Kabanata 33

48.3K 1.8K 938
                                    

GREEN

Umayos ako ng upo para makita sa camera. Kausap ko ngayon si mama thru video call. Mukhang nasa bahay pa sya sa Finland, pamilyar kasi sa'kin yung painting na nasa likuran nya.

"What's with the sudden call, berde?" Kumakain ito ng cheesecake, parang gusto ko na rin tuloy kumain nun.

"May itatanong lang ako, mama." Sandali itong natigilan pero agad ring nagpatuloy sa pag subo.

Hindi naman halatang gutom sya nyan.

"Basta hindi tungkol sa pera, shoot." Pagdating talaga sa pera ang kuripot ng isang ito.

"Can a man take his wife's surname after marriage?" Hindi kaagad nakasagot si mama sa tanong ko. Napaisip pa ito bago buntong hiningang tumingin sa camera.

"Yes. A man is legally entitled to take his wife's surname upon marriage. It's possible, berde. Why?" Nag kibit ako ng balikat.

"Nothing. I'm just curious."

"Yun lang ba?"

"Hindi talaga yun ang tanong ko mama." Natatawa kong sabi na ikinakunot ng noo nya.

"I knew it. What is it?"

"Bili mo 'kong lambo."

"Lambo mo mukha mo." And there, pinatayan ako ng tawag. Natatawang tumayo na lang tuloy ako at tumungong banyo para maligo.

Alas singko pa lang naman ng umaga, may pasok na kami at ang usapan namin ni Phaniah ay susunduin nya ako rito sa bahay.

Kaya ko rin naisipang magpabili kay mama ng sasakyan ay para hindi na si phan-phan lang ang parating susundo sa'kin.

Malaki na ako, dapat may sarili na rin akong kotse. Hindi yung kailangan ko pa ng driver para lang pumunta sa kung saan ko gusto.

Edi hindi ko madi date nyan si phan-phan kapag gusto ko ng date.

Tapos lambo lang naman ang hinihingi ko papatayan ako ng tawag, isusumbong ko talaga yan kay mommy si mama, akala naman nya kawalan sa kanya kung ibibili nya ako nun.

"Ang aga mo yata." Hindi ko pinansin si Red na nakapantulog pa ng lumabas ng kwarto nya. Kahapon pa sya rito umuwi sa bahay. Si Koren naman ay binilhan na ni tito konan ng sariling unit kaya hindi na sya rito nakatira.

Isang irap lang ang isinagot ko sa kanya.

Badtrip kasi yan, tinatanong ko kung anong nangyari at bakit kasama nya si ma'am ayaw namang sabihin.

Sabi ko gusto ko lang rin maka-usap si Professor Turner pero wala raw syang number nun.

Nagkataon lang raw na nakita nya sa labas ng airport kaya naki sabay na sya.

Sinungaling.

"Grabe ang sungit mo naman, hindi mo na ba ako mahal berde?" Sumunod pa talaga ito sa'kin hanggang sa kusina.  "Saka..." Biglang nasa harapan ko na ito. "Ano to?"

Bigla nyang pinahid ang nasa labi ko.

"Red!!!" Inis akong napapadyak dahil sa pag punas nya nung kalalagay ko lang na liptint.

"Tangina??" Gulat syang napatingin sa daliri nya, maya maya pa ay biglang natawa.

"Gago HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAAHHAAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAA." Seryoso lang akong nakatingin sa kanya, hinihintay syang matapos tumawa.

Mamatay sya jan kakatawa, wala akong paki alam.

"Gago, teka. Ang sakit sa tiyan. WAHAHAHAHAHHAHAHAHAH---"

Queen's little nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon