Chapter 5 Meet

134 13 3
                                        

Chapter 5

Kryzel Gil's POV

Its been a week since that kissing-incident scene happened. Tinakbuhan ko lang siya non, may topak kasi kapag may sakit eh. After kong magluto ng soup at iready ang gamot niya, I went off.

Syempre sa kahihiyan din, isang linggo ko na rin siyang iniiwasan. Yung parang aware na aware ako sa paligid.

Tulad ngayon, nagtatago ako sa may ilalim ng lamesa ng cafeteria. Ayos lang kahit mukha na kong tanga dito. Kailangan ko din talagang magtago.

Nabili si Blake ngayon. Ang tagal tagal naman, gutom na ko!

Oh ayan na pala siya. Phew! Salamat naman! Tumayo na ko nung nawala na siya sa paningin ko.

Pagtayo ko akala ko okay na kaso.... "Uy Blake! Si Kryzel yun diba?" I freeze when I heard one of Blake's friends.

"Saan?" Blake.

"Ayunnn!"

"Ah." Nakaramdam ako ng mga yabag sa likod ko. Maya maya may umakbay sakin.

"Hi Kry." With matching ngiti pa.

"Uhh ehh. Bakit?"

"Nothing. Just wanna thank you for caring me when I'm sick. Also for the effective 'medicine'." Bat feeling ko iba yung tinutukoy niya? T.T Kailangan ko ng makaalis!

"Wala yun! Sige. Bibili pa ko!" Patakbo na sana ko kaso hinigpitan niya yung pagkakaakbay sakin.

"Not so fast, baby. Wait, I'll treat you nalang." Then he wiggle his eye brows.

"May pera ako! Hindi na!"

"No. I insisted." Waaaa. Ibalik niyo nalang po yung nakilala kong Blake na masungit! Mas keri ko pa yun eh!

Pinilit pa niya ko ng pinilit. At dahil wala na din naman akong magagawa, pumayag na ko.

"Sige na nga." Lumaki naman lalo yung ngiti niya.

"If it's then." Hinila niya na ko. Nagsitilian naman yung babae sa caf pati ang mga tropa ni Blake.

"Wooo! Lakas mo master!"

"Hahahaha. Bagay kayo!"

"Sa simbahan na sunod niyan! Hahahaha."

Namula ko sa mga sinabi nila "You're blushing, baby. Starting to like me?" Blake whispered to my ear. My skin blown up.

"Kilabutan ka nga! Bitawan mo na ko or else kukurutin kita." Tinawanan lang ako ni Blake at binitawan na.

After kong umorder, nagdiretso kami sa table nila. Hindi na ko nakaangal pa kasi kinokonsensya ko ni Kumag. Nilibre niya naman daw ako eh.

"Oh eto na pala ang lovebirds! Hahahaha." Nakipag-apiran pa siya sa iba. Chinito at maputi si Kuya. I just glared at him. "Easy ka lang Kryzel. Hahaha. I'm Troy Monteclaro pala." Said by chinito with smile.

"I'm Arki Seyn!" Sabay taas pa ng kamay ni Brown hair.

"Kris Mendoza!" Napatingin ako sakanya. He has blue eyes. Galing!

"Wait! Last but not the least. Cleyn Hens!" Ohmygod. Deep dimples! "Ikaw you wouldn't introduce yourself Blake?"

"She knows me." Inirapan ko nalang yung katabi ko at ngumiti sa mga tropa niya.

"I'm Kryzel Gil Fondale! Nice to meet you."

"Same here!" Sabi nilang lahat ng nakangiti. Ang popogi nilang lahat. Bait pa!

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Nalaman ko rin na pare-parehas pala silang transferee dito and they're friends ever since. Pagkatapos noon, hinatid nila ako sa room. Nagulat ako kasi bineso nila akong lahat. And umalis na.

Then after kami nalang ni Blake ang natira. Pumasok na rin kami sa room. Pagkaupo ko, humarap ako sakanya.

"Ahm. Thank you pala. Sarap kasama nila Troy. Waaa. Sama mo ko ulit bukas. Please?"

"Ayoko." Bumagsak naman ang balikat ko dun.

"Bakit naman?"

"Basta." Ang bipolar naman nito. Kanina ang bait bait ngayon ang sungit. >3

"Bakit nga kase?" Magsasalita na sana siya kaso dumating na yung prof namen. Sayang!

Mamaya na nga lang.

****

Uwian na. Patuloy pa din ako sa pangungulit kay Blake kung bakit ayaw niya akong isama. Dahil desperada na talaga ko, hanggang sa kotse niya sumunod ako. Nung pumasok siya, pumasok din ako.

"Uy Kryzel, aalis na ko baka gusto mong bumaba na din. Ayun yung driver mo oh, hinihintay ka na. Pupunta din akong bar."

"Hindi ako bababa dito hangga't hindi mo ko sinasama. Hmp."

"Okay." Sabi niya at pinaandar ang kotse. Alam ko namang di ako hahayaang sumama sakanya. Pero nagulat ako nung hindi siya tumigil at tuloy tuloy lang sa paglabas sa gate.

"Huy! Seryoso kang isasama mo ko?" Tumango naman siya. "Hala! Papagalitan ako ni Mommy! Itigil mo na to."

"Sigurado ka?" Tumango ako agad. Tinigil niya naman sa gilid ng kalsada at inunlock yung pinto. Lumabas ako agad. Pagkasara ko, pinaharurot niya na ang kotse.

Buffering....

Nung napagtanto kung anong ginawa ko. Sinampal ko ang sarili ko. Ang bag at phone ko, nasa driver ko! At hindi ko kabisado tong daan. Hala! Pano ko uuwi nito?

Napaiyak ako, ang sama sama ni Blake. Huhuhu. Alam naman niyang wala akong dala, iniwan niya pa din ako.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may bumusina sa harapan ko.
Unti unti kong inangat ang ulo ko at nakita si Blake.

"Ano pang hinihintay mo dyan? Sakay na!" Dali-dali naman akong sumakay. "Sorry." Sabi niya pagkaupo ko and I nodded. Hindi ako makapagsalita dahil sa paghikbi.

Pinunasan niya din yung luha ko."Ang kulit kulit mo kasi, sige na, isasama na kita buuut..."

"B-bu-t?"

"Sabihin mo ding masaya ako kasama, hindi lang sila."

Next UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon