Chapter Five

689 28 0
                                    

Vy POV

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami I mean pumunta na kami sa mansion nila,oo mansion.

Hindi ko aakalain na isa palang billionaire Ang mommy ni Scarlett at Hindi lang Yun kilala rin ito sa buong Mundo.

Nasa kwarto ako ni Scarlett Kasi pinapatulog ko siya,Hindi ito nakakatulog kapag Wala ako sa tabi nito.

Simula Nung makita nya ako ay Hindi na ito pumapayag na Hindi ako makita at makasama sa pagtulog pero kapag tulog na ito ay iniiwan ko na ito.

Pinagmamasdan ko lang Siya habang nakayakap ito sa akin.

Hindi ako makatanggi sa kanya kahit anong Gawin ko,Hindi ko nga alam kung bakit Hindi ako makatanggi sa batang ito,kahit Isang linggo palang kami nagkakilala.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko napaka-importante nya sa akin,dahil lagi nalang ako nagaalala sa kanya kapag Hindi ko siya nakikita.

Nung Isang araw nga sinubukan kung Hindi magpakita Kay Scarlett dahil ayokong masaktan sya kaya lumalayo ako pero dahil sa ginawa ko ay maslalo siyang nasaktan.

Nung Araw na Hindi ako nagpakita Kay Scarlett ay nakaramdam ako Ng kakaiba,Yung pakiramdam na kinakabahan ka at laging nasa isip ko si Scarlett at kapag matutulog ako ay parang naririnig ko Yung iyak nya at lagi kung naririnig na tinatawag ako nito

At dahil Hindi ako makatulog nun ay pumunta ako sa mansion nila kahit madaling Araw na,siguro mga 3am na yun.

Mabuti nalang Nung mga oras na yun ay may mga sasakyan pa.

Ng makarating ako sa mansion nila ay nakabukas pa Ang lahat Ng ilaw at naririnig ko Ang iyak ni Scarlett.

Napaluha naman ako Ng marinig ko Yun kaya Dali Dali akong pumunta sa door bell.

Ng makita ako Ng guard ay agad akong pinapasok nito at dali Dali akong pumasok sa mansion nila, pumunta ako sa kwarto ni Scarlett Ng makarating ako ay nakita ko si Scarlett iyak Ng iyak at tinatawag nga Yung pangalan ko.

Nakayakap ito sa kanyang mommy at pinapatahan sya.

Pumasok ako sa kwarto at Ng makita ako Ng mommy ni Scarlett at nagulat ito.

Tinanong ako nito kung bakit Ako nandun,pero Hindi ko ito pinansin dahil kay Scarlett lang ako nakatuon.

Ng makita ako ni Scarlett ay tumakbo ito papunta sa akin at niyakap ako Ng mahigpit at maslalo siyang umiyak.

Lagi nyang sinasabi sa akin na Mama,Mama hanggang sa makatulog ito sa balikat ko.

Ng mangyari Yun ay Hindi ko na inulit dahil nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.

Hinalikan ko ito sa noo at nakita kung bigla itong ngumiti.

Napatingin naman ako sa pinto Ng kwarto ni Scarlett at pumasok dito Ang mommy nito.

"Pwede mo na syang iwan,alam kung tulog na Ang anak ko."Sabi nito sa akin.

Lumapit ito sa amin at tinulungan ako nito na matanggal sa pagkakayakap ni Scarlett sa akin.

Dahan dahan nitong tinatanggal Ang kamay nito at Ng matanggal Ang kamay ni Scarlett sa akin ay dahan dahan akong umalis sa kama nito.

"Hintayin mo nalang ako sa sala."Sabi nito.

Tumango naman ako at lumabas na ako sa kwarto ni Scarlett at bumama na ako Kasi nasa second floor Ang kwarto ni Scarlett.

Nakaupo ako sa may sofa at hinihintay ko si Alexandra Ang mommy ni Scarlett sa may sala.

me and the billionaire Mom (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon