v.

3 0 0
                                    

Isang panibagong araw nanaman akong sisimulan. Napahikab ako at umupo, pinagmasdan ko muna ang paligid at agad namang tumayo sa kinauupuan ko.


Napatingin ako sa salamin namin, pinagmamasdan ang mukha kong sabog, magulong buhok at magulong suot.


"Ang ganda mo talaga"


Sabi ko sa sarili ko. Walang masama kung papahalagahan mo ang pisikal na anyo mo diba? Pampataas confidence, ika nga nila.


Sumilip na muna ako sa bintana namin. Nasilaw naman ako sa liwanag ng araw, napapikit ako at isinara na ito. Ramdam mo rin ang init ng araw, hindi gaya ng sa ulan na malamig.


Dumiretso ako sa banyo para maligo. Kumuha na ako ng masusuot at naayos na rin ang kama ko.


Habang naliligo ay naiisip ko pa rin ang mga nangyari kahapon. Sobrang dami, napatunganga na lamang ako sa pader habang iniisip ang mga nangyari.


Yung renzo ang pinaka hindi ko makakalimutan, he's very mysterious. Napairap ako at naisip na sana pala hindi ko muna binaba ang tawag nya. Natapos na ako maligo at lahat ng katanungan ay nasa isip ko pa rin.


Pagtapos kong mag bihis ay agad ko namang chineck ang laptop ko, baka sakaling mag live si Laurent. Pero wala, hindi ata sya maglilive ngayon. I sighed


*You have 1 unread message/s


I opened it, nagulat ako sa nakita ko. Hindi maipaliwanag ang saya at kilig sa nakita ko, nanlaki ang mata ko at nagsimulang tumalon talon.


"Congratulations! You are one of the chosen ones who will have the chance to meet Mr. Laurent Roy in person."


Nananaginip ba ako ng gising? Totoo ba ito? Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak sa saya. Sa 2 taon na pagsuporta ko ay makikita ko na sya, ito na yun.


"Please go to this address, 7 pm"


Hindi ako makapaniwala, tumili ako nang tumili, tumalon ako nang tumalon. Nakarinig ako ng yapak papalapit sa kwarto ko at agad ko namang nalaman na si kuya yon.


"Gwen, ang aga aga. Lagi nalang ba kita pagsasabihan na keep your voice down?"


Irita akong sinabihan ni kuya. Nakangiti pa rin ako sakanya at pansin mo ang inis at ang napipikon nyang mukha, hindi ba pwedeng masaya lang kuya?


"Kuya tingnan mo oh!"


Agad ko namang pinakita sakanya ang email na natanggap ko. Hindi napapalitan ang seryoso nyang mukha nang mabasa nya ito, tumili ako muli at agad nya namang tinakpan ang tenga nya.


"Pano kung scam yan? Pano kung hihingian ka lang ng pera ng mga yan?"


Tanong sakin ni kuya. Napatawa nalang ako dahil hindi ako naniniwala sakanya. Basta ako, pupunta ako. Pag hindi ako pumunta, it's like wasting an opportunity, right?


"Wag kang mag alala kuya, kung scam man yan. Hindi nila ako maloloko noh, matalino kaya ako"


Gamit ang natatawa kong tono. Umalis nalang sya at nakapasok na, ako naman tong naiwan magisa sa bahay.


Nang makalabas ako ay napagdesisyonan ko na makinig sa music habang naglalakad papuntang waiting shed, kasabay ang maliwanag na sikat ng araw.


"𝘓𝘰𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘮 𝘸𝘢𝘴 𝘭𝘪𝘬𝘦, 𝘥𝘳𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘢 𝘯𝘦𝘸 𝘔𝘢𝘴𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪 𝘥𝘰𝘸𝘯 𝘢 𝘥𝘦𝘢𝘥 𝘦𝘯𝘥-𝘴𝘵𝘳𝘦𝘵..."


She's CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon