Chapter 2 From neighbor to ________

223 19 10
                                    

Chapter 2

Kryzel Gil's POV

Halos mahiwalay na yung labi ko kakakusot at kakatoothbrush eh. Kadiri naman kasi! Puro alak pa naman yung bibig niya! (A/N: Eh kung hindi nakainom, ayos lang? hahahaha.) Wag ka makialam author! Kahit pogi pa yun and yummy no!

Papasok na ko ngayon sa school. La Salle-anians ako eh. Freshmen.

9:00 ang pasok ko and 7:30 na pero obviously nasa banyo pa din ako, sira ulo naman kasi yung kumag na yun eh, nilagyan ako ng germs ang aking precious lips. Pero hindi yung ang big deal dun eh! Its my FIRST.

Oo first, nagkaboyfriend na naman ako but hindi ako nagpapahalik. Ewan ko basta.

After 30 minutes ready to go na ko.

Dahan dahan akong lumabas and phew! The coast is clear! Walang sign ni Kumag. Buti naman.

Hanggang sa makarating ako sa school, hayahay ako.

"Hi Kry!" "Hello Kry!" "Hi Miss Leader!" Panay ang bati sakin ng cheerleading team ko and yes leader nila ko. Nagsmile nalang ako sakanila at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kryzeeeeeel!" Dumadagundong nanaman ang mundo ko. Ang bestfriend ko, hays.

"Wag ka ngang maingay Gail! Shhh."

"Hehe. Sorry, namiss lang kita."

"Para namang di tayo magkasama kahapon no."

"Oo na. Oo na. Lika na baka maabutan tayo ng bell." At pumasok na nga kami sa room.

Pagkaupo ko sabay naman ng dating ng prof at may kasama siya. Nagulat naman ako sa nakita ko, si kumag slash mang-aagaw!

"Okay class, I want you to meet your new classmate, Blake Astriford. Blake please introduce yourself to us." Blake pala ah.

"I'm Blake. And I dont want pathetic childish girls. So dont STALK me please." Inemphasize niya pa yung stalk. Napakayabang! Kala mo malinis at pagkapogi! Asa naman siyang may iistalk sakanya.

"Thankyou Mr. Astriford, you can pick one seat wherever you want." Sabi ni ma'am. Inikot naman ni Blake ang paningin niya sa room at tumigil sa...........akin?

"There, I want there." Sabi niya sabay turo sa upuan ko. Aba't aagawan pa ko ng up---

"Ms. Fondale can you move at the other vacant seat?"

"But ma'a---"

"No buts, Ms. Fondale." Nagtanong pa. Psh. Naparoll eyes nalang ako at lumipat sa katabing upuan. Nakita ko naman ang pagngisi nung mang-aagaw ng first kiss slash upuan ko. Grabe tong kumag na to.

"Nice to meet you again, Ms. Kryzel Gil Fondale." Bulong niya sakin bago umupo sa upuan ko. Nakakagigil! Gaganti din ako sayo!!!

Hanggang sa matapos ang klase, nanlilisik lang yung mata ko kay Blake. Buti nalang vacant ko ng 2 hours ngayon.

"Kry! Kry! Waaaa! Katabi mo si Blake Rus Astriford! Bestieeee! Ang swerte swerte mo, you know, ang hot hot kaya nun tapos pogi, mayaman and varsity!"

"You know din ba Shaniah Gail Wright na wala akong pakialam? Tara na nga sa caf, nagugutom na ko."

"Okay." Yan nalang nasabi ni Gail, ang cute cute ng bestfriend ko mamula. *O* Kaso ang ingay.

Pagdating namin sa cafeteria. Biglang natahimik ang mga estudyante. Sanay na ko dyan.

Ganyan pag dadating kami lagi.

Umorder na kami at umupo na sa table for 4.

Nagkaingay na ulit at bumalik na sa mga kwento nila ang iba.

Maya maya bigla nanamang tumahimik, no wonder may dumating ulit na famous. Di ko naman makita kasi nakatalikod ako sa pintuan.

Sinusundan ko nalang yung tingin ng nasa paligid para makakuha ng clue at napunta yun sakin. Huh? Anong ginawa ko?

At yung nasa unahan kong si Gail, natulala sa likod ko. Nakdrugs ata to. Liliit yung mata tas biglang lalaki. Sa sobrang curiousity, lumingon na ko.

"Hi." Si Zach lang pala. Suitor ko.

Varsity player siya kaya sikat.

"Hello." Ngumiti ako.

"Can I join you?"

"Sure." Sabi ni Gail.

"For you, Kry." Sabi niya pagkaupo and sabay abot ng flowers. Yung mga schoolmates ko naman, nagsitilian.

"Thank you." Balak ko na sana tong sagutin eh kaso crush siya ni Gail. Nung tinanong naman ko ayos lang naman daw. Pero bahala na.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan buong vacant. Nauna na si Best kasi may klase na siya.

Niyakag ko na din si Zach nung malapit na magtime. And hinatid niya na ko.

"Thank you sa lunch sa Kryzel."

"Ano ka ba, okay lang yun."

"Hahaha. Sige. Next time ulit ah." Hinalikan niya ko sa ulo at umalis na.

Ako naman pumasok na sa room.

------

Nung uwian, nakita ko si Zach sa hallway.

"Kryzel, hatid na kita."

"Ah hindi na. May sundo ako."

"Sige na. Please." Pilit niyang kinukuha yung bag pack ko nang may naramdaman akong umakbay sakin.

"May sundo nga siya diba. Tigilan mo na." Nagulat ako sa presensya ni Blake.

"Eh sino ka ba?" Zach


"Boyfriend niya."


Next UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon