"Ah so nakasabay mo nga sa jeep? yun na yun? wala nang ibang nangyari?"
Tanong ni bea sakin, 5 minuto ko na sya kinakausap about don sa pano ko nakilala yung lalaking yun na may warfreak na ex, ay si Van pala.
"Oo, okay ka na? nasabi ko na yung chika, kaya wag mong isipin na nililigawan ako non, hindi noh!"
Patapos na kami kumain. Ang kalat kumain ni bea, lahat kasi minamadali. pinagmamasdan ko lang sya kumain. Nauna na ako matapos sakanya habang sya ay sinisimot ang laman sa buto ng manok.
Tumawa nalang ako ng mahina na narinig nya naman at ikinalingon nya, binigyan ako ng masamang tingin. Tumawa nalang ako at hinintay syang matapos.
Natapos na syang kumain at sakto nagring na ang bell, inayos na rin namin ang pinagkainan namin at tumayo na kami, naglakad na kami papalabas ng cafeteria. Pinagtitinginan pa rin, grabe tumigil na nga kayo.
"Teh, banyo lang ako. Sasabog na ang bulkang mayon!"
Iritable na sabi ni bea sakin at agad naman itong tumakbo papuntang banyo, natawa nalang ako sakanya. Hindi ko na sya nahintay at nauna na ako sa singing club kung saan kasali ako.
Naglalakad ako without having contact with anyone and anything. Ang awkward talaga maglakad magisa, kumuha ako ng libro at kunwari binabasa ko ito habang naglalakad nang walang tao ang makakita saakin.
In case you're wondering, marunong ako kumanta. Si Laurent naman, magaling sya kumanta, maganda ang boses. Hindi ba may kasabihan sila, "The more you vibe, the more chance you get" Duh? Hindi ba totoo yun? I should stop hoping.
Nakarating na ako sa singing club, unang bumungad sakin ang pagmumukha ni camille. Iniwasan ko nalang to ng tingin at naglakad papunta sa upuan
What's her problem? Nag explain na ako ah, pshh move on move on din kasi. Pinagmamasdan ko ang paligid at napansin kong nandito rin si Van, nasa pinaka dulo sya.
Merong nagpeperform sa stage, pinakikinggan nalang namin.
"Psst, psst"
Rinig ko sa may bandang likod ko, agad ko namang tiningnan at bumungad sakin si Paul.
"Oh ano nanaman? Kung hahanapan mo nanaman ako ng babae, pwes wala! nakitang may nagpeperform e, bad timing ka"
Pabulong na sabi ko sakanya na ikinanoot ng noo nya, nilapit nya ang mukha nya sa tenga ko para bulungan.
"Pwede bang patapusin mo muna ako? Grabe ka naman, babae agad? Hindi naman ako ganon noh"
Sagot nya naman. Tama nga naman, pero kasi yan si Paul, pambansang playboy kung tawagin dito sa campus. halos lahat ng babae napaglalaruan nya, pag gusto nya, nakukuha nya. Hindi ako noh
Hindi naman ako easy-to-get, mataas ang standards ko. Si Laurent lang.
"Oh ano kailangan mo?"
Nilapit nya ulit ang mukha nya sa tenga ko at binulungan.
"Gusto ko na magbago gwen, tulungan mo naman ako."
Wow? Magbago? parang tatlong beses na ata sinabi yan pero nambababae pa rin, ganon ba sya ka uhaw sa babae? Hindi ko alam.
"Pfft, ikaw? magbabago?"
Natatawang sabi ko sakanya, naging seryoso na ang mukha nya. Parang this time sincere na sya, pero no, ayoko pa rin. Maraming babae ang mabibiktima lalo.
BINABASA MO ANG
She's Clueless
RomansIs it possible to fell in love with a person you haven't seen before? (This story contains violence)