CHAPTER 8

101 4 0
                                    

______________________________________

VANESSA POV

Isang linggo na ang lumipas mula noong magsimula akong mag-aral dito sa magical university at isang linggo rin ako hindi nakaattend ng training at combat class ko dahil sa natamo kong pilay sa paa at ngayong araw na ito ay pinayagan na ako dahil okay na rin naman daw ang mga paa ko basta wag lang daw ako magpapagod ng sobra.

Nandito ako ngayon sa may hallway papunta kasi ako sa history class ko. Maingat ang ginawa kong hakbang tsaka ako dahan dahang sumilip sa kabilang daan habang nagtatago.

Biglang may kumalabit sakin pero hindi ko ito pinansin kaya muli nitong inulit ang ginawa kaya naman nakaramdam ako ng inis dito bigla.

" Ano bang probl- oh ikaw pala Crystal hahaha" naiilang na sabi ko dito ng pagharap ko ito ang bumungad sakin.

Pagminamalas ka nga naman nagtatago na nga ako nahanap parin ako nito.

" Pinagtataguan mo ba ako?" nakangusong tanong nito at tila nagtatampo kaya mabilis akong umiling iling kahit ang totoo ay ito naman talaga ang pinagtataguan ko nitong mga nakalipas na araw dahil napaka clingy nito at napakaingay.

Kung noong nasa mansyon ako kahit papano ay naiiwasan ko ito dahil every Saturday at Sunday lang naman ito nakakapunta ng bahay dahil nga may pasok tapos madalas kapag pumupunta ito samin ay nagdadahilan ako na masama ang pakiramdam ko kaya umuuwi din ito agad.Hindi ko nga alam sa babaeng to kung bakit sunod ng sunod sakin.

" Talaga kung ganun bakit ka nandito at sa tuwing nakikita kita lagi kang tumatakbo tulad nalang kahapon tinawag kita pero hindi mo ako pinansin" muling sabi nito at tumingin sakin ng malungkot.

Bigla tuloy akong natahimik dahil hindi ko alam kung ako ang idadahilan ko sa kaniya.

" Naku hindi kaya kita pinagtataguan at tsaka bakit ko naman gagawin iyon, may importante kasi akong gagawin kahapon kaya sa sobrang pagmamadali ko hindi kita napansin" pagsisinungaling ko dito at ngumiti ako ng napipilitan dito.

" Talaga?" Bakas ang pagdududa sa boses na tanong nito kaya tinanguan ko na lamang ito para matapos na.

" Promise?"

" Promise" sagot ko na lamang dito. Ngumiti naman ito agad dahil sa sinabi ko. Kita mo na baliw talaga ang babae na to kanina lang akala mo iiyak na.

" Okay naniniwala ako sayo, sorry din kung makulit ako pero please lang ate Vanessa wag mo na po ulit gawin iyon ah kapag busy ka sabihin niyo lang sakin at di ko naman po kayo kukulitin" mahabang sabi nito at tumingin sakin ng seryoso.

Ate ang tawag nito sakin dahil mas matanda ako dito ng isa't kalahating taon.

Bigla tuloy akong naguilty dahil sa itsura nito ngayon na akala mo isang kawawang bata na inabanduna ng magulang.

" Sige" iyan lamang ang tangin naisagot ko dito dahil wala akong maisip na sasabihin sa kaniya. Bumalik naman ito sa magiging palangiti nito.

" Nga pala may good news ako sayo pero mamayang hapon mo na malalaman" masaya nitong sabi kaya napakunot noo tuloy ako. Ano naman kaya ang good news na yun?.

Fantasy Series: The Lost Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon