i.

4 1 1
                                    

"Miss, are you paying attention?"


Sigaw sakin ng professor namin. Agad naman akong natigil sa pagyuko at umupo ng diretso, tiningnan ko ang paligid at napansin na lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin, at sakin lamang.


Pagtulo ng pawis ko sa noo sa sobrang kabado.


"Ah, i'm sorry po sir"


Nauutal kong patawad sa professor habang patuloy pa rin ang pagtulo ng pawis ko, kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.


"Stand up, Miss Elaveria"


Oh no. Dahan dahan akong natayo sa inuupuan ko, still seeing my classmates staring at me. Yung iba sakanila napapansin ko na palihim na tumatawa, yung iba naman, may sariling mundo.


Inayos ko naman ang palda ko nang nakatayo na ako at pinunasan ang natitirang pawis sa bandang leeg. Ikaw ba naman titigan ng masama, eye to eye, hindi ka ba pagpapawisan?


"Masarap ba ang tulog mo, miss? Nasa panaginip mo ba ang lesson natin?"


Sarkastikong sabi ni Sir Javier, na ikinatawa naman ng buong klase. Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan, lalong dumami ang tulo ng pawis ko at ang panginginig ng aking katawan.


"You may sit. Class, always pay attention. Para sainyo rin ito, anyway, back to the lesson"


Seryosong sabi ni sir. Naupo naman ako at nanginginig pa rin, rinig pa rin ang tawa ng iba kong kaklase. Gusto ko nalang yumuko ulit at magkunwari na walang nangyari 5 minutes ago.


Natapos ang klase, pero nandito pa rin ang kaba at kahihiyan na naramdaman ko kanina. Naiwan ako sa classroom para mag ayos ng gamit nang biglang may pumasok dito.


"Hoy teh, pinaguusapan ka sa labas oh. Anong nangyari?"


Tanong ni bea sakin, hindi ko sya nilingon at yumuko na lamang. Ang presensya nya ay nandon pa rin, inulit ulit nya akong tinanong. Umupo na ako ng diretso at hinarap sya.


"Nakatulog ako sa klase ni sir javier, ayoko na pag usapan, kilala mo naman ako diba? ayoko napapahiya ako, i mean sino ba namang may gusto non"


Naiiritang sabi ko sakanya, nagiba ang ekspresyon ni bea. From nag aalala to nagpipigil ng tawa, ewan ko ba dito sa babaeng to.


"Oh, don't even think about it. I'm fine, makakalimutan din ng mga kaklase ko yun, anyway lunch na tayo"


Aya ko sakanya, wala na syang nasagot sakin at tinulungan nalang akong mag ayos ng mga gamit ko.


"Hoy, anong ginagawa nyo dito? hindi ba tapos na klase nyo?"


Sigaw ng isang matanda na nakadungaw sa pintuan, may hawak na mop at pamunas. Oo, ang janitor.


"Ito na nga po, nag aayos lang kami kuya pasensya na"


Sagot naman ni bea na parang labag sa loob at padabog nang kinuha ang iba kong gamit, tumawa nalang ako ng mahina at nakalabas na ng classroom.


Naglalakad na kami ni bea papuntang cafeteria nang may sumalubong na isang lalaki sa harapan namin, sa mismong harap namin sumalubong na ikinatigil namin sa paglalakad.


Yung nakasabay ko sa jeep! Oo nga, sya nga. Anong kailangan nya? Nakangiti syang tumingin samin. Napa kunot noo nalang ako dahil hindi ko maintindihan, ni isa walang nagsasalita.


"Uh, pwede pahiram muna si gwen saglit?"


Sabi nung lalaki, what? pano nya nalaman pangalan ko? Ni hindi ko nga sinabi sakanya? And anong kailangan nya. Napalingon ako kay bea na parang na mesmerized dun sa guy, kinalabit ko naman to nang malakas.


She's CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon