1

15 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa National. Gutom na gutom na naman kasi yung mga mata at utak ko sa mga libro. Ewan ko ba, pero halos lahat ata ng libro parang gusto kong ikulimbat at itago sa sako at mamuhay sa malayong lugar kasama nila. Hindi ako klepto pero ganun ko lang talaga kamahal ang pagbabasa to the point na siguro, kung gagawa man ako ng isang krimen, 101% ang chansang pagnanakaw iyon ng libro sa pinakamalalaking book store sa iba't ibang bansa. Chos!

Kakatapos ko lang basahin yung The Fault in our Stars ni John Green at halos maubos ang tissue paper at even yung graphing paper (dahil naubos na yung tissue) namin sa bahay kaka-singa ko ng sipon dahil sobrang nakakakilig at nakakaiyak ang plot twist niya kaya worth it talaga ang P500 na nabawas sa bangko sentral.

Clap clap para kay John Green!

So yun nga, naglalakad ako ngayon sa National dahil target ko namang bilhin ang Will Grayson, Will Grayson nina John Green at David Levithan. Inakit kasi ako nung nakalagay na review na funny, rude, and original dun sa cover nung book pagkakita ko nung isang linggo. E saktong medyo gusto ko naman ngayon ng romcom saka may natira naman sa budget kong 300. Sakto ring may tatlo pang stock ng librong yun dito ngayon.

Pagkatingin ko sa presyo, P365 naman e-wait, P365?!

300 minus pamasahe pa?!

NO! no no no no NO!

Naghanap agad ako ng ATM dito sa SM. Sana naman pwedeng mag-withdraw ng barya-barya sa ATM diba? Agh! 100 lang naman ang kelangan ko.

Finally!

May nakita kong ATM malapit dito sa shop ng Blue Magic sa ground floor. When I checked my balance, muntik na kong mag-hysterical nang makita ko ang balance ko.

P500.

Gas! E maintaining balance na lang ang natitira sa account ko e!! Kaasar naman o! Buti sana kung sandamakmak pa ang stock ng librong yan sa National e kaso TATLO NA LANG! TATLO! TRES. THREE.

No choice. Kailangan ko uli umuwi. Yung coin bank ko na lang ang pag-asa ko.

Nasa kahabaan ako ng Hi-way ngayon. Badtrepp lang kase traffic pa!! Hay! Kakakakakakainiiiiis! Pwede po bang kahit ngayon lang magkapakpak ako at makalipad?!

Isang siglo-pero 1 oras lang talaga yun-ang inabot ng pag-upo ko sa jeep. Lintik e kulang na lang batuhin ko ng tsinelas si manong drayber para naman bilisan niya ang pagpapatakbo.

Hay ganto ba talaga kahirap ang magmahal ng aklat? Gasz! Buwis-buhay lang.

Tumakbo lang ako sa kahabaan ng subdivision namin para makauwi. Pagkatapak ng mga paa ko sa bahay namin, agad kong hinanap yung coin bank ko sa ilalim ng kama ko saka dumukot ng 100. Bumuntong-hininga rin ako saka uli umalis papuntang SM.

Iba yung feeling nung nakatuntong muli ako sa National. Para akong nabunutan ng tinik ng lapu-lapu. Wapakels na kung haggardo na ko. Ang mahalaga, mabibili ko na si Will Grayson, Will Grayson.

Nung nakapunta na ko sa shelf...

...wala na.

Wala na siya.

Wala nang Will Grayson.

Will Grayson, Will Grayson pala.

Matik na muntik na kong mapaluha. Ansakit lang nung feeling na binalikan mo pero iniwan ka na pala.

Dejoke lang.

Pero masakit talaga.

Ansakeeeet!!! Agh! Sarap magwala!

"Miss? Wala na po ba talagang stock ng Will Grayson, Will Grayson?" medyo basag na boses kong pagkakasabi kay ateng staff ng National.

"Ay miss, wait lang po kayo ah. Tignan ko po."

BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon