3

19 0 0
                                    

Limang buwan na ang nakakaraan simula nang magbuhol-buhol ang landas naming apat sa National. At sa limang buwan na yun, masasabi ko namang walang nagbago sakin-kahit kabog ng puso ko normal pa rin-so masasabi kong walang work of fate na nagaganap.

Nakakatawa lang kasi nakuwento sakin ni Charles na type niya pala tong si Clauie. Actually, nahalata ko talaga e. Sundo-sunduin ba naman si bes (siyempre damay ako, besty e) sa university pauwi. Alams na diba?

Kaso, taken na si Clauie e. Sad story.

Si Gabby naman, ayun, close na kami. Ang saya nga niyang kasama e. (Don't get me wrong, type ko siya pero walang bugso ng damdamin na nagaganap). Astig nga e kasi talagang magkasundong-magkasundo kami pagdating sa mga hilig-book hunting, basketball sa arcade, video games etc. Sumasama rin siya kay Charles sa pagsundo kay Clauie pag wala masiyadong project sila sa engineering.

Ang nakakabanong part lang diyan tuwing magkasama kami nitong si Gabby e tinutukso kami nitong si Clauie. E wala naman talagang sparks. Kung nagkita man kami e hindi nga yun fate! Iba yung reason non. Tapos.

Katulad ngayon, naglalakad-lakad kaming apat sa SM at todo tukso naman tong si Clauie.

"Ayiii, Gabby at Shannah ha!"

I rolled my eyes at dedma. Hay naku Clauie, kung alam mo lang kung gaano katorpe yang katabi mo (a.k.a Charles).

"Echu! Si Shannah nagba-blush."

"Ewan ko sayo."

"Laughtrip pati si tol namumula."

Hindi ko alam pero nung sinabi yon ni Charles, matik na nag-rebolusyon yung mga paru-paro sa chan ko. Aish! Wag ngayon.

Minsan hindi ko maiwasang isipin na kung sakaling type nga ko nitong si Gabby, may pag-asa kami. Wait, hindi naman sa nag-aassume ako ha, pero astig diba? Boy version ko ang love of my life ko. Diba ganun naman yung mga nangyayari sa libro? Magtatagpo kayo for some fate-related reason tapos poof! Biglang love will find a way. Road to forever lang. Ganun.

Halaaaa Shannah! Kilabutan ka please! Rule #2! Pakitanim sa utak!

"Uy pre grabe naman."

"Langya kabadingan Gabby!"

"Anong kabadingan? Katorps kamo!"

"Kayong dalawa nakakarami na kayo ha."

Hindi ko alam pero nang mga panahon na iyon, umiinom lang ako ng Zagu at pigil na pigil yung tawa ko. E kung sabihin ko kaya kay Clauie na isa't kalahating torpe din tong si Charles? Nakakatawa lang mag-isip ng mga ganun.

"Uy si Shannah nananahimik!"

Muntik ko nang maibuga yung Zagung nasa bibig ko matapos iyon sabihin ni Clauie.

"E kung sabihin kong miss ko na yung mga libro ko sa bahay? Uuwi na ba tayo?"

Napatingin ako kay Gabby after kong sabihin yun. Nakita kong napangiti siya saka ginulo uli yung buhok ko.

"Ha? E bes, halos kakarating lang natin e. Sayang ang pamasahe."

"Dejoke lang. Ang totoo niyan e, may test kasi kami bukas sa psychology."

"Ah."

"Um, sige kung gusto niyo pa mag-stay, go lang! Sorry talaga ha."

"Oo okay lang bes, alam naman naming huwarang mag-aaral ka. Kaya mo yan!"

"Sira."

"Uy okay lang ba, kasi kailangan talaga naming hintayin yung pinarepair naming tab e."

"Oo okay lang. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Oy Charles ingatan mo yang si Clauie ha!" sabay kuyom ng kamay na ikinatawa naman nila Gabby at Clauie.

BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon