Naalala ni Jin yung mga araw na kapag tatawagin niya sa unahan si Emma, bibigyan siya nito ng gulat na itsura.Cute yun para sa kanya.
Lunch na nung biglang naisip na tingnan ni Jin yung card.
"Cadavida's Residence Gate Pass."
Na astigan si Jin sa buhay na mayroon si Emma. Parang dati napapanood niya lang yun sa movies tapos ngayon, hindi talaga siya makapaniwala.
Siguradong sa Sabado ang punta ni Jin kina Emma.
"Uy! Ano yan Jin?" Tanong ni Kris, yung may ari ng bahay na pinag alukan niya kahapon.
"Gate Pass." Seryosong sabi ni Jin.
Tiningnan ni Kris yung card. Nagulat siya nung mabasa ito. Hindi siya makapaniwala na nagkaroon ng ganito si Jin.
"Pre seryoso ka ba? Paano ka nakakuha niyan? At take note ha, sa mga Cadavida pa yan."
"Ano namang meron dun?"
"Hindi mo alam pre?! May pagusto gusto ka pang nalalaman kay Emma wala ka palang alam na mga basic information."
Namula si Jin sa sinabi ni Kris, napahiya siya sa sinabi nito. Si Kris kase yung isang tao na nakakaalam na may gusto siya kay Emma.
"Pwede ba pre? Hindi porket gusto ko yung babae eh kailangan mo nang alamin agad yung mga basic. Nagustuhan ko siya ng dahil sa sarili niya. Hindi sa karangyan at kasikatan ng pamilya na meron siya. Kaya ikaw Kris, wag mo nang banggitin ulit yun at baka may makaalam pa."
"Ay sus! Ang baduy mo naman! Ang korni mo pag inlove! Pwe!"
Napatawa si Jin sa mga sinasabi ni Kris, nagsalita muna siya bago kutusan ito. Talagang mag best friend sila.
"Hindi ako inlove! May gusto lang. Malayo ang pagkakaparehas nun no pati bakit parang nag aact ka na gusto mo siya? Pre wag ganan."
"Ah! Aray naman Jin! Jusko. Bahala ka na nga diyan, kung ano mang yang iniisip mo, ibaon mo nalang sa lupa dahil hinding hindi mangyayari yung kahit kelan."
"Oh sige sinabi mo eh."
Nakain na ng kulitan nina Jin ang oras kaya naman nagmadali na silang kumain.
***
"One more!"Naka pwesto na si Jin sa kinatatayuan niya at inaantay na lumabas ang baseball sa makina.
Focus na focus si Jin dito kaya hindi mo ipagkakaila na isa siya sa mga magagaling na baseball player sa campus.
"Go Jin! Go Jin! Kaya mo yan!" Pag chicheer ni Melissa.
Si Melissa ay isang cheer captain. Maganda as usual at kung minsan uma Ariana Grande ang brown nitong buhok. May gusto siya kay Jin.
Hindi iyon pinansin ni Jin at naghanda na para saluhin ang bola. Nagbilang ng tatlo si Jin.
*Paaaaaaak!*
"Nice Jin! Galing mo talaga!" Pagpuri ng coach nila.
"Hahahaha. Para sa ikapapanalo ng game Coach."
Lumapit ang team at naglagay ng mga kamay sa gitna.
"Para sa ikapapanalo ng Game!" Sigaw ni Jin.
"Para sa ikapapanalo ng game! Go Metallic Reptiles!"
"Whooo!" Hiyawan ng team.
Nagtungo na ang lahat sa locker room para magpalit ng damit. Si Jin naman naiwang mag isa sa shower room kung saan siya nagtanggal ng long sleeve.
"Hi Jin."
Nagulat si Jin ng biglang lumitaw si Melissa. Yung mga mata niya ay parang may masamang gagawin sa kanya.
Nagbihis uli si Jin pero bago pa yun, pinicturan iyon ni Melissa.
"Topless na Jin. Checked na sa checklist ko. Hahaha thanks Jin." Naguluhan si Jin na pinaggagawa ni Melissa. "Oh by the way, Jin. Ang ganda ng abs mo."
'What?' Yun nalang ang nasabi ni Jin sa isip.
Kahit kelan talaga, Si Melissa na maganda ang isa sa mga taong mas weird kesa kay Emma. Napailing nalang siya.
Hinding hindi magkakagusto si Jin kay Melissa kahit kailan. Sa sama ng ugali nito, parang gugustuhin mo nalang na mag transfer ng school.
------
Guys 3rd chapter na! I'll be posting the next chapter the next day maybe or the next next day! Hahahhaha!By the way thank you kay RhIeNean dahil nagvote siya kahit papaano sa pipitsugin kong story! Joke!
Maraming Salamat sa inyo dahil na appreciate niyo yung work ko kaya inaappreciate ko rin kayo!
God Bless y'all!
Xoxo
Camille
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Draw
Teen FictionShe wears black everyday but I swear she has the most colorful mind.