Kabanata 15

53K 2K 1.2K
                                    

GREEN

"Marunong ka bang lumangoy, baby green?" Tanging iling lang ang naisagot ko sa tanong ni Aerin.

Nasa tabi ito ng driver sa unahan at kaming dalawa naman ni Phaniah ang nasa backseat. Nakatulog na nga yata itong katabi ko sa sobrang pagka-irita sa ate n'yang walang tigil sa kakadaldal.

Kung anong kinataray at kinatahimik ni Phan-phan ay s'ya namang kabaliktaran ng ate n'ya. Pero parehas lang silang maganda. Pero...

Hindi ko yata nasabing mas maganda ako. Paano pa kaya kung kasing tangkad ko na sila, hindi ba?

Mapapa 'tabi mf, dadaan ang maganda na, matangkad pa.'

"That's so sad, malapit lang tayo sa dagat, baby green. 'di bale, I'll teach you how to swim." Hinayaan ko na lang rin naman s'ya sa tawag n'ya sa'kin.

But Phaniah really look pissed, kulang na lang kanina ay hilain n'ya palabas ng kotse ang ate n'ya.

Saka, wala rin akong magagawa.

Malandi s'ya eh, kaya anong magagawa natin?

Dapat talaga kasama ngayong weekend si Blue pero dahil mas inuna nya ang pag-aaral kaya itong si Ate Aerin na lang ang sumama.

Ayaw ncya ngang tinatawag ko syang ate, mas masarap daw pakinggan ang babe. Anong akala naman n'ya sa'kin? Malandi? Para patulan ko ang mga pang-lalandi n'yang halatang pang-asar lang rin naman?

Napatuwid ako ng upo dahil naramdaman kong biglang dumantay ang ulo ni phan phan sa balikat ko.

Pigil na pigil ko tuloy ang sarili ko na huwag gumalaw dahil baka magising ko sya. Halos hindi na nga ako humihinga dahil sa kabang nararamdaman.

Natatakot akong baka marinig n'ya ang lakas ng tibok ng puso ko. This ain't normal, I'm no normal.

Si phan-phan lang naman ito ah.

Inilagay ko ang mga kamay sa ibabaw ng lap kong dikit na dikit, hindi ko na rin pinansin si Ate Aerin na panay ang daldal habang nagi scroll sa cellphone n'ya.

Nakatingin lang ako sa labas at pinapakiramdaman ang katabi ko.

Naiilang ako sa position namin pero ayaw ko namang alisin ang ulo n'ya sa balikat ko. Bigla akong napaiktad ng maramdaman ko ang kamay nitong nakapatong na rin sa lap ko kung saan naror'on ang mga kamay ko.

Unti unting bumaba ang tingin ko sa kamay naming halos magkahawak na. Napalunok ako, gising ba sya?

Kasi kung oo, yawa lang. Papatayin nya yata ako sa nerbyos.

Hindi na nga ako naka-angal ng mag decide si lolo na pagbigyan ang hiling ni phan-phan since it's her birthday gift for me raw.

"Breath, Wynn." Rinig kong bulong nya, at parang kusang sumunod ang katawan ko dahil napahinga ako ng malalim ng oras na sabihin nya iyon.

"P-phan.." mahinang bulong ko. Naiiyak ako sa kaba, hindi ko kontrolado ang katawan ko, lalo na ang tibok ng puso ko.

"Hmm?" Naramdam ko na lang na pinaglalaruan n'ya na ang kamay kong nasa ibabaw ng lap ko.

"Usog ka onte, I can't breathe." Pero parang wala s'yang narinig at mas lalong isiniksik lang ang sarili sa'kin.

Hindi ba s'ya naaawa sa'kin? Kapag kami dumating ng palawan na patay na ako, lagot s'ya sa lolo.

Ugh, bakit ba kasi ang tagal makarating sa airport. Para namang nananadya.

I suggested nga na helicopter na lang, para hindi hassle. Tapos ang sagot sa'kin, 'shut up'. She plan this daw, kaya s'ya masusunod. Edi s'ya.

Queen's little nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon