______________________________________
VANNA POV
" Oh my Goodness" iyan ang boses na umalingawngaw sa buong cafeteria kaya nabaling dito ang atensyon ng halos lahat ng nasa loob
Nakarinig rin ako ng mahihinang bulong bulungan at ang iba naman ay bakas ang takot sa mga mata.
" Sorry po sorry po hindi ko po sinasadya miss Crystal" nanginginig na sabi noong babae na nakabangga kay Crystal at tila paiyak na ito.
" Sorry? bakit may magagawa ba iyang sorry mo you stupid nerd" galit na galit na wika dito ni Crystal at sinampal ng napakalakas ang kawawang babae pero hindi sa kanila natuon ang atensyon ko kundi sa babaeng dahan dahang lumalabas ng cafeteria.
Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nito. Sinundan ko ito at mukhang papunta ito ng dorm.
" Stop it Crystal" iyan ang boses na nakapagpabalik ng atensyon ko mula sa malalim na pag-iisip at napatingin ako sa pwesto nila. Nakita ko si Van na nasa harap na ni Crystal at ito ang umawat dito at nakita ko rin ang itsura noong babae na nakabangga dito. Putok ang gilid ng kaliwang labi niyo at tumilapon na rin sa sahig ang salamin nito habang gulo gulo ang buhok. Nakaramdam ako ng awa para dito kaya nagpasya ako na lapitan narin ang mga ito.
" Ano ba Van wag ka nga makialam dito " sagot ni Crystal na nasa himig ang inis at akma na naman muling sasaktan ang babae kaya mas binilisan ko ang hakbang ko at bago pa dumapo ang palad nito sa babae nahawakan ko agad ang kamay nito ng mahigpit.
" Sabing tumigil kana" seryosong wika ko at marahas na binaba ang kamay nito.
" HOW DARE YOU " tila bubuga na ng apoy na sigaw nito sakin.
" Itigil mo na itong ginagawa mo dahil hindi nakakatuwa" walang pake na sagot ko naman.
" At sino ka para utusan ako ha? Ano bang pakialam niyo at bakit ba kayo nakikisawsaw? Wag kayo makikialam dito kung ayaw niyo madamay." Banta nito samin na may nanlilisik na mga mata.
" Are you threatening us huh Crystal baka nakalimutan mo myembro ako ng student council" may diin ang bawat salitang wika ko. Napa-tss naman ito at ngumisi sakin ng nakakaloko.
" At baka nakalimutan mo rin Vanna na wala akong pake kung sino kayo at isa pa baka ikaw ang nakakalimot kung sino ako at ang kaya kong gawin kaya kung ako sa inyo umalis na kayo sa harap ko bago ko makalimutan na pinsan ko kayo" at tiningnan kami nito ni Van ng seryoso.
Napakuyom ako ng kamao dahil sa sobrang gigil dito at nararamdaman ko na nag-iiba na ang kulay ng mga mata ko at ang unti unting pagbabago ng temperatura ng paligid.
" Calm down" malamig na utos sakin ni Vince na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko para pakalmahin kaya huminga ako ng malalim at pumikit saka muling dumilat noong maramdaman ko ang unti-unting pagbalik ng kulay ng mga mata ko.
" Ayos ka lang ba?" biglang tanong sakin ni Sabrina na nasa himig ang pag-aalala. Nasa likod ko na pala ang mga ito at bakas sa kanilang mga mukha Ang concerned kaya tumango ako dito at ngumiti ng tipid.
" What? Don't tell me pagtutulungan niyo ako?" Tanong samin ni Crystal na nakataas ang kilay pero tiningnan lang ito ni Vince ng malamig na mas ikinainis nito at dahil alam niyang wala siyang mapapala kay Vince iba nalang ang pinagbuntunan niya ng Galit na mas ikinakulo ng dugo ko dahil ininsulto nito sila Lesley.
BINABASA MO ANG
Fantasy Series: The Lost Memories
FantasyThis is the story of Vanessa Ferrer the healer and her journey of finding her lost Memories and how she become a legend in the world where magic and extraordinary creatures exist.