Chapter 3 Want

158 14 13
                                        

Chapter 3

Kryzel Gil's POV

Hila-hila ako ni Blake papuntang parking lot. Hanggang ngayon, windang pa din ako sa mga pinagsasabi niya kay Zach.

Sinabi niya pa kasi kanina na, pinapabantayan daw ako nila Mommy sakanya. Nahiya naman ako, last time I checked kasi magkapitbahay lang kami tapos ngayon bodyguard na? At boyfriend? Seriously?

"Bat mo ginawa yun?! Namumuro ka na sakin ha! Kagabi hinalikan mo ko tapos sa room inagawan mo ko ng upuan tapos ngayon ano ulet?! Boyfriend kita? Ang kapal naman ng mukha mo! Kakakilala lang natin baka hindi mo alam."

Tuloy tuloy kong sabi nang makapasok kami sa kotse niya.

"Tsk! Ang ingay mo!" Sigaw niya pabalik.

"At ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?!"

"Tumahimik ka nga kasi! Magkatabi lang tayo Kryzel, for crying sake!"

"Eh san mo ba kasi ako dadalhin ha? Malay ko ba kung kikidnapin mo ko, nako ipapabulok talaga kita sa kulungan. At marami pa kong pangarap! Ihahandle ko pa yung company namen! Pano nalang sila Daddy. Pano. *sniff* Please." Hindi ko na napigilan na maging hysterical. Tuloy tuloy na din yung pagluha ko.

"Pano kapag *sniff* nagkasakit si Lola, sino nalang mag-aalaga sakanya? *sniff* Only grandchild lang kaya ako."

"Si Gail, yung bestfriend ko, hindi pa yun marunong tumawid, tuturuan ko pa lang. *sniff*" Kasabay ng pagngawa ko ang pagyuyugyog ko sakanya.

"Wag Blake *sniff* Wag!"

"OKAY! OKAY! ENOUGH NA PWEDE BA? HINDI KITA PAPATAYIN. YOUR DAD TEXTED ME LAST SATURDAY NA MAGPASAMA DAW AKO SAYO SA PAGTUTOUR DITO SA MANILA." He paused.

"I REFUSE BUT HE INSISTED. HE SAID, I'LL PICK YOU UP SA SCHOOL. DI KO NAMAN ALAM NA HINDI PA PALA NIYA NASASABI SAYO. SO THAT'S EXPLAIN WHY. MALIWANAG?" Napatango nalang ako. Sobrang seryoso siya na parang pag umangal ako, itatapon niya ko palabas. Nakakatakot pa yung tingin nya sakin. >.<

Di na ko nakaimik. Pinagmasdan ko nalang yung daan at nakita kong nag-U turn siya. "San tayo pupunta?" Tanong ko nung medyo kumalma na ko.

"Iuuwi na kita. Nawalan na ko ng gana."

"Ehhh? Ah o sige. Ahm. Pwede bang magtanong?" Tumango naman siya. "Kaano-ano mo si Daddy?"

"New company investor."

"Nagtatrabaho ka na agad?"

"Napag-utusan lang." Sabi niya bago ipark ang kotse. Nandito na pala kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay kami sa elevator.

Nang makarating kami sa tapat ng unit niya, hindi ako mapakali. Parang may gusto akong gawin. Parang gusto kong magsorry. Naging mabait din naman siya sakin diba? Hinatid niya ko eh. Nagtatalo pa utak ko. Pero sige na nga.

"Blake. Sorry."

"Ha?" Habang tinatype niya yung passcode niyang sabi.

"Sorry kanina. Napaghinalaan kita." Kinakabahan ako sasabihin niya. *Cross fingers*

"K." At pumasok na.

Ayyy yun na yon?! Di manlang 'okay lang' 'wag mo nalang ulitin' Tsk! Dapat pala di na ko nagsorry. Kala ko mabait naaaa. Siya pa din pala si kumag.

Pumasok na lang din ako sa unit ko at nagbihis sa sobrang inis.

---

Time check: 9:00 PM

Kasulukuyan akong nasa veranda ng condo at nagpapahangin.

Kitang kita ko yung city lights. Ang ganda. Parang nasa mga romantic movies lang. Ang taas taas ko pa. Pang 19th floor ako eh.

"Guess it's true, Im not good in a one night stand. But I still need love cause I'm just a man." Napatigil ako sa pagtingin sa malayo noong may narinig ako. Tumingin ako sa kabilang veranda at

Nakita ko si Blake na naggigitara, kumakanta.

"These nights never seem to go to plan, I dont want you to leave, will you hold my hand?"

Ang ganda ng boses niya, narerelax tuloy ako.

"Oh, won't you stay with me? 'Cause you're all I need. This ain't love, it's clear to see. But darling, stay with me."

Parang may pinaghuhugutan si Kumag. Damang dama ko yung kanta eh. Nasabi ko na bang ang ganda ng boses niya?

Napatingin ako sakanya nung tumigil yung pagstrum niya sa gitara at pagkanta.

Nagkukusot siya ng mata, ako lang ba yun o may tumulo talagang tubig galing sa mata ni Blake. Napatulala ako, first time ko kasi nakakita ng lalaking umiiyak. Pero sigurado ako, may nakita ako eh.

Huli na nung narealize kong nakapasok na pala si Blake sa unit niya.

Napasisip ako, ano kayang problema niya?

Ano kayang mali?

Bat siya umiiyak? Sa dalawang araw naman na nakasama ko siya, napakatapang niya.

Bakit nag-aalala ako sakanya?

Bakit parang gusto ko na siyang maging kaibigan?

Next UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon