Chapter 4- Melissa

31 1 0
                                    



"Buti nalang wala na si Emma no?" Sabi ni Melissa habang nine-nailfile niya ang kanyang kuko.

"Yep! Wala nang weirdo dito sa campus.Pati ang creepy niya no? Walang nakikipag usap sa kanya maliban kay Jin."

Napatigil sa ginagawa si Melissa. Naginit yung dugo niya kaya isinaksak niya ang pusher sa lamesa. Vacant sila ngayon.

"Melissa?! Anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong ng kasamahan niya.

Kumalma si Melissa at sumandal sa kinauupuan.

"Wala. Wag mo ngang ipamukha sakin na hindi ko alam ang nangyayari kay Jin, pwede? Hindi ako tanga para hindi malaman kung gaano kalandi yang si Emma."

Pagkatapos ni Melissa na magsalita, hinagis niya sa lamesa ang picture ng topless na si Jin para ipagmayabang sa mga kaibigan.

"OMG! You took that?"

"Gosh! He's so handsome!"

Umabot hanggang tenga ang ngiti ni Melissa.

"Ako pa? Alam niyo namang kami lang ni Jin ang bagay. And bitch please? Akin lang yan. Patunay lang yan na close na kami ni Jin at malapit na niya akong ligawan."

Manghang mangha ang mga kaibigan ni Melissa sa kanya.

Si Melissa ang tipong magaling gumawa ng kwento. At pinaninindigan niya ang famous quote ng mayayaman na "What Melissa wants, Melissa gets."

"Grabe. Ikaw na talaga!"

Ngumisi si Melissa.

"I really am."

Tumayo na sila at pumunta sa susunod na klase.

***

"Ms. Cadavida, pwede po munang mag break ng 20 mins." Sabi ng homeschool teacher ni Emma.

Tumango lang siya.

Agaran siyang dumiretso sa kulungan ng pusa niya. Yung galing kay Jin.

Ngumiti siya sa alaga at kinakausap. Wala pa siyang maisip na pangalan nito.

"Ano kayang ipapangalan ko sayo?"

Nagtitigan lang sila ng pusa.

"Gusto ko inspired ang pangalan mo sa isang kanta o singer. Hmm.."

~meow~

Binaba niya ang pusa sa lalagyan nito at pinakain muna ng cat food.

Bumalik ulit siya sa desk niya ng makita niya ang portrait painting ng Mommy niya. She misses her.

"Ms. Emma, maaga pa. Bumalik na agad kayo?"

"Ah oo. Wala naman akong gagawin eh."

Napa tingin si Emma sa violin ng teacher niya, nag tuturo din ito ng music lesson.

"Can you play a song for me?" Request ni Emma.

"Oh sure. May isang akong song na pinag papraktisan ngayon. "Sa piling mo" by Silent Sanctuary."

Tumango lang siya at mariin na nakinig.

Nagsimula nang tumugtog ang guro niya. Umpisa palang ang ganda na ng tono. Ang gaan sa pakiramdam.

Hindi kumanta yung guro niya dahil hindi pa niya masyadong saulo ang lyrics ng kanta.

Iniisip ni Emma kung sino ang mga members ng Silent Sanctuary at yung mismong vocalist.

"Wait lang po."

Napatigil ng pagtugtog ang guro niya.

"Sino po ang vocalist ng kantang yan?"

The Girl Who Can't DrawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon