Kabanata 14

44.9K 2K 579
                                    

GREEN

"Alam mo ba ang address ni Ma'am, Red?" Umiling lang ang kapatid kong tutok na tutok sa pagmamaneho.

Hindi naman sya nag tagal nung tinawagan ko, mabilis lang rin syang dumating. Mabuti nga saktong nakatulog na si ma'am ng makita nya kami.

"Edi saan natin sya dadalhin?" Sinulyapan nya ako pero ibinalik rin agad sa daan. Inabutan pa kami ng traffic kaya panay na ang pagmumura ni Red.

Nakahinto ang sasakyan dahil sa bagal ng usad ng mga nasa unahan namin ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag, napatingin ako kay Red.

"Si mama.." Saad ko dahil para rin namang nag tatanong sya sa paraan ng pagtitig nya sa'kin.

"Answer the call, sabihin mo na-stuck tayo sa traffic." Sinunod ko ang sinabi nya. Sinagot ko ang tawag at pilit na pina sigla ang boses.

Ayaw kong mag-alala sila sa'kin.

"Hello, mama." Masiglang bati ko na ikinangiwi ni Red.

"Where are you?" Narinig ko sa kabilang linya si mommy na gusto akong kausapin kaya bago pa maibigay ni mama ang cellphone kay mommy ay mabilis na akong sumagot.

"Na-stuck kami ni Red sa traffic, malapit na po kami, don't worry po. I love you, tell mommy that I love her too. Sige po, babye.." mabilis kong sabi at narinig ko pang pinipigilan ako ni mommy na ibaba ang tawag pero ayaw kong makatanggap ng sermon mula sa kanya.

"Patay ka." Pananakot ng kasama ko.

"Ikaw kaya, ite-text ko si mommy na inuna mo ang landi kaya tayo na late ng uwi." Sumama bigla ang tingin nya sa'kin.

"Subukan mo, hindi ka na talaga makauuwi sa bahay. Pandak na to." Hindi na lang ako umimik at pinag masdan si ma'am na nasa backseat.

Tulog na tulog ito na animo'y hindi umiyak kanina, hindi ko na nga rin sinabi kay Red yung pag-iyak nya dahil makiki-chismis lang ang isang ito.

Although, even I, doesn't even have a slightest idea on why on earth she's crying awhile ago.

It pains me knowing that she's hurting kaya kahit hindi ako marunong mag comfort kanina ay ginawa ko na. Kung comfort ba ang matatawag roon dahil tiningnan ko lang naman syang umiyak.

Wala eh, hanggang comflirt lang kasi ang kaya ko.

Kumunot ang noo ko ng makitang nakahinto ang sasakyan ni Red sa tapat mismo ng malaking gate namin.

"Bakit?"

"Tell them na may gagawin lang akong importante, hahabol ako sa family dinner." Kinalas ko ang seatbelt na nakakabit sa katawan.

"Kahit huwag na." Pangbu-bwesit ko sa kanya kaya sya naman itong napakunot noo.

"What do you mean?" Nginisihan ko sya, siniguro ko munang bukas na ang pintuan sa tapat ko.

"Hindi ka naman pamilya kaya hindi na kailangan ang presence mo." Dali dali akong bumaba ng sasakyan at nagtatakbo papasok ng bahay namin.

Muntik na nga akong mabundol kay manong guard at halos sabay lang kaming nagulat. Ngumiti ako ng pilit bago muling tumakbo papasok ng bahay namin.

Naabutan ko si mommy na nakahalukipkip sa mismong main door. Pangiti-ngiti pa ako habang lumalapit. I kissed her on the cheek bago niyakap sa baywang nya.

I look at her at mas lalong nagpa cute para hindi nya na ako pagalitan.

"Where's Red?" Imbes na magalit ay iyon na lang ang tinanong nya. I shook my head.

Queen's little nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon