DISCLAIMER: The characters and events depicted in this story, are fictitious. Any similarities to an actual person, living or dead, is pure coincidental.
"AHHHHHH"
Tili ko nang matapos ang live n'ya. Yun na yon? tapos na kaagad? bitin naman, Laurent. Hindi nakakasawang panoorin, pano, e ang galing galing kumanta. Nahiga ako nang may malaking ngiting naiwan sa aking mga labi.
Agad naman itong nawala nang biglang may humampas na unan sa mukha ko. Seriously? sira moment naman 'to
"Hoy babae! ang ingay ingay mo, yan ka nanaman kaka Laurent mo, hindi ka nga kilala nyan"
Pang-aasar sakin ni kuya. Masama ba? Oo na, pero ano naman? Inirapan ko nalang ito at nagpa gulong gulong sa aking kama, bumalik ang ngiti saaking mga labi, hindi ko na pinansin si kuya.
"Kuya, pwede ba?! Wala atang araw na hindi ako nakakarinig ng asar galing sayo"
Inis na sabi ko sakanya. Agad naman tong tumawa nang malakas. Oh sinong maingay samin ngayon?! mang aasar pa talaga e, binatuhan ko to nang maraming unan na ikinatumba nya naman sa kanyang pagkakatayo.
"Hindi ka na nga kilala, hindi mo pa nakikita. Yan ba mga tipo mo, bunso?"
Natatawang tanong nya sakin na ikinanoot naman ng noo ko. May punto sya, hindi talaga nagpapakita ng mukha si Laurent, pero kung oobserbahan mo base sa boses nya, masasabi mong gwapo-
Ah Eh? Gaya ng sinabi ko kanina, ano naman? Wala naman akong pag asa, kahit na gwapo o hindi. Fuck, sa dalawang taon na pag suporta ko sakanya hindi ko manlang naisip yon?
Napabuntong hininga nalang ako, hindi ko na nasagot si kuya sa nasabi nya dahil bigla akong napa isip don. Ay basta, i like him. Even though, hindi ko sya kilala personally.
"Alis na ako, bunso. Mamaya ka na tumili tili jan, at may pasok ka, remember?"
Pagpapaalala sakin ni kuya, tumango nalang ako at tumayo papuntang sala.
"Ay atsaka pala, baka late ako makauwi, birthday ng boss ko, lam mo na, onting inuman"
Natatawang sabi sakin ni kuya. Oo, dalawa nalang kami ni kuya sa buhay, simula nang nawala ang mga magulang namin ay natuto na kaming mamuhay mag isa, useful din pala ang pag turo satin ng gawaing bahay e.
"Sige kuya! mag iingat ka, baka mag uwi ka ng babae ha"
Pang-aasar ko sakanya na ikinatawa naming dalawa. Hinintay ko na makaalis si kuya at nang makapag ayos na rin ako ng sarili ko.
Sumilip na muna ako sa laptop ko baka sakaling may nakalimutan akong task.
*2 unread notifications
@Renzo243 has started following you
@Renzo243 liked your postSino naman kaya ito? napa upo ako at sinimulan ang pag stalk sa account. Parang dummy dahil ni isa, wala kang makikitang post. Interesting
Random people follows me sometimes, hindi naman ata big deal yan. Tumayo na ako sa kinauupuan ako at nagsimula nang mag-ayos ng sarili.
Napasilip ako sa bintana nang makita ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. Really? Ngayon pa talaga? Pag minamalas ka nga naman oh.
Nilock ko ang pinto namin mula sa labas, lumabas nang may hawak na payong sa aking kaliwang kamay, suot suot itong makapal na jacket na binigay ni Bea. Napakalakas nga talaga ng ulan, bag kong sinuot ko paharap.
Napatigil ako sa paglalakad nang may waiting shed na para makahanap ng masasakyan, basang basa na palda. naupo naman ako don habang naghihintay.
Alam nyo ba yung feeling na gusto mo ng ulan pero ayaw mo at the same time.
"Fuck"
Mura kong pabulong habang inaayos ang basa kong palda, padabog kong nilapag ang bag ko sa kanang bahagi ng upuan.
"Mababasa rin ulit yan pag lumabas ka dito sa waiting shed"
Sabi ng lalaking katabi ko sa bandang kaliwa, hindi ko na sya nilingon pero may punto sya don. Hindi ko na rin sya sinagot at pinatuloy ang pag ayos ng palda ko, narinig ko naman ang pagtawa nya ng mahina.
Nang makakita na ako ng jeep na paparating ay agad ko namang inayos gamit ko, nagkagulo gulo na. Pati mukha ko gulo na, struggle is real! tangina naman oh.
"Need help?"
Alok nung lalaking nakatabi ko, nang makita nyang nagstrustruggle ako sa pagtayo dahil sa mga gamit na dala ko. Padabog ko namang ibinigay sakanya ang isa kong bag nang walang sinasabi, hindi ako galit promise.
"Oh okay"
Limitado nyang sabi. Tumakbo na kami sa jeep at nakapasok akong basang basa, agad ko namang tiniklop ang payong na ginamit ko. pinagtitinginan ako ng mga tao sa jeep sa sobrang basa ng palda ko at sapatos, hindi ko nalang sila pinansin at agad namang kumuha ng bayad.
"Bayad po! dalawa po, Eastpaw"
Abot ko ng bayad. Parang pa thank you payment? Does that even make sense? agad ko namang nilingon yung lalaking tumulong sakin.
"Uniform mo kasi"
Don ko nasabi na same school kami, tumawa nalang sya ng mahina at nasa seryosong mukha pa rin ako. Bumiyahe na ako at hinintay nalang na makarating.
BINABASA MO ANG
She's Clueless
RomanceIs it possible to fell in love with a person you haven't seen before? (This story contains violence)