Kabanata 6

52.5K 2.1K 1K
                                    

GREEN

AWKWARD. Yun talaga ang namumutawi saming dalawa. Bakit naman kasi naisipan ni Blue na ipasama ako rito sa girlfriend nyang wala yatang balak magsalita.

Kailan pa ba ako nawalan ng sasabihin? Ngayon lang.

Ngayon lang talaga.

I was humming and enjoying the polluted view of the city when suddenly this dog got my attention.

Kanina ko pa talaga pinipigilan ang sarili kong pansin ang asong ito pero hindi ako nagtagumpay.

Nakakainis na kasi, hindi ba sya napapagod na tumango tango riyan? Kasi kung hindi sya napapagod pwes ako pagod na pagod ng makita syang mukhang tangang tango ng tango.

Bigla kong tinampal ang ulo nito kaya napatingin sa'kin si Phaniah. Nginitian ko naman sya ng inosente at muling tinampal ang ulo ng aso.

Hindi parin ito tumigil katatango kaya tinampal ko ng dalawang magkasunod.

"Will you stop that?" Asar nitong saway sa'kin.

"Ayoko nga." Aabutin ko sana ang aso ng tampalin nya ang kamay ko.

"Ouch." Maarte kong saad. Yucks. Ang pangit, hindi pala sa'kin bagay maging maarte.

"Tss. Told you to stop it." Hindi ako nakinig, at dahil ayaw naman nyang tumigil katatango ay pinu-push ko na lang ang ulo nito pataas gamit ang hintuturo ko.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko, dahil sa gulat ay hinablot ko ito mula sa kanya.

"Wag kang harassment jan ah." Hinaplos ko ang kamay na hinawakan nya. Parang kinilabutan pa yata ako.

"Harass--what?"

"Harasswhat nyenyenye." Inis nya akong nilingon pero agad ring ibinalik ang tingin sa daan.

Napasimangot ako ng maalalang panay ang alalay ni Red kay Miss. Turner kanina, akala mo talaga si Miss. Turner yung kagagaling lang sa hospital kung alalayan nya eh.

Ako kaya yung kapatid, ako kaya yung halos isang araw walang malay, ako dapat yung inaalalayan nya hindi yung inuuna nya ang landi.

Tapos lilipat pa sya ng QU kaya mas mapapadali ang panlalandi nya kay ma'am-eh.

Kakainis ah---charot binabawi ko na ang inis ko dahil huminto ang sasakyan ni Phaniah sa parking lot ng jollibee.

"Jollibee...." Nakangiti kong saad ng makita ang bubuyog na sobrang laki ng tiyan at pwetan pero ang liit ng pakpak.

Kinulang sa pag-mamahal itong si Jollibee.

Agad akong bumaba ng sasakyan at patakbong niyakap ang statue.

"uwahhhh na-miss kita bubuyog." Akma ko itong hahalikan ng ilayo ako ng kasama ko rito.

"Stop it, Wynn. You're acting like a child." Pero hindi ako nagpapigil. Ngayon na nga lang ako makakahawak ulit ng jollibee tapos pipigilan nya pa.

"Teka lang, phan-phan." Gulat nya akong tinitigan.

Niyakap kong muli si Jollibee at bumaling ng tingin kay phan-phan. Ang cute ni phan-phan.

Queen's little nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon