4

18 0 0
                                    

Dumaan na ang sembreak kaya umuwi muna ko sa Laguna. At dahil nagtitipid ako ngayon, buong sembreak e nasa bahay lang ako. Kung hindi gumagawa ng homework, edi nagbabasa o kaya'y nanonood ng anime. Pag naisipan ko namang mag-computer, ayun, facebook facebook lang saka wattpad.

Isang araw nag-online ako. Yun yung araw na wala akong choice kundi ang mag-online para naman hindi ma-deactivate yung account ko.

8 FRs ang nakita ko.

Charles Gonzal
45 mutual friends including Clauie Hermosa.
ACCEPT • NOT NOW

Gabby Torres
24 mutual friends including Clauie Hermosa
ACCEPT • NOT NOW

The rest, di ko kilala.

Inaccept ko yung dalawa saka konting stalk sa mga account. Gawain ko talaga yun lalo na kapag kaka-accept ko lang. Kung di niyo naitatanong e part-time hacker din ako. Joke.

Una kong tinignan yung account ni Charles. Yung profile pic niya ay yung pic niya nung nag-Bora sila ng family niya last summer. Naka-topless, shorts, at shades ang kuya niyo. Wetlook lang. Tapos yung cover niya e some lyrics from Heartbreak Girl by 5SOS. Sus. Para kay Clauie lang.

Pagkakita ko sa timeline niya, natawa ko kasi puro kadramahan ang post niya. Feeling busted, feeling emo, feeling hungry, eating sofa, etc. Idagdag mo na rin yung mga selfie nila ni Clauie at ng iba pang tao sa buhay niya na umaabot ng 100+ ang likes.

Ibang-iba naman ang profile ni Gabby.

Ang simple lang ng profile pic niya. Nakatayo sa facade ng college nila saka nakangiti. Medyo nag-reflect pa nga yung salamin niya sa camera e. Laughtrip kasi yung suot niya sa profile pic niya ay yung suot niya din nung first meeting namin three years ago. Yung cover photo naman niya e yung basketball team na kinabibilangan niya sa university nila.

Okay so proceed tayo sa timeline.

Hanep e mukhang News Feed lang yung timeline niya e. Puro post ng tropa niya, ng mommy niya, ng mga kapatid niya, ng mga admirer niya, at ng mga kamag-anak niya. Konti lang yung mga nakita kong post niya, usually pa-thank you lang kay ganito ganiyan.

Mabilis na nagdaan ang sembreak. Dalawang linggo nga lang kung tutuusin at bitin na bitin.

Nagbabasa ako ng manga sa porch ng dorm namin ng biglang may dumating. At dahil nagbabasa ako, hindi niyo ko makikitaan ng pakialam sa ibang bagay maliban sa pahinang binabasa ko.

"Tabi, nagbabasa ako."

"Ayoko nga."

"Sinabi na ngang... Gabby?"

Napangiti siya saka lumuhod sa harap ko.

"Ano yan? Nagpo-propose ka?"

Tumaas yung dalawa niyang kilay saka ngumiti. Napatawa na lang ako saka muling nagbasa.

Nakakailang nga lang kasi nakaluhod pa rin siya at tinititigan ako.

"Problema mo?"

"Nakakatawa ka pag nagbabasa. Ang seryoso."

"Dami mong alam." Sinara ko yung binabasa ko saka tumayo. Tumayo na rin mula sa pagkakaluhod si Gabby.

"Um, pwede ka ba ngayon?"

"Bakit?"

"Book-hunting?"

Napakamot ako ng ulo dahil wala akong budget. Sunod-sunod na yung mga bayarin at dapat ipa-xerox ngayong 2nd sem e kaya medyo tipid-tipid muna.

"Sorry Gabby. Walang budget e. Tsk."

"Ah, um, l-libre kita. Gusto mo?"

Nagulat ako sa alok na iyon ni Gabby. Libre ng book? Seryoso? E ang mahal mahal nun e. Nakakahiya.

"B-bakit? Birthday mo?"

"Hindi."

Hinawakan ko yung noo niya. Wala namang lagnat.

"Wala akong sakit, ano ka ba."

"E, baka mamaya may kung anong sumapi sayo't naisipan mong manlibre."

"Grabe Shakugan. Ikaw lang kasi yung kilala kong mas addict pa sakin pagdating sa mga libro. Kaya, gusto ko sana samahan mo ko maghanap ng magandang book. Medyo wala na ring bago sa shelf ko e. Saka, lam mo na, bonding."

"Wow ah. Gagastos ka pa. Kung gusto mo, pwede ka namang manghiram ng mga libro sakin."

"Talaga?" Parang citylights kung gabi na nagliwanag yung mga mata ni Gabby after ko sabihin iyon. Tumango ako ng dalawang beses saka ko siya pinapasok sa loob ng dorm.

Pinag-antay ko si Gabby sa may lobby. Alangan namang papasukin ko siya sa loob ng kwarto namin ni Clauie, mamaya pag-chismisan pa kami ng ilang utak-berdeng nilalang sa tabi-tabi. Mahirap na.

Pag labas ko, may dala na ko ng ilang libro. The Fault in Our Stars, Perks, Looking For Alaska, The Visible World, etc. Halos puro John Green diba? Favorite author niya rin yun e.

Pag labas ko, agad akong sinalubong ni Gabby at tinulungan sa pagbubuhat ng mga libro.

"Wala pa to sa 1/8 ng shelf. Sabihin mo lang kung wala diyan yung gusto m-"

"Eto. Eto, peram ako Shannah," he said while holding Will Grayson, Will Grayson.

Bigla tuloy nag-flashback sa isip ko yung first meeting namin.

"Eto ba yung pinag-agawan natin sa National?"

I smiled. Biglang nag-rally yung mga paru-paro sa chan ko. Jusmi! Kinikilig ako.

"A-ah, oo. Yan nga," napakagat ako sa ibabang labi ko.

Ngumiti siya pabalik.

Ang cute niya. Oo na, di na ko nasanay. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nafi-feel ko. Korni.

AFTSHUBDJS naman o.

Ayoko na nga magbasa ng romance!

"Okay lang ba mahiram?"

"S-sure. Sige. Di mo pa ba yan nababasa?"

"Hindi pa e."

"This time, di ko na ipagdadamot. Sige."

Ginulo niya yung buhok ko.

Speechless na ang lola niyo wah!

Naglakad-lakad kami palabas ng dorm. Nagkakabungguan yung mga kamay namin at kada daplis ng kamay niya sa kamay ko, may kuryenteng nag-i-ispark. Alam kong ang korni korni ng thought na to pero wala e. Ganun talaga ang nararamdaman ko.

Mamaya, biglang nag-ring yung cellphone niya.

"Um Shakugan, salamat dito ha. Ge una na ko."

Tumango ako.

Tapos...

Niyakap niya ko.

Dubdub. Dubdub.

"Salamat Shakugan. Salamat sa lahat," I felt his breath on my neck and his heart against my chest.

Then I hugged him back.

Di ko alam kung anong ire-reply ko. Should I confess my feelings for him na ba? Heck. Eto na ba yung time?

Hay ewan.

Bumitaw na ko sa pagkakayakap.

"Ingat Gatsby!"

"Ingat Shakugan!"

I smiled at him and wave. Pumara na siya ng taxi saka lumingon pa sakin.

"Mahal na mahal kita Shakugan ko!!"

At matik na parang yelong nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Mahal na mahal kita Shakugan ko.

Nagkamali lang ba ko ng dinig?

Agad kong sinampal-sampal yung pisngi ko.

Aray!

@$%*&! Totoo nga.

BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon