga cards ni King na mabilis niyang inaayos. May mga pinagcocombine siya tapos nilalapag niya sa lamesa. Si Ryleigh naman ay abala sa pag-aayos ng nga chips sa gitna.

Sinubukan kong umusog ng kunti mula kay King kasi mas'yado na akong malapit. Halos kasi mapaupo na ako sa isang hita niya kaso ang magaling na pusa, hinila pa ako paupo doon. Uminit tuloy ang pisngi ko sa sobrang hiya.

"What are you doing? You're going to ruin my disguise," bulong niya sa akin habang naghahagis ng baraha sa lamesa.

"Ito ba ang dahilan kaya mo ako sinama? Para gayahin ang mga babaeng iyon?" Tukoy ko sa mga babaeng halos lumingkis na sa mga lalaki nila.

The Girl Who Found A Mysterious CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon