Welcome to the Outside World!

10 0 0
                                    

Parang bagong evicted na Pinoy Big Brother housemate lang ang datingan no?

Insert: Tony Gonzaga (V.O.)

Ay, teka. Hindi na pala siya ang host nun! Hehehe!

Ngayon bukas na halos lahat ulit ng establishment, industry at public offices. Mababa na raw ang threat ng COVID-19 virus. Sapat na raw ang bilang ng mga taong nabakunahan at nagsimula na rin ang pagbabakuna sa mga bata. Maaari na raw tayong bumalik sa normal nating buhay.

Ang tanong...

Ano nga ba ang normal na buhay na sinabi nila? Paano na ba ulit ang maging normal? At ang masakit sa lahat, may babalikan pa ba tayo?


Two Years Gone

More than two years ago, I remember feeling elated and celebrating the release of our company bonus. Kadalasan kasi March nire-release ang performance-based bonus ng kompanya namin at nalalaman ang merit increase mo for the year. Kaya naman in celebration mode ang lahat sa kompanya. There were even some colleagues back then who flew to HongKong and Japan.

Ito ay sa gitna ng kasagsagan ng COVID-19 sa Wuhan. May pag-aalala na sa karamihan pero dahil katatapos pa lang ng Taal Volcano eruption, busy pa ang mga utak natin sa pag-recover sa natural disaster na ito.

Face mask was already a thing dahil sa ash fall. Namigay pa nga ng N-90 na mask sa office. Ang katwiran namin, bulkan lang iyan, imortal kami! Iyan ang kadalasang kasabihan ng mga taga-BPO industry. Wala kasing lindol, baha, bagyo or anumang natural calamity or public holiday ang pwede pumigil sa amin para pumasok. It comes with the job.

Kaya naman nang unang umusbong ang chika tungkol sa lockdown, ang katwiran namin, hindi naman kami affected. Charot lang iyan! Hindi afford ng government natin na patigilin lahat.

But we were dead wrong. 

Lo...and behold! 

March 16, 2020 nang ideklara ang Enhance Community Quarantine or ECQ. Nagsara ang borders ng Pilipinas. Nagkaroon ng check points sa lahat ng kalsada ng Metro Manila. Nagsara ang malls, restaurants, at public transport. Naging ghost town ang buong Metro Manila. Naglaho bigla ang traffic sa EDSA.

Good thing we were still able to operate. Biglang nag-switch sa work from home arrangements. Kagulo ang lahat sa pagkuha ng mga desktop at iba pang equipment sa office. Taranta ang IT namin sa pag-deploy at pag-inventory.

Suddenly, meetings were all virtual. Pati church worship service naging online at house held. Pati palabas sa TV biglang naging replay.

What has happened to the world?

Lahat tayo in denial. Maraming namoroblema kung paano na ang kanilang kabuhayan kasi arawan ang kitaan nila. Maraming namoroblema kung saan kukuha ng pagkain, pambayad ng renta, pambayad ng kuryente, at kung anu-ano pa. Maraming business ang nagsara. Worse, maraming bigla na lang tinamaan at dumami ang mga nag-aagaw buhay sa ospital.

Isa-isa ring bumibigay ang mga healthcare workers natin. There were massive infections. There were massive deaths. Iyong iba mga beterano at magagaling pang doctor at nurse.

It was like a war na hindi natin nakikita or nakikilala man lang ang kalaban.

Fear engulfed all of us. Paano na ang pamilya natin? We feared for the young, the old, the weak. Yet, we felt our stomachs growling in hunger and our hearts aching in pain of not seeing our loved ones who were isolated, or stuck somewhere.

It was total chaos. It was total confusion. Ang alam lang natin, we have to survive. Ang siste mukhang lahat ng levels sa Maslow's hierarchy of needs, nasapul ng lockdown na ito.

Kwarentita DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon