CHAPTER 9

100 4 0
                                    


______________________________________

VANESSA POV


Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa taong katulad ko na nagmamasid sa mga ito si Kevin. Napangisi ako ng Makita ko ang sakit na mababasa mo sa mga mata nito at unti-unting pagtulo ng luha nito. Sabi ko na ngaba eh may mali talaga sa kaniya.

" You like her right?" Mahinang tanong ko na ikinalingon nito sakin at bakas ang gulat sa mga mata nito.

Walang pagdadalawang isip na lumapit ito sakin at marahas na hinila ako at tinago sa likod ng puno kung saan ito nakatayo kanina. Ikinulong ako nito gamit ang mga kamay nito kaya napasandal ako sa puno.

" Anong nakita mo?" Bakas ang gigil sa boses nito habang mariing tiningnan ako sa mga mata.

" Everything" walang emosiyong wika ko dito at nilabanan ang mga tingin nito.

" Shit " malutong nitong mura at napahilamos sa mukha saka humarap sakin at hinawakan ako ng mahigpit sa mga braso.

" Wala kang nakita okay?"

Natawa naman ako sa sinabi nito anong karapatan niya para sabihin iyon. Alam ko ang nais nitong ipahiwatig

" No, nakita ko kung pano sila maghalikan, Nakita ko rin-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mariin ako nitong tinulak ng madiin sa may puno at ramdam ko ang sakit ng likod ko dahil sa lakas ng impact nito.

" Shut up Vanessa, tandaan mo ito sa oras na magsumbong ka na naman sa daddy mo about dito ako na talaga makakalaban mo at hindi kita sasantuhin kahit babae kapa"

" Is that a threat? Bakit Kevin do you think natatakot ako? Ngayon pa na alam ko na ang sekreto mo" at saka ito nginisian ng malaki.

" Wala akong sekreto kaya manahimik ka"

" Oh talaga ba so hindi mo siya gusto?" Nakakalokong tanong ko umiwas naman ito ng tingin saka sumagot.

" Oo dahil si Yumi ang mahal ko"

" Talaga ba bakit pakiramdam ko hindi, tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mo na hindi mo nga siya gusto" panghahamon ko dito.

Inis naman nitong binalik sakin ang paningin saka dahan dahang binigkas ang mga katagang ito.

" Hindi ko gusto si Vanna at si Yumi lang ang gusto ko"

" Okay you're right you don't like her because you love her" saka ako ngumisi.

" Hindi ko nga siya gusto " ulit na sagot naman nito.

Napatawa naman ako sa sinabi niya at muling nagseryoso at hinawakan ang collar ng suot nitong uniform at marahas na inilapit ko siya sakin.

" Hindi ako tanga Kevin alam ko ang nakita ko hindi mo ako maloloko. Pero don't worry hindi ko naman ipagkakalat" at nginitian ko ito ng matamis.

" Really? Hindi ako naniniwala"

" Syempre hindi ko ipagkakalat pero syempre walang libre ngayon" at pinalakbay ko ang mga daliri ko sa mga balikat nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fantasy Series: The Lost Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon