It's been three years since that encounter.
At yung tatlong taon na yun, yun yung mga taong feeling ko anti-social na ko. Tatlong taon na walang nagbago sakin. Makikita pa rin ako sa library. Pag may time, nasa National ako or sa Booksale. Minsan, pag nagustuhan ng mood ko, nandun din ako sa Precious Pages. At madalas, o sabihin na nating kapag walang budget, nasa wattpad ako. Nagbabasa or nagsusulat or nagfa-fangirling ng mga authors.
Gustong-gusto kong gumawa ng sariling story. Kaso, pag nasimulan ko na, tinatamad na kong tapusin. Patawa lang diba?
Sigh.
Basta sisiguraduhin kong bago naman ako grumaduate e, magkaroon naman ako ng mga bagong experience. Hindi yung puro libro libro libro na lang.
Naglalakad ako ngayon sa lobby ng dorm namin. Antagal ba naman kasi ni Clauie, yung P.A ko, joke! Yung mahal na mahal kong best friend since 1st year college. Nag-aaya kasi siya sa may ATC e. May imi-meet daw siyang friend. Friend nga ba?
After nang ilang minutong pagiging taong poste, bumaba na rin si Clauie.
"Tagal ah. Ga'no ba kaimportante yung pupuntahan natin at naka-dress ka pa? Di naman ako na-inform mamaya JS pala yung meeting place niyo tas naka-pants at V-neck white shirt lang ako."
Ngumiti si Clauie pabalik. Wah! Ang ganda niya! Siya na talaga yung girl crush ko.
Opposites kami ni Clauie. Girly siya tas ako medyo may pagka-boyish daw. Maganda siya, ako naman, sakto lang. Kilala siya sa university at ako, asa. Siguro ang nakakakilala lang sakin sa univ. e yung mga libarian at yung profs.
"Hindi ah. Ganito lang talaga ko manamit. Ikaw nga yung kahit pantalon at shirt lang yung lagi mong suot e mapapansin at mapapansin ka pa rin."
"Sus. Ikaw bes ah! Mamaya ma-fall ako sayo niyan e."
"Baliw! Sinasabi ko yung totoo. Alam mo, yung ipapakilala ko sayong guy mamaya, feeling ko magkakasundo talaga kayo."
"Bat naman?"
"Basta!"
Sumakay na kami ni Clauie sa jeep. Magkatabi kami as usual. Habang nasa biyahe, napag-usapan lang namin yung tungkol sa thesis, sa graduation etc etc (pero 1st sem pa lang naman). Siyempre di mawawala yung kwento niya about sa boyfriend niya.
"Tapos alam mo ba, feeling ko talaga siya na yung the one. Bes, sa tingin mo?"
"H-ha? Ewan. Alam mo pag nag-break kayo, marami pa namang lalaki diyan. Oks lang yan."
"Grabe ka naman! Lagi namang ganiyan yung sinasabi mo e."
Napatungo ako.
"Sorry ah. Pa'no kase. Di ko alam e. NBSB ako. Ang alam ko lang, yung perfect guys e nag-eexist sa libro. Ano namang mapapayo ko sayo? Magbasa na lang ng libro ganon?"
"Yan!"
Nagulat ako sa pagkakasabi niya nun. Pa'no bigla bigla na lang tumataas yung boses. Anong ibig sabihin nitong si Clauie?!
"Yan ang problema."
"Ha?"
"Pano ba naman. Kinukulong mo yung sarili mo sa fiction. Sa libro. Ginagawa mong character ng story yang sarili mo at feeling mo, lahat ng lalaking matino e nasa libro lang."
"Yah. Di ko alam. Basta gusto ko rin na kapag nagka-bf ako, siya na yung first and last."
"Ay mahirap yan Sha."
"I know. Alam mo naman ang mundo ngayon. Parang Quiapo. Chos!"
Nagtawanan na naman kami. No Other Woman lang yung line e!

BINABASA MO ANG
Bookworm
RandomA short story about two bookworms who accidentally met in a bookstore, had fight with a book, and suddenly felt the sparks in between.