Chapter 7 Date tho :3

128 16 8
                                    

Chapter 7

Kryzel Gil's POV

Ang sarap sarap ng feeling. Andaming marshmallows, cookies, and chocolates.

Isa-isa akong dumaan sa mga bowl ng iba't-ibang favorite ko.

Kain lang ng kain.

Dini-dip ko yung mallows sa malaking fountain ng biglang lumindol.

Nagbabagsakan ang lahat.

Nauubos ang syrup sa fountain ko.

Ang mga sweets ko!! Ahhh!

"Kryzel! Gising gising!" Napabangon naman ako bigla. Ang lakas ng pag-alog sakin ni Kuya Kyle. "Bad dreams?" Umiling ako tapos tumango.

"Gulo mo, Kry. Bumangon ka na dyan, may bisita ka."

"Bisita? Hmmm. Sino?" Tanong ko. "Basta dalian mo nalang. Kausapin ko lang ah."

"Okay." Sino naman kaya yon? May nagyaya ba sakin kahapon? Teka!! Si BLAKE! Oo nga pala may lakad kami ngayon kasama tropa niya. Pinilit ko nga pala siyang isama ako. _,_

Makaligo na nga. Baka mapatay ako nun pag nagtagal ako.

Pagkaligo ko, naghanap ako ng kahit anong magandang susuotin sa walk-in closet. Hanap lang ako ng hanap, at ayun! Floral dress na may sleeves. Red yung pinakaflower then black yung parang paligid niya. Okay na to.

After that, nag-ayos ako ng kaunti. Syempre naman! Aba, ang popogi ng mga kasama ko mamaya nu. Hahaha. And bumaba na.

Dahan-dahan lang ako sa pagbaba kasi nagsusuot din ako ng stilletos.

"--yos ka ah. Wag mo papaiyakin yun. Ako makakalaban mo."

"Oo naman, mas importante pa siya sa company naten eh." At nagtawanan sila. Ay close sila?

"May namissed ba ko?" Nagulat naman sila sa presensya ko. "Wala naman, baby girl. Ha-ha. Binabalaan ko lang." Sabay kindat sakin ni Kuya.

"Ahh. Sige Kuya layas na kami." Sabi ko sakanya. "Mabuti pa nga."

And then umalis na kami ni Blake. Pagkasakay namin sa kotse, tinanong ko siya kung saan kami pupunta, pero ewan lang ang sagot niya. Hinayaan ko nalang siya then di ko namalayan nakatulog pala ako.

***

"Kryzel, gising." Minulat ko ang mata ko at nakita si Blake na nasa driver seat. "Tagal mo natulog, 6:30 na kaya, naiwan na tayo nila Troy."

"HA?!" Sigaw ko sakanya, tinakpan niya ng dalawang kamay ang mga tenga. Ang cute!!
"Naiwan na tayo nila Troy." Ulit niya. "Eh ano nang gagawin natin?" Lumapit naman sa may leeg ko si Blake at hinalikan halikan ito---- este sa tenga ko at bumulong.

"Date." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya ata tinulak siya palayo sakin pero muli siyang lumapit at pinaglaruan ang mga buhok ko.
"Nahalikan na naman kita, bakit hindi natin totohanin na?" He whispered in a husky voice. Napalunok naman ako ng wala sa oras.

"Sige. Pe-pero wala pa kk-ong gusto say-yo ah." Nauutal kong sabi. Kinakabahan ako. Syet!

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa ng malakas at lumayo. Tawa siya ng tawa. As in yung parang hugot sa lungs. -_-

"Hahaha-teka--hahaha, you hhahaha, mean sineryoso mo yung sinasa-hahahabi ko? At pumayag ka pa? Hahahaha."

"Jinojoke time mo lang talaga ko?!"

Next UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon