CHAPTER 2

123 5 0
                                    

______________________________________

VANESSA POV

Tahimik lang akong nakaupo sa backseat ng van . Ngayon ang araw na babalik na ako sa pag aaral kaya kahit papano good mood ako. Dahil may makikita na akong iba bukod sa mga mukha ng mga magulang ko at sa nakakasawang mukha ni Vanna at noong dalawa kong kapatid na lalaki.

Mas pinili ni Vanna na maupo sa likod ko na sa tingin ko pinakamabuting desisyong ginawa niya dahil wala ako sa mood makipag bangayan sa kaniya . Tulad ko tahimik lang din ito habang hawak ang phone niya. Iyong driver naman namin na mag hahatid samin ay nasa labas pa at hinihintay iyong dalawa.

Kanina pa nga ako naiinip dito ano ba kasi pinag uusapan ng tatlong yon bat ang tagal nila. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila I think may binibilin si dad sa mga ito. I looked at Fuca na mahimbing natutulog sa lap ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago nagpaalam ang mga ito at naglakad na papunta sa direksyon namin. Pag kalapit ng mga ito ay sumakay na ang mga ito si Vince sa fronseat. Nakabusangot namang binuksan ni Van ang pinto ng backseat at makita ako nito ay mas lalong sumama ang mukha nito ng Makita ang hawak ko ngunit hindi na lamang nagsalita at mas piniling maupo kasama si Vanna sa likod ng upuan ko.

" What the hell why did you bring that cat?" nakakunot noong tanong sakin ni Vince na mababakas ang inis sa mukha.

" What? Sa pagkakaalam ko hindi naman bawal mag dala ng pet sa loob ng school right? And besides ayoko iwan siya dito dahil wala namang magpapakain sa kaniya at mas lalong hindi ko siya pweding ipagkatiwala sa mga maids. " inis ding sagot ko dito . I can't let those maids take good care of my Fuca because knowing him he hates being surrounded by people he doesn't know.

Hindi din naman bawal magdala ng pet as long as hindi siya makakapanakit nang kahit sinong tao sa paaralan. May mga wolves, mermaids, vampires and etc. din kase na nag-aaral sa school kaya okay lang magdala ka ng pet.

" There's nothing wrong about bringing a pet is just that your cat is scary" maarteng sagot ni Vanna. Tumingin ako sa likod at bored itong tiningnan saka nagsalita.

" Well your face is much more scarier than my pet" tila napikon naman ito dahil sa sinabi ko.

" How dare you-" hindi ko na ito pinatapos magsalita.

" No how dare you talk to my Fuca like that. Kung wala kang sasabihing maganda you better shut up" mas lalo naman itong nainis at naramdaman ko ang unti unting pag init ng paligid.

She's using her power again dahil naramdaman ko ang biglaang pag init ng paligid ko.

" Grrrr" napatingin ako kay Fuca ng marinig ko ito. Nakatayo na ito at nakaharap kay Vanna. Sobrang sama ng tingin nito at tila handang sumugod. Mukhang naramdaman nito ang nagbabantang panganib samin. Bago pa ako masaktan ay pinigilan na ito agad ni Van na medyo ipinagpasalamat ko kahit papano dahil ayoko namang pumasok na may sugat first day ko pa naman ngayon.

" Stop it Vanna" pigil nito sa tensyon na namamagitan saming dalawa at saka bumaling sakin" and you calm your cat your arguing for nonsense things again" hindi ko na lamang ito pinansin at pinakalma si Fuca. Unti unti namang bumalik sa dati ang paligid. Inistart na ng driver ang sasakyan at wala na samin ang nagsalita ngunit ramdam ko parin ang matatalim na tingin na pinupukol sakin ni Vanna, the hell I care tss.

Kinuha ko na lamang ang earphones ko at sinuot ito. Alam ko namang walang kakausap sakin sa buong byahe kaya napag pasyahan ko nalang matulog since inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog kagabi ng maayos. Sa muling pagkakataon tiningnan ko si Fuca na bumalik sa pag tulog inayos ko muna ang pagkakahiga nito sa hita ko bago pumikit.

Fantasy Series: The Lost Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon