iv.

2 0 0
                                    

"AHHHHHHHHHH"


Agad akong pumunta sa laptop nang narinig ko ang pangalan ko mula don, nagulat ako sa narinig ko. Kinikilig na hindi mapakali.


Totoo ba to? isa nanaman kayang panaginip? Hinampas hampas ko ang mukha ko, pinisil ko ang braso ko para malaman kung hindi ba ako nagigising sa katotohanan.


Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napansin ang niluluto ko at agad naman akong nakaamoy ng sunog na niluluto.


"Hala gago, ang nuggets ko!"


Sigaw ko at dali dali akong pumunta don. Nasunog na sya, hindi ko na binalak na magluto ulit dahil sayang, deserve mo yan, bantayan mo kasi.


Nag sandok na ako ng kanin at dinala na ito sa lamesa. Hindi natutuwa ang mukha ko sa nangyayari, tinitiis ang sunog na lasa.


"Ikaw kasi e, kasalanan mo to. Nasunog tuloy nuggets ko"


Kausap ko ang laptop ko habang kumakanta si Laurent. Bakit? Kasalanan nya naman talaga, kung hindi nya ako pinakilig edi sana masarap kain ko ngayon.


Natapos na ako kumain at inayos na ito, hindi pa rin tapos ang live nya. Pinatay ko na ang ilaw sa sala namin at dumiretso na ako sa kwarto upang ituloy ang panonood.


"𝘐'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘫𝘢𝘤𝘬𝘦𝘵 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘪𝘵'𝘴 𝘤𝘰𝘭𝘥, 𝘰𝘶𝘵𝘴𝘪𝘥𝘦 𝘰𝘯 𝘢 𝘳𝘢𝘪𝘯𝘺 𝘥𝘢𝘺..."


Hindi mawala ang ngiti ko, his voice is so calm. I can listen to it, all day. Nakikinig lang ako nang biglang may kumatok, narito na ata si kuya, medyo late na rin kasi.


I sighed, lumabas na ako sa kwarto ko at binuksan ang ilaw ng sala. Naglakaf na ako papalabas ng pinto at lumabas. Binuksan ko naman ang gate namin na bumungad ang isang lalaking pamilyar sa mga mata ko.


"Kuya poy naman e, wala si kuya. Hindi pa kami makakabayad."


12k, yan ang utang namin sakanya. Simula nang nawala mga magulang namin, nagkautang utang na rin kami. Dumating na rin sa puntong kailangan na naming ibenta itong bahay, pero hindi ako papayag.


"Last year ganyan din sinabi mo, gwen! Ni kalahati wala kayong nababayad sakin"


Sigaw nya sakin, nagulat naman ako dito. Tumawa ako na kinakabahan, hindi sapat ang kinikita ni kuya sa trabaho nya.


"Promise, next time. Extension lang ho. Ay taray, bagong gupit ka kuya poy? Bagay sayo, pumogi ka lalo"


Pagdidistract ko sakanya, kalmado lang ako sa panlabas pero sa loob ay kabado, baka hindi kami bigyan ng palugit. Natawa sya at natawa rin ako.


"Ano ka ba, para maka score kay misis. Oh sya, last na yang next time mo ha."


Diba? mabait naman yan si kuya poy, wag lang abusuhin. I laughed nervously, nakaalis na sya. Hindi pa ako nakakapasok ulit sa loob, napansin ko ang bahay na nasa tapat namin, tapos na ata sila maglipat.


Napakamot ulo nalang ako habang papapasok ulit sa bahay. Nilock ko naman ito kaagad. Dumiretso na ako sa kwarto ko, tapos na ang live ni Laurent, hindi ko manlang nakita ang last performance nya.


Napabuntong hininga nalang ako at nahiga na sa kama ko, nilapag ko na ang laptop ko. Papikit na sana ako nang may nag ring sa cellphone ko. Unknown number?


"Hello?"


Sinagot ko ito. Paghinga lang ng isang lalaki ang naririnig ko. Umabot yon ng 5 minuto pero hindi ko binaba ang tawag, masyado akong nacucurious, sino ba kasi to?


She's CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon