Epilogue

14 0 0
                                    

Mahilig akong magbasa ng libro. Dahil kasi dito, nakakapunta ako sa ibang lugar even without passport, VISA, or money. Nakaka-experience ako ng maraming bagay. Nakakakilala ng iba't ibang personalidad.

At nagkaroon ako ng love life.

Ewan. Coincidence lang siguro na dahil sa isang libro e nagkalovelife ako. Pero korni man, thankful pa rin ako.

Nung isang buwan lang nang maka-graduate kami ni Clauie. Sa wakas! May diploma na!

Si Clauie, ayun, business woman na. Katulong siya ng parents niya sa pagpapatakbo ng family business nila.

Kaka-break nga lang nila nung long-time boyfriend niya dahil sa third party issue. Sino ba naman kami para husgahan agad ang isang tao o pangyayari e hindi naman namin alam ang totoong kwento. Pero kahit ganun, ayos lang. Nandito naman kaming mga kaibigan niya para bigyan siya ng TLC.

At siyempre, nandiyan para sa kaniya si Charles na sa wakas e nakapagtapat na rin ng nararamdaman niya para kay Clauie.
Si Gabby naman, isa nang engineer. Nakapasa siya sa board exams at hindi lang yan, topnatcher pa! Kaya ayun, nag-celebrate na naman kaming apat.

At ako naman, isa nang high school teacher. Wala lang. Parang na-feel ko lang na gusto kong magturo at maging bahagi ng kwento ng mga estudyante-to-be ko.

Teka, ano na bang real score samin ni Gabby?

"Shakugan, nandito ka lang pala," tawag sakin ni Gabby. Napadpad kasi kami sa National. Alam niyo na, book hunting/date.

"Gatsby tignan mo tong bagong release."

"Mamaya na, hinahanap ka na ni mama, este tita."

"Wow naman. E kung isumbong kaya kita kay mommy, este tita."

Nagtawanan kami. Maya-maya'y hinawakan niya yung kamay ko saka nagpasyang maglakad palabas ng National.

Ganiyan kami mag-date ng lalaking to. Kasama pati mga magulang.

"Happy nth, Shannah," bulong sakin ni Gabby.

"And beyond," I replied.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng matabig ko yung isang libro sa may table kaya yumuko ako para pulutin. Saktong yumuko rin si Gabby kaya sabay naming nahawakan yung libro.

Bigla tuloy akong kinilig at napatingin sa kaniya ng di oras ng makita ko yung title.

Will Grayson, Will Grayson.

Matik na parang nag-flashback ang lahat. Mula nung first meeting namin hanggang last December ng ibalik niya sakin yung hiniram niyang librong Will Grayson, Will Grayson. It was in front of my family, Clauie, and Charles ng ibalik niya ito nang iba na yung title.

He covered the two Grayson with a paper.

So it became,

Will you be my girl?

Then I say yes

BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon