Hindi pumasok kinabukasan si Emma. Naging tahimik ang klase at umay na umay si Jin sa lesson nilang infatuation.Nakakaboring.
Para mawala ang bore ni Jin, sinimulan niyang i click and ballpen niyang may spring.
Tik tik tik tik.
"No clicking of pen, Mr. Jin Tiongson."
"Sorry po."
Napahalumbaba nalang siya. Ang init na nga sa Pilipinas tapos sasamahan pa ng boring na klase.
Makalipas ang ilang minuto nagsilabasan na sila. Hindi alam ni Jin ang susunod na gagawin dahil wala siyang practice ngayon.
Iniisip niya si Emma.
Half day naman kaya napagpasyahan nalang niyang umuwi na sa kanilang bahay. Naglalakad siya sa sidewalk ng mapansin niya and isang malaking kahon.
Lumapit siya rito at nakitang may mga kuting sa loob nito. Tatlo sila, isang black, orange at mixed.
'Mukhang wala nang aampon sa kanila' sabi ni Jin sa kanyang isip.
Binuhat niya ito bago pa sila abutin ng gutom. Mag hahanap siya ng aampon sa mga ito.
***
Iniisip ni Jin kung sino ang magiging may ari ng mga ito kaya naisipan niyang daanan ang bahay ng ka team niyang si Kris.
Nung umabot na siya sa tapat ng bahay nito, lumapit siya sa pinto at kumatok.
"Tao po."
Walang sumagot kaya kumatok ulit siya.
"Tao po. Kris nandyan ka ba?"
'Meow~ meow~'
Nagising niya ang mga natutulog na kuting. Maya maya ay may nagbukas na ng pinto. Si Mrs. Alcantara ang bumungad.
"Oh Jin, anong kailangan mo iho? Wala dito si Kris e."
Hindi alam ni Jin ang sasabihin dahil nahihiya siyang mag alok ng kuting na aalagaan.
'Meow~' Nag ingay uli sila.
Napasilip si Mrs. Alcantara sa kahon. Nagningning ang mga mata niya sa nakita niya.
"Ang cute naman ng mga alaga mo. Binebenta mo ba yan?" Tanong ni Mrs. Alcantara.
"Ah hindi ko po sila alaga. Nakita ko lang po sila sa daan at mukhang wala po silang amo kaya hinahanapan ko po sila. Iaalok ko po sana kay Kris to tutal mahilig naman po siyang mag alaga." Ngiting sabi ni Jin. Tinuloy niya ulit ang sinabi niya. "Pero ayos lang po kung ayaw niyong mag alaga. Maghahanap nalang po ulit ako."
Tumawa ang Ginang at nagsalita.
"Ano ka ba naman Jin, iho. Tatanggihan ko ba naman yang alok mo eh kake cute ng mga kuting na to. Kaso isa lang ang kukunin ko ha?"
Lumiwanag ang mukha ni Jin.
"Nako. Ayos lang po."
Kinuha ni Mrs. Alcantara ang black na kuting, kulay blue ang mga mata nito.
"Ang cute talaga no? Sige iho maraming salamat dito ha? Siya umuna kana at baka abutin ka pa ng gabi."
Umalis na si Jin at nag diretso sa bahay ng tita niya, katulad nung una, tinanggap din nito ang alok kaya isang pusa nalang ang natitira. Gusto sanang alagaan ni Jin kaso ayaw ng pusa ang nanay niya. Allergic ang nanay niya rito.
Naglalakad na siya pauwi ng makita niya ang babae na may hawak na paperbag.
Familiar ito dahil sa mahaba at straight nitong buhok. Si Emma Cadavida.
Mukhang kanina pang nag do doorbell si Emma kaya sumigaw si Jin.
"Oy! Emma!" Ngiting sabi ng binata.
Ngumiti siya pabalik.
'Ahhh. Nasa langit na ba ako?'
Tumakbo papalapit si Jin kay Emma. Mukhang maganda ang mood niya ngayon.
"Jin. Eto nga pala."
Binigyan ni Emma si Jin ng cookies. Bake daw niya to. Pero syempre dahil gusto mo ang nagbigay sayo ng pagkain, mabilisang tinikman iyon ni Jin.
Masarap. Sobrang sarap.
"Salamat dito ha!" Masiglang sabi ni Jin.
Napatingin si Emma sa kahon. Lumuhod siya para kunin yung pusa. Tuwang tuwa siya sa kulay nito, May halong orange at black meron din itong magkaibang kulay ng mata. Isang green at blue.
"Isang chimera cat to no?" Tanong niya.
"Hindi ko alam e. Wala akong masyadong alam sa breed ng hayop. Hehe."
Tumahimik ulit si Emma. Habang tinititigan niya ang pusa parang sinasabi nito na ampunin na siya. Hindi makapag pigil si Emma at naglakas loob na magrequest kay Jin.
"Uh...pwedeng akin nalang to?"
Pulang pula si Emma dahil first time niyang makarequest sa isang tao o kung meron man ay hindi na niya maalala.
"Oo naman! Saktong sakto hinahanapan ko pa yan ng amo eh. Hahaha! Alagaan mo yan ha?"
Yinakap ni Emma ang pusa at sinabing "Ang ganda niya no?"
Nadulas ng sinabi si Jin.
"Oo ang ganda mo."
"Ano?"
"Ay oo! Maganda yung pusa! Kakaiba. Anong ipapangalan mo dyan?"
"Hindi ko pa alam e."
"Ah."
Pagkatapos nun tumahimik na ulit ang paligid. Medyo awkward para sa dalawa. Nag iisip si Jin ng maitatanong kay Emma.
"Emma, ba't hindi ka nga pala pumasok?"
Umupo muna sila sa malapit na bench bago siya magsalita.
"Hindi na ako papasok,Jin. Homeschool ulit ako."
Parang nawasak ang puso ni Jin sa narinig. Hindi na niya makikita ang babaeng gusto niya.
Napa buntong hininga nalang siya.
"Ah ganun ba? Pwedeng bisitahin kita sa inyong bahay? Friends naman tayo diba?"
Dahan dahang napalingon si Emma.
'Friends? Friends as in kaibigan? May kaibigan na ako?' Sabi niya sa isip.
"Ah sige! Oo friends tayo. Hahahaha."
First time na marinig ni Jin ang tawa niya. Ang cute sa pandinig niya.
May hinugot si Emma sa wallet. Binigyan niya ito kay Jin at sinabi "Special card yan para makapasok ka sa gate."
Mayamaya ay biglang lumitaw ang isang mahabang limousine. Hindi makapaniwala si Jin sa nakikita niya.
'Mayaman sila?' Gulat na gulat na sabi sa isip.
"Paano ba yan sinusundo na ko. Sige Jin maraming salamat dito ha?"
Hindi na nakapag salita si Jin. Pinanood nalang niya kung paano kunin ng mga body guard yung kahon na may pusa at tawaging Lady Elizabeth si Emma.
Emma Elizabeth Cadavida ang pangalan niya. So kaya pala binigyan siya ng special card ni Emma kase hindi basta basta pinapasok ang sinuman sa bahay nila. Pustahan na nakatira sa mansyon si Emma.
"Bye bye Jin."
Nag wave ng kamay si Emma habang umaandar ang limousine papalayo sa kanya.
-----------
Second chapter guys! Thank you po kay CrystalMoonPrincess dahil nag vote siya sa Chapter 1! Ginanahan tuloy akong mag update hahaha.Thank you~
Xoxo
Camille
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Draw
Teen FictionShe wears black everyday but I swear she has the most colorful mind.