"Ms. Cadavida! Nasaan ang plate mo?! Hindi ka nanaman nag drawing ha?!"Tahimik lang ang paligid. Seryoso ang buong klase samantalang bakas na bakas sa mukha ni Emma Cadavida ang takot.
"E-eh.." Nauutal niyang sabi.
"Ano ba naman yan! Grade 10 ka na, hindi ka man lang makapag drawing ng kahit pang grade 1? Ni isang linya hindi ka makapagguhit. Ano bang nangyayari sayo ha? Pinapautang na nga kita ng grades pero hindi mo inaayos ang pagaaral mo. " Galit na sabi ng kanilang guro. "Asahan mong ihuhulog kita sa whole quarter. Mababa rin ang grades mo kaya paniguradong mag d-drop out ka. It's too late, Ms. Cadavida. I'm sorry."
Parang nanigas sa kinatatayuan si Emma. Mahaba ang bangs nito pero mahahalata mo ang nanggigilid niyang luha. Pinipigilan niyang umiyak.
Tumayo si Mrs. Garcia at nag paalam.
"Goodbye Class."
"Goodbye and Thank you Ma'am."
Lumabas na ang lahat ng tao sa room maliban kay Emma. Nakatayo siya at naka tungo ang ulo.
Napansin naman ito ni Jin, isa sa mga mababait at hindi mayabang na varsity sa kanilang school. Kaklase niya si Emma. Nilapitan niya ito at binigyan ng panyo.
"Hindi ka pa ba aalis, Emma?" Sabi niya sabay lahad ng panyo.
Umiling lang si Emma at ibinuhos ang buong lakas sa pag iyak. Napaisip si Jin.
'Siya yung taong tahimik at walang kausap. Hindi naman siya pangit para layuan. Matalino rin siya at magaling mag drawing pero anong nangyayari sa kanya?'
Naging kaklase ni Jin si Emma noong Grade 7. Homeschool sila parehas. Nag kataon na na nagpagawa yung teacher na i-drawing ang kahit anong makita nilang glass furniture.
Pinili ni Jin na I drawing ang swan na figurine pero naging uwak lang ang kinalabasan nito. Samantalang flower vase ang kay Emma at kita mo ang detalyadong disenyo sa vase na yun.
'Ang galing talaga niya' mangha na sinabi ni Jin.
Naisip ni Jin na umupo sa tabi ni Emma at damayan ito. Nahihirapan siya pag nakikita niya ang babaeng gusto niya.
Tama kayo, gusto niya si Emma pero di tatagal, mapapaltan na yun ng pag mamahal.
"I-I'm s.....such a failure." mahinang sabi ni Emma.
Nagkaroon ng kirot sa puso si Jin dahil sa sinabi ni Emma. Alam niyang hindi siya isang failure.
Nagkaroon din ng lungkot ang mga mata niya.
"Lahat naman tayo nagsimula sa pagiging failure." panimulang sabi ni Jin.
Tumingin ang namugtong pares na mata ni Emma kay Jin.
Nakatingin si Jin sa kawalan.
"Nakikita mo to?" Pinakita niya ang pilat niya sa tuhod. Malaki at mahaba ito.
"Nakuha ko to nung nag tryout ako ng soccer..." ngiting sabi niya. "Ako yung pinakalampa sa buong grupo. Bawat sipa, sablay. Walang araw na hindi ako nawawalan ng pasa at sprain pagkatapos mag practice. "
Huminga si Jin ng malalim. Nakikinig pa rin si Emma sa sinasabi nito.
"Kaya naisipan kong umalis sa pag sa soccer. Naisip ko kase na baka hindi para sakin ang maglaro ng ganon. Kaya nag try naman ako ng baseball pero dito, hindi na ako sumablay."
Tumingin siya ng harapan kay Emma. Seryoso ang mukha niya.
"Ikaw, anong dahilan mo at nasabi mong isa kang failure? Ng dahil ba sa sinabi ni Mrs. Garcia?"
Nanginginig si Emma. Napaisip siya sa sinabi nito.
"Uhm...Jin." Nanlaki ang mata ni Jin dahil akala niya hindi siya kilala ni Emma dahil wala itong pakielam sa mundo. Nagkaroon ng saya sa puso niya.
"Bago pa man ako tumuntong sa highschool...naging failure na ako. Maraming Salamat nalang sa advice. S-sige una na ako."
Tumayo si Emma at iniwang nakanganga si Jin.
Na curious agad si Jin.
Anong dahilan?
Pinapanood niya ang pag alis ni Emma sa room at umaasa na sana nakatulong siya kahit papano.
"Jin!! May practice tayo. Tara na!" Sigaw ng ka member niya.
Napansin ni Jin na iniuwi ni Emma ang panyo. Napangiti tuloy siya ng wala sa oras.
-------------------
A: Hello! Welcome to the first chapter of my story! Hope you have a great day! This story will be anime based. Ang characters dito ay mga characters din sa Kimi Ni Todoke.
Si Sawako po si Emma para sa nakakaalam ng anime.
Godbless everyone! Please don't forget to vote and comment if you like this chapterrrrr~~~
Ciao.
Xoxo
Camille
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Draw
Teen FictionShe wears black everyday but I swear she has the most colorful mind.