"Tsk. Hindi pala ako malaya." sabi ni Kris habang nakaupo sa rooftop ng school nila.
Humiga siya at nagsalita ulit.
"Hay nako Kris. Paano ka na nyan? Naipit ka nanaman sa isang sitwasyon."
Si Kris, isa sa mga kaibigan ni Jin. Matangkad at kulay dilaw ang buhok nito.
Nag skip siya ng class dahil sa isang bagay na bumabagabag sa kanya pero wala siyang magawa kundi tanggapin ito.
Kahapon, nalaman niyang may plano ang magulang niya na i set siya sa isang date, para na rin makilala daw niya ang taong makakasama niya habang buhay.
And that was just a silly plan for him. Gasgas na ang ganitong part sa isang kwento.
Tutal medyo boring na ang buhay niya, tatanggapin na niya yun pero hindi niya seseryosohin. It's a part of his plan.
Sabado ngayon pero may klase si Kris, remedial class at hindi niya to inattend-an.
He's a rebel, di lang halata.
Kapag kinompare mo siya sa bestfriend niyang si Jin, complete opposite sila.
"Anong gagawin mo na ngayon? Huh?" Tanong niya sa sarili.
***
"Wag kang kabahan Jin. Everything will be fine."
Nasa harapan ng malaking gate si Jin. Hawak gawak niya ang card at pinakita to sa guard.
"Sige Sir. Pasok na po kayo."
Pagkapasok ni Jin sa loob, maraming maids ang lumapit sa kanta para ipakita ang daan papasok sa bahay.
"Ah Sir, sino po ba sa dalawa ang pupuntahan niyo?"
Naguluhan si Jin dahil ang alam niyang isa lang ang pupuntahan dito.
"Paano pong naging dalawa?"
"Ay nako iho, pumasok ka nalang sa loob at baka si Miss ang pupuntahan mo."
Nagtaka ulit si Jin, sinong Miss? Ang alam niyang tawag kay Emma ay Lady Elizabeth. Medyo makaluma pero may class.
Umupo si Jin sa isang malaki at malambot na couch. Napatingin siya sa salamin, hindi niya sinunod ang bad boy style na ginawa sa kanya ng ate niya, ang gusto lang naman ni Jin ay magsuot ng dese-desente para hindi nakakahiya dahil sobrang mayaman ang pupuntahan niya.
"Yaya! Andyan na ba siya?"
Napatigil si Jin. Hindi yun boses ni Emma. Masyado yung bossy at tiyak parang si Melissa yun pero malabong mangyari.
Erase. Erase. Sabi ni Jin sa isip.
Huminga siya ng malalim.
Relax Jin.
"Oh. Hi there, Jin Tiongson." sabi ni Melissa habang pababa siya ng hagdan.
Nakasuot siya ng Maroon dress at sneakers. Buti nalang at hindi daring magsuot si Melissa kundi aalis na agad si Jin. Lalo na pag hindi niya nakita si Emma.
"Bakit ka nandito?" Tanong ni Jin.
"Oh. Hindi mo alam? Nakatira kaya ako dito." Kalmadong sabi ni Melissa.
"Nasaan si Emma?"
"Wow. Ako ang nandito pero SIYA ang hinahanap mo? Anyway, wala siya dito. Kasama ni Daddy somewhere in Tagaytay."
"Talaga? Well, sabi niya sakin nandito siya eh."
"Oh. Kawawa ka naman? Niloko ka ata ng dearest Sis ko."
Dearest Sis? Magkapatid sila?
Naintindihan agad ni Melissa ang expression ni Jin. Inunahan na niya ito.
"Yep. You're right."
"Magkapatid talaga kayo?"
"More correctly, HALF SISTERS."
Pagkatapos niyang sabihin yun bumulong pa siya 'Half Sister her face'
Kahit pala walang pasok maarte pa rin si Melissa.
"Yaya! Paghanda niyo kami ng pagkain."
"Opo Miss."
Pinaupo muna ni Melissa si Jin.
"So, I guess ako na ngayon ang makakasama mo? Wag ka kaseng maniniwala kay Emma-ng yan. Alam mo kahit maarte ako hindi ako sinungaling di tulad ng babaeng yun."
'Hindi totoo yun.' sabi niya sa isip. Alam niya ang tunay na ugali ni Emma. Simple, Honest at Pure.
"Baka naman ikaw?"
"Ouch. You're so rude, Jin. Baka nalilimutan mo na nakatapak ka sa bahay ko."
"Bahay niyo. Bahay rin ni Emma at ng parents niyo."
Naiinis na si Melissa dahil kahit hindi si Emma ang kaharap ni Jin siya pa rin ang bukambibig nito.
Naging maaliwalas ang mukha ni Melissa at hindi na pinansin yun. Tumawag na yung mga maid at sinabi nang luto na ang mga pagkain.
Niyaya ni Melissa si Jin."Let's have a lunch together. Forget about Emma, wala siya dito."
Sinubukang maging mabait ni Jin kay Melissa habang sila ay kumakain. Nakikisakay nalang si Jin sa lahat ng mga sinasabi niya dahil natatakot siya na kapag naging rude siya dito baka maging banned na siya sa mansyon at hindi na niya mabibisita si Emma.
Itinutok nalang ni Jin ang atensyon niya sa kanyang kinakain.
Napansin rin yun ni Melissa kaya tumigil na siya sa kaka daldal.
Pareho sila ngayong tahimik.
Wala halos mga ingay maliban sa bulungan ng mga maid sa kusina.
'Yung boylet na yun ang nagpatahimik kay Miss? Wow, himala.'
'Oo nga. Siguro importante siya kay Miss no?'
'K3yh4 nG4. S1y4 l4nG Zsh4pH4t n4H kH4y mHizsx.'
Napatigil sa chikahan ang dalawang maid.
'Namo ka. Ang jeje mo talaga! Umayos ka nga.'
'SxoRrY N4h mh4Hp4P4t4W4d pUh GuHx?'
'Ewan ko sayo!'
Pagkatapos nun, umalis na yung mga maid at iniwan na yung maid na jejemon.
--------
Hello PhOwzX! Hahaha joke.
Just to clear things po. Hindi po ako Jeje. Hahaha.
Anyway please flood me on votes and comments! Kung gusto niyo i follow niyo ako ang I guarantee you a 90% na mababasa ko kung may mga story man kayo. :)
GodBless Y'all!
All the love.
xoxo
Camille
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Draw
Novela JuvenilShe wears black everyday but I swear she has the most colorful mind.