Life Begins at Forty

34 1 0
                                    

Ang sabi nila, life begins at forty raw. Actually, I have been longing to meet yang "sila" or "nila" na iyan na lagi na lang ang daming kasabihan sa buhay! Ang daming alam.

Noon, I really don't give a damn about it. Naririnig ko lang sa mga tanders ang kasabihan na iyan and it keeps me wondering, bakit sa Forty magsisimula ang buhay nila?

Now that I am forty...well...I do realize it is a beginning of a new era of your life. It is more than just adulting. It is like another phase na sa ayaw man natin at sa ayaw...will dawn on all of us.

What begins as forty?

1. Wrinkles! Wrinkles! and more wrinkles!

Nasubukan mo na bang ikunot ang noo mo o kaya ngumiti sa harap ng salamin? Do you notice the folds in between your forehead, sa gilid ng mata mo, sa ilalim ng eyebags mo?

Well, hindi mo yan napapansin dati kasi wala naman iyan dati. It does not exist. Di man flawless ang skin mo, pero dati batak na batak iyan. Supple. Tignan mo pa ang mga pictures mo sa baul o kaya sa archive ng cellphone mo. Pero once you do, you will then start to ask yourself, anong nangyari?

Hay! Ganyan talaga. Kasama sa paglaki iyan. It comes with aging. Aging process. 

Iyan ang number one sampal sa katotohanang kwarenta ka na, Dai! Kaya nga padami na ng padami ang products na binibili mo sa Watson's lately. May moisturizer, toner, serum, mask, peel at kung anu-ano pang produkto para mapangalagaan ang unti-unti nang kumukulubot na balat mo.

Kung may budget ka, another option ay ang bumisita sa pinakamalapit na dermatologist or beauty doctor para magpa-assess. Botox ba? Lift dito? Drip? Collagen ba? At kung anu-anong scientific procedures that will preserve your youthful glow

Wala namang masama if you still want to look good. If sa tingin mo mas magiging confident ka sa mga gagawin mo. Ang masama is kung gagawin mo ito para lang mapagtakpan at patuloy na paniwalain ang sarili mo na bata ka pa. 

Tandaan, acceptance is the key. The more na i-deny mo sa sarili mo na tumatanda ka na, the more na mahihirapan kang harapin ang lahat ng pagbabagong pwede pang dumating sa buhay mo.


2. Uban nation

Another sign of aging. Iyong mga sumusulpot na baby hair na nangingintab sa puti at nakatikwas pa for all world so see. 

Dati-rati negosyo lang natin ito nung mga bata tayo. Piso isang puti kapag nagpapabunot ang mga nanay, tatay, lolo, lola natin. Pagkatapos nun pakiramdam natin mayaman na tayo.

Ngayon, tayo na ang magpapabunot sa mga anak, pamangkin, at apo natin. Although, hindi na rin naman uso ang magbunot ng puti ngayon. Ang dami na rin naman kasing coloring products na available sa market. Iyong iba do it yourself pa. Parang shampoo at conditioner lang na ilalagay sa buhok.

Ang dami na ring color choices. Dati itim lang. Ngayon may highlights, ombre, balayage, at kung anu-ano pang color styles na nauuso. Acceptable na rin ang pula, blue, violet, green, gray, pink, at rainbow colored hair. Dati kasi si Dennis Rodman at Jolina Magdangal lang gumagawa nun.

Again, to each is own. As long as keri mong dalhin at pangatawanan ang kulay at style na napili mo. Go lang kung para ito sa ikagaganda ng outlook mo sa buhay, gawin mo. Pero acceptance is always the key. Hindi ito escape sa katotohanan na nagkakaedad ka na. Magdesisyon at umakto ng naaayon sa edad.


2. Paliparan...pa-North!

Ito rin ang edad na maraming mga tao ang yamayaman at nagmamay-ari ng mga paliparan. O kaya nagbibiyahe pa-North! 

Kwarentita DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon