CHAPTER 7

105 4 0
                                    

______________________________________

VANESSA POV

Naalimpungatan ako dahil kay Fuca na pinaglalaruan ang buhok ko. Napangiti ako dito saka ko ito kinuha at tinadtad ng halik sa buong mukha nito.

Nang magsawa ako sa kakahalik dito ay napatingin ako sa labas ng bintana. Madilim na kaya kinuha ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na.

Mabilis akong napabangon dahil 7:45 pm na pala shit kaya pala ginigising na ako ni Fuca marahil ay nagugutom na ito.

Dali dali akong nagmumog at naghilamos pagkatapos ay nag-ayos ako saglit saka kinuha si Fuca para lumabas at nagtungo sa cafeteria para kumain. Iilan na lamang ang tao sa cafeteria at nagsisimula narin maglinis ang mga staff pero may magilan ngilan pa namang estudyante ang kumakain.

Naghanap muna ako ng mauupuan at iniwan ko doon si Fuca. Inutusan ko rin ito na wag malikot dahil baka kung saan saan na naman ito pumunta. Sumunod naman ito sa utos ko at naupo lang doon sa mesa kaya iniwan ko na ito para umorder ng pagkain.

Isang minuto lang akong naghintay dahil hindi masyadong busy. Kinuha ko na agad ang tray na may lamang pagkain namin ni Fuca saka ako naglakad pabalik sa pwesto namin.

8:30 pm na at katatapos ko lang mag-dinner at halos wala ng tao akong nakikita dahil malapit na rin naman ang curfew which is 9:00 pm. Nakatulog kase ako kaninang 5pm sa sobrang pagod dahil sa paglilinis ng buong dorm ko kaya marahil late ako nagising kahit nag alarm naman ako. Si Almira naman nagtext sakin kanina na di daw siya makakasabay sakin ngayon dahil may gagawin siyang importante.

Tanging mga ilaw na lamang ang nagsisilbing liwanag ng paligid at ang bilog na bilog na buwan. Napakaganda nitong pagmasdan dahil kahit minsan natatakpan ito ng mga ulap ay napakaliwanag parin nito.

" Meow " napatingin ako kay Fuca dahil hindi ito mapakali sa pagkakahawak ko tila gustong bumaba.

" No Fuca tumigil ka" at mas lalo ko hinigpitan ang pagkakahawak ko dito at hindi ito nagpatinag at mas lalong lumikot.

" Fuca ano ba? Not now okay " pero dahil napakakulit nito hindi ko ito napigilan.

" Fuca" sigaw ko ng magtagumpay ito na makawala sakin pero hindi ako nito pinansin at tumakbo kung saan.

" Arghhh bwesit" inis na inis na pinadiyak ko pa ang mga paa ko at walang choice kung hindi ang habulin ito dahil gabi na at baka mapahamak pa ito.

Lakad takbo na ang ginawa ko para mahabol ito but still useless dahil hindi ko na ito naabutan. Napansin ko nalang na nasa likod na ako nitong school at medyo madilim na sa part na ito dahil kaunti nalang iyong mga ilaw.

Lintik talagang pusa iyon sana pala iniwan ko nalang ito sa bahay kung alam ko lang na stress lang pala ibibigay nito sakin dito.

Nasaan na ba ang pusang iyon bakit ang bilis tumakbo. Kulay itim pa naman at madilim na mahihirapan akong mahanap ito. Hindi ko naman pweding pabayaan ito dahil baka mapahamak iyon kahit naman pasaway yon mahal ko parin ang pusang iyon.

Hinanap ko sa paligid si Fuca pero wala akong nakita napatingin ako sa sulok ng may marinig akong mahinang ingay na tila dalawang taong nagsasalita. Dahil sa curiosity ko ay naglakad ko palapit kung saan ko naririnig ang ingay.

Fantasy Series: The Lost Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon