5

19 0 0
                                    

Dalawang linggo matapos nang tagpo naming iyon ni Gabby, pwede na kong dalhin sa mental. Kasi naman! Hindi ko alam kung ano bang klaseng mahal kita iyon? Pangkaibigan lang ba or more than?

Dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Gabby. Madala kasing si Charles lang yung sumusundo kay Clauie.

Dalawang linggo na rin akong walang communication sa tatlong iyon.

Dalawang linggo na rin akong walang social life. Well, kelan ba nagkaroon?

Dalawang linggo na.

At nami-miss ko na sila.

Naglalakad ako sa garden ng university namin nang biglang may humatak sakin papunta sa ilalim ng acacia.

"Tae! Tae! Tae!"

"Bes! Ako to! Si Clauie!"

Napabuntong-hininga ako. Jusmi. Si Clauie lang pala. Todo-kabado pa naman ako.

"Nakakagulat ka naman bes!"

"Ano? Kayo na ba?"

"Nino?"

"Ni Gabby?"

Mahal na mahal kita Shakugan ko!

"Waaaaaaha-ha-haaa. Bes!" iyak-iyakan kong tono.

"Bakit?"

"Sabi niya sakin, 'Mahal na mahal kita Shakugan ko'."

"Taray, gayang-gaya pati boses ni Gabby."

"Ha? Hindi ka man lang nagulat? Yan lang ang reaksyon mo?"

"Oo. Ano pa bang dapat?"

"Bes! May alam ka ba? May alam ka ba ha? Clauie! Tell me the truth! Tell meh."

"Loka."

"Ano nga?!"

Umupo kami sa isang bench sa ilalim ng puno ring iyon.

"Gusto mo siya no?"

Tumango ako. Ang strange. Ang weird. Ngayon lang ako na-inlove-ay mali-ngayon lang ako na-fall sa totoong tao. Hindi fictional. Hindi character ng libro.

"Edi, ano pang hinihintay natin? Gora na tayo sa ospital!"

"H-ha? Bakit?"

"Hindi ba siya-sinasabi na nga ba't hindi makakapagpaalam ang lalaking iyon e!"

"Ano nga?!"

Napaluha si Clauie. Gaaah! Ano ba? Ano ba talagang nangyayari? Okay lang ba si Gabby?!

"Ano?!"

"Relax ka lang Shannah."

"Ewan ko sayo!" tumakbo na ko palayo para makapunta na ko sa ospital.

Nasa gate na ko ng university nang bigla kong naalala. Hindi ko nga pala alam kung anong ospital. Hay naku naman!

"Clauie!" I shouted. Kahit wala naman si Clauie sa paligid.

Biglang nag-beep yung cellphone ko.

Clauie: Perpetual Help Hospital. :'(
10:34 am

May pagka-manghuhula pala ang ate niyo.

WAAAH alalang-alala na ko ah! May pa-emoji emoji ka pang :'( ? Kung ikaw :'( , ako :'( na, <///3 pa! Please naman Clauie, wag mo akong pakabahin.

BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon