Chapter 8
Blake Rus's POV
Ngayon ang alis ni Kyle. Kuya ni Kryzel. At ihahatid namin siya sa airport dahil sa emergency sa kompanya namen.
Sa totoo lang, matagal na kaming magkaclose at magkakilala ni Kyle. Dahil kay Lovine.
"Oy Blake! Tulungan mo naman si Kryzel magbuhat ng gamit ko! Tatamad tamad talaga to!" Sinuntok ko naman siya ng pabiro sa balikat. "Eh bat hindi ikaw?" Natatawa kong tanong.
"Aba sumasagot ka na sa bayaw mo ah?!" Ako naman ang sinuntok niya.
"Tigilan mo nga ko Kyle, wag mo ko masyadong ipagbenta sa kapatid mo. Hahaha."
"Gago ka! Ikaw nga tong----" naputol ang sasabihin niya ng sumingit si Kryzel.
"Tumigil na nga kayong dalawa, kakaaway niyo, natapos na ko magbuhat." Sabay irap. Arte talaga nito.
"Hahahaha. Eto namang si Baby girl, mamimiss ko lang ang kumag na ito kaya ko inaasar. Wag ka na magselos." Akma niyang hahalikan si Kry nang hawakan niya sa mukha si Kyle.
"Lumayo ka nga sakin, Kuya! Nakakadiri! Eeeww!" Sigaw niya. "Kuuu. Nahihiya ka lang kay Blak--
"Malelate na tayo! Tara na!" Bigla niyang putol at sumakay na sa van. Dala ko driver ko kaya no hassle. Umupo ako sa tabi ni Kryzel habang si Kuya sa una.
Malayo-layo pa ang byahe namin. At sa tingin ko inaantok na itong katabi ko.
"Matulog ka muna, babantayan kita." Nagulat siya sa sinabi ko. Pero agad din namang tumango. Nahiga siya sa may bintana. "Huy, mauuntog ka diyan, dito ka na sa balikat ko." Nanlaki ulit ang mata niya kaya kinuha ko na ang ulo niya at nilapat sa akin.
Nung tiningnan ko siya, nakapikit naman si Kryzel. Pinagmasdan ko lang siya kahit nahihirapan ako sa pwesto namin.
Ang amo talaga ng mukha niya, parang anghel. Pag nakikita ko siyang nakangiti, parang ang gaan sa loob. It feels so good.
Hay. Kinabahan nanaman ako. Nakakabading na ah, then suddenly I got the urge na alisin yung mga nakaharang na buhok sa mukha niya, pero..
"Huy Blake! Ano yan ha?" Napaayos ako ng upo. Panira talaga tong si Kyle.
"Walaa." Tipid kong sagot.
"Di pa nga ako nakakaalis, kung ano ano na ginagawa mo. Pano kita pagkakatiwalaan niyan?"
"Ewan ko sayo, matulog ka nalang. Tss."
***
Kryzel Gil's POV
"Pabo ba yan? Maiiwan ko nanaman ang bunso namin?" Di ko na napigilan na umiyak sa mga sinasabi ni Kuya Kyle.
"Kuya *sniff* wag mo nga akong paiyakin *sniff*. Masisira make-up ko eh *sniff*" natawa naman siya.
"Eh tatlong taon kaya ulit akong mawawala diba? Di ko mapigilan kasi malulungkot din ako." Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Lagi ka namang tatawag diba *sniff* tsaka skype. Meron naman nun."
"Oo naman. Dont cry baby."
*All the passengers to California, USA. Please proceed to the lobby now*
Nang marinig namin yun, inihiwalay na ko ni Kuya sakanya. "Oh aalis na pala ako. Teka, magpapaalam lang ako kay Blake." Tumango ako at nagpunas ng luha.
Lumapit siya kay Blake at may binulong. Hindi ko na sila pinakialaman kasi baka boy's talk yun.
"Baby girl, ingat ka palagi ah. Yung mga bilin ko sayo. Wag mong kakalimutan. Bye for now?" Nginitian ako ni kuya ng malungkot.
"For now, kuya." Ngumiti din ako.
"Blake. Please look for my baby sister when I'm not around, also take good care of her huh. Understand?"
"Copy." Then nagfist to fist sila.
*All the passengers to California, USA. Please proceed to the lobby now*
Niyakap ulit ako ni Kuya at hinalikan sa noo. Then naglakad na siya papasok dun sa ewan. Bago tuluyang pumasok. He took a last glance to us and wave his hand. Nagwave din ako then I mouthed 'I love you'. Sinagot niya din ako ng 'I love you too' at umalis na.
"Tara na?" Tumango ako kay Blake at naglakad papuntang van.
Hanggang sa makauwi kami, depressed pa din ako. Naiiyak pa nga din ako eh.
Feeling ko pagod na pagod ako. Parang tinakbo ko yung korea mula dito. Jusko.
Nanglalata yung tuhod ko eh, hindi ko tuloy mabuksan ang unit. Napansin ata yun ni Blake kaya inalalayan niya ko.
"Are you alright?"
"Pagod lang." Hinawakan niya yung waist ko at pumasok kami sa unit niya. Pagod din ata siya, nakurap kurap na yung mata eh. Past 1:00 na din kasi ng umaga.
Ihihiga sana ko ni Blake sa sofa pero naapakan niya ata yung cover ng sofa kaya nadulas kami at bumagsak parehas. Nakahiga siya habang ako nakapatong sakanya. Nagulat ako pero wala akong lakas pa para umangal. Gusto kong bumangon pero wala talaga.
"Kung di mo kaya, lets just stay here for awhile."
"Mmm." Ang bango bango ni Blake. "Ang bango mo, Blake." Sabay kurot sa may abs niya. He just chuckle at that.
Kakapantasya ko, everything went black.
****
Ang tigas. Ang tigas tigas ng hinigigaan ko. Bato ata to eh, pero bakit gumagalaw? Pinilit kong buksan ang mata ko at nakita..
"Ahhhh! Blake, manyak ka talaga!"
"Pagod ka kagabi, kaya ka nakahiga sakin."
"P-pagod? Bakit anong ginawa natin?! Ha? Sabihin mo?" Napatingin ako sa damit ko pero maayos naman ito. Buti naman.
"Tss. Crazy girl. Geez."
Inisip kong mabuti yung mga nangyari kahapon. Nakalagay pa yung isa kong daliri sa chin ko at
*ting!*
Oo nga pala hinatid namin si Kuya sa airport at pagod na pagod kami. -_-
"He-he-he." Tumayo nalang ako para mabawasan yung kahihiyan ko. Tinatamad pa kong pumunta sa kabila kaya magluto nalang ako ng pwedeng breakfast namin ni Blake.
Pagkaluto, agad ko siyang ginising at pinaghilamos. Pagkababa niya galing sa kwarto,
"Wow! Andami ah." Nagsmile siya kaya napangiti din ako.
"Syempre! Nakakapagod kaya kahapon, ginutom ako." Napa'ahh' nalang siya at nilantakan yung mga niluto ko.
Hinugasan na ni Blake yung mga pinagkainan namin at ako naman namahinga sa sofa.
Napatitig ako sa inuupuan ko at biglang namula.
"Kung di mo kaya, lets just stay here for awhile."
"Mmm." Ang bango bango ni Blake. "Ang bango mo, Blake." Sabay kurot sa may abs niya. He just chuckle at that.
Yu-yung sinabi kong ang bango ni Blake?! At pag kurot ko sa... sa sa sa.. abs niya?! Totoo ba yun?! Totoo nga ata! Waaa. >///<
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko napatakbo ako sa unit ko without even saying any word. Tinatawag pa nga ako ni Blake eh, pero di ko pinansin. Nilock ko agad ang pinto at sumandal dito.
Hinawakan ko ang dibdib ko sa may puso. Pinakaramdaman ito at.
______
A/N: Hello guys!
Picture nila sa sofa! Hihihi. Kilig! <3
Vote and comment po! Salamat :)
BINABASA MO ANG
Next Unit
Novela JuvenilPano kung yung isang taong nakasagupa mo paglabas mo ng bahay, mapapabago ang buhay mo sa isang iglap?